Title: Mga Dakilang Pilipino; o ang kaibigan ng mga nagaaral
Author: Jose N. Sevilla
Release date: February 18, 2006 [eBook #17786]
Language: Tagalog
Credits: Produced by Tamiko I. Camacho, Pilar Somoza and the Online
Distributed Proofreading Team at http://www.pgdp.net (This
file was made using scans of public domain works from the
University of Michigan Digital Libraries.)
Paalala ng Nagsalin: Sa orihinal na pagkalimbag, tinangal ng maykatha ang lahat ng "n" at ginamit lamang ang g̃. Dahil ninais ng maykatha na gamiting ang libro ng mga estudyante para sa kanilang pagaaral ay binalik namin ang "n" sa web version para madaling basahin ng mga kabataan ngayon. Ang plain text na edisyon naman ay hinayaan naming manatili ang porma ng orihinal na pagkalimbag ng libro.
Transcriber's note: The author removed all the "n" and used tilde g or g̃ in the original publication. Since the author intended the book as reference for students, we placed the "n" back in the web version to make it easier to read. The plain text version however retains the original form as it was published.
HANDÓG
Sa kabataan ng̃ lahing̃ Tagalog upang̃ pakinabang̃an at mágamit na isáng̃ mabuting̃ basahin sa panahón ng̃ pagaáral.
Ang Kumatha.
Ang̃ karapatán sa aklát na itó ay ipinamamana ko sa aking̃ mg̃a pamang̃king̃ Emillo, Jesús, Aurelio at Predesvindo Alvero y Sevilla upáng̃ kaniláng̃ pakinabang̃an kung̃ sumapit silá sa sapát na gulang̃.
José N. Sevilla.
DAHON IKA 5PAUNANG SALITA
7ALI MUDIN
10RAHA SOLIMAN
12RAHA LAKANDULA
14TOMAS PINPIN
17FRANCISCO BALTAZAR
22JOSE CRUZ
26P. PEDRO PABLO PELAEZ
28P. JOSE BURGOS
32JUAN LUNA Y NOVICIO
35GRACIANO LOPEZ JAENA
38APOLINARIO MABINI
44JOSE MA. BASA
47PEDRO A. PATERNO
51ANTONIO MA. REGIDOR
54FELIPE G. CALDERON
56CAYETANO ARELLANO
59SUSANA REVILLA
63TEODORA ALONZO
67MELCHORA AQUINO
69APOLONIO SAMSON
71MIGUEL MALVAR
74EMILIO JACINTO
77ANTONIO LUNA
81GREGORIO DEL PILAR
83MARCELO H. DEL PILAR
86MARIANO PONCE
90PASCUAL H. POBLETE
94RAFAEL DEL PAN
98P. MARIANO GOMEZ
101ANDRES BONIFACIO
107P. JACINTO ZAMORA
110GAT JOSE RIZAL
Naging̃ Kapitán ng̃ Artilleria ng̃ Republica Filipina
Kasang̃guni ng̃ «Suliranan ng̃ Wika»
Naging̃ Gurò ng̃ Panitikang̃ Tagalog sa Colegio «La Juventud»
Namatnugot ng̃ mg̃a Pahayagang̃
«Buhay Pilipinas», «Malalayang̃ Mang̃agawà» at «Katuwiran»
Nagtamò ng̃ Ganting̃ Palang̃ Medalla de Plata at Diploma
Sa Tang̃halang̃ Panama Pacifico, 1915,
Sa lilim ng̃ tang̃hal ng̃ Biblioteca de Filipinas
Kasang̃guni ng̃ Lupong̃ sa Pátakarán at Palatuntunan
Ng̃ Unang̃ Kapulung̃ang̃ Balagtás, 1922.
Kasapi sa «Ilaw at Panitik»
Isang̃ suliraning̃ kasalukuyan na humihing̃i ng̃ isáng̃ ágarang̃ paglutas ay ang̃ náuukol sa pagsisikap na tayo'y magkaroón ng̃ isáng̃ wikang̃ pambansâ na makabibigkís ng̃ boóng̃ higpít sa atin sa isang̃ pagkakáwatasang̃ ganáp sa tulóng̃ ng̃ isáng̃ sariling̃ wikà, upáng̃ mapapánatiling̃ laging̃ mainit, nagáalab at nakadádaráng̃ yaóng̃ dî mating̃kaláng̃ mithî na pinagbubuan ng̃ lalong̃ mahalagáng̃ dugô at itinulò ng̃ masasakláp na luhà ng̃ mg̃a naulila doón sa mg̃a bayaning̃ naiwan sa ságupaan sa kadilimán ng̃ gabi.
Ang̃ sanhing̃ itó rin ang̃ pinagbuhatan ng̃ isáng̃ katagâ ng̃ kapulong̃ na Lope K. Santos nang̃ kasalukuyáng̃ pinagtátalunan sa Kapulungang Balagtas niyaóng̃ ikalawang̃ araw ng̃ Abril ng̃ taóng̃ isáng̃ libo siyam na raán at dalawampuo't dalawa, ang̃ suliranin ng̃ pagtuturò ng̃ wikang̃ Tagalog sa mg̃a páaralan na anyá'y «anóng̃ aklát ang̃ pagáaralan ng̃ ating̃ mg̃a batà sa wikàng̃ Tagalog?»
Ipinagtátapát kong̃ sa kasalukuyan, kung̃ may mg̃a aklát mang̃ Tagalog na náuukol sa mg̃a Balarilà ng̃ wikà ay tahás na dî tumútugón sa mg̃a pagkakáunlád ng̃ wikang̃ Tagalog dito sa dáanang taóng̃ ika dalawam puo yayamáng̃ ang̃ mg̃a yaón ay halos tinagalog lamang̃ sa mg̃a aklát na gayón din ang̃ urì na mg̃a ibáng̃ wikang̃ Kastilá ó Ingles, ng̃uni't di nagtátagláy ng̃ sariling̃ diwà at mg̃a paraán ng̃ wikang̃ Tagalog sa kanyang̃ sining̃ na sariling̃ sarili.
Dahilán ang̃ sanhíng̃ itó nang̃ ipinagpanayám namin ng̃ kasalukuyáng̃ Patnugot ng̃ Instituto de Mujeres na nagmung̃kahi sa akin, na bilang̃ pang̃unang̃ aklát ay lumimbág muna ng̃ isáng̃ babásahing̃ káwiwilihan ng̃ Páhiná 6mg̃a nagáaral sa sariling̃ wikà, ng̃uni't sinikap kong̃ sa pagtugón sa kanyáng̃ mungkahi ay yumari ng̃ isáng̃ aklát na tang̃i sa káwiwilihang basahin ay kápupulutan namán ng̃ mg̃a dakiláng̃ huwaran sa kapitápitagang̃ halimbawang̃ ipinamana sa atin ng̃ mg̃a bantóg na mg̃a kababayan na sa gálawan ng̃ kanilang̃ kalágayan, maging̃ sa kapamayanán, sa dunong̃ at sa kabayanihan man ó sa pagtatáng̃gol ng̃ mg̃a dakilang̃ mithî, ay kinábakasán ng̃ tápatang̃ pagibig sa mutyâ nating̃ Pilipinas.
Ang̃ sa langit ng bayang Pilipinas ay nipót ng̃a sa init ng̃ hang̃ád na ang̃ wikang̃ Tagalog ay maging̃ isang̃ wikang̃ pagbansâ, at yáyamang̃ ang̃ napili naming̃ batayán ó sáligan ng̃ aklát, ay ang̃ kagyát máukit sa pusò ng̃ ating̃ mg̃a batà ang̃ sarisaring̃ aral na iniing̃atan ng̃ mg̃a dakilang̃ pang̃yayari sa sariling̃ lupà ay máituturing̃ na ang̃ aklát na handóg namin ng̃ayón ay hindi básal, bagkús isang̃ hapyáw sa mg̃a násulat nang̃ mg̃a tudling̃, bakás ng̃ kasaysayang̃ sa mg̃a dakilang̃ aklát na náuukol sa maning̃ning̃ na dahon ng̃ ating̃ kasaysayan ay naging̃ pahiyas, at sa kapanahunan namán, ay sa mg̃a pagyayaring̃ lumúlutang̃ kung̃ minsan ay sa bugsô ng̃ kapusukán, kalupitán, ó kabayanihan kayâ na pawang may sariling̃ samyô, na kung̃ ibúbukód ay tahás na pakikinabang̃an upáng̃ makayari tayo sa ating̃ mg̃a batà ng̃ mg̃a diwang malalakí, kaloobang̃ matitibay, kálolwáng̃ dî magígipò ng̃ mg̃a panuyò at hinuhod yáyamang̃ tahás na gumágaláw sa udyók na násasalig sa pinakamarang̃ál sa lahát ng̃ udyók na dili ibá't ng̃ maning̃as na pagasang̃ maging̃ tapát na anák ng̃ bayang̃ tinubuan.
Ihináhandóg namin sa kabataan ng̃ lahing̃ Tagalog ang̃ mg̃a hapyáw, sipì, at sinóp na itó sa mg̃a panitik ng̃ mg̃a lalong̃ litáw na taong̃ aming̃ hinugutan ng̃ mg̃a ináakalang̃ karapatdapat basahin, makilala, at pagaralan ng̃ ating̃ mg̃a batà sa mg̃a unang bugsô ng̃ pagaaral, bilang paghahandâ sa kanilá na mang̃igíng̃ matitíbay na muóg ng̃ ating̃ ihináhandáng̃ bayang̃ malusóg, malayà at karapátdapat sa isang̃ bukás na malayà.
At sa pagasang̃ ang̃ tang̃kilik ng̃ mg̃a mambabasa ay igagawad sa amin, ay lumuwal ang̃ sa langit ng Bayang Pilipinas, na tagláy ang̃ lahát ng̃ kakanyahán ng̃ isang̃ bagóng̃ hugis na babásahin.
Bilang̃ pang̃alawang̃ aklát na aming̃ ilálathalà ay dî iba't "Ang aklat ng tagalog" na málalathalà sa dalawáng̃ wikà, ó sa malinaw na sabi ay sa Tagalog at Ingles, na kápagáaralan ng̃ mg̃a lihim na iníing̃atan ng̃ wikà, bung̃a ng̃ isáng̃ matamáng̃ pagsisinop. Dito ay magkatulong̃ kami ni Dr. Paul Rodríguez Verzosa, isáng̃ dalubhasáng̃ mapagsuysóy ng̃ mg̃a kapakanan ng̃ wikà at lahing̃ Tagalog.
At pang̃atló sa taóng̃ itó ay isusunód namin ang̃ isáng̃. Maikling Balarila na kásisinupán ng̃ mg̃a alituntunin at paraán ng̃ wikà sa kanyáng̃ kakayahán, mg̃a paglalapilapì sa tulong̃ nang̃ mg̃a tipik at pagbabago ng̃ mg̃a diwà ng̃ salità sa pamamagitan ng̃ paguulit ng̃ panting̃ ó ugát kayâ sa ng̃ayon sa kahiling̃an ng̃ siníng̃.
Umáasa kami na sa pamamagitan ng̃ tang̃kilik ng̃ mg̃a Páaralan at ng̃ báyang̃ mahiligin sa pagaaral ay sásapit tayo sa pagkakaroón ng̃ isáng̃ Batás na kákaling̃à sa ating̃ mg̃a kathâ na hang̃gá ng̃ayón ay lúlutang̃lutang̃ sa dagat na waláng pampáng̃ ng̃ kapabayaan.
Kung̃ magkakagayón ay matitiyák naming̃ ang̃ walang̃ maliw na punyagî ng̃ Kapulungang Balagtas na aming̃ kináaaniban ay dî naaksat maáasahang̃ pagáanihan ng̃ mg̃a saganang̃ biyayà.
Jose N. Sevilla.
Si Ali Mudin ay isá sa mg̃a lalong̃ nápabantóg na Sultán sa Huló. Siyá ay anák ni Maula na napabilang̃ sa mg̃a lalong̃ litáw na Harì sa nábang̃gít na Pulô. Ang̃ magamáng̃ itó kailán ma'y hindî napasuko nang̃ hukbóng̃ kastilà anó mang̃ sikap ng̃ ginawâ upáng̃ lupigin ang̃ kanilang̃ kaharian.
Nang̃ humalili si Ali Mudin sa kanyáng̃ amá ay sinikap ng̃ mg̃a kastilà na magtamó sa kanyá ng̃ isáng̃ kásunduan, at sapagka't si Ali Mudin ay maibigín sa kapayapaan ay nagpadalà sa Maynilà ng̃ limáng̃ sugò, niyaong̃ Enero ng̃ 1737 upáng̃ makipagtalo sa mg̃a mung̃kahing̃ kásunduan ng̃ mg̃a kástilà.
Sa mg̃a sugong̃ itó ay kabilang̃ siná Dadia Deila, Radia Poot Salikaya at si Panduta Mahomed Ismalis. Ang mg̃a sugóng̃ itó ng̃ Sultan na si Ali Mudin ay siyáng̃ nang̃asiwà sa pakikipagkásundô sa mg̃a kastilà na pinagtibay niya sa Huló, at sa pinagkásunduán ay nabibilang̃ ang̃ mg̃a sumúsunód:
I.—Maghahari sa dalawáng̃ pang̃kát na nagkakásundô ang̃ kapayapaan.
II.—Ang̃ dalawáng̃ pang̃kát, o ang̃ mg̃a moro at mg̃a kristiano ay magtúlulong̃ na makipagbaka sa alin mang̃ kaaway nilang̃ dalawá.
III.—Magkákaroón siláng̃ dalawá ng̃ malayang̃ pagkakálakalan.
IV.—Sakaling̃ sino man sa dalawáng̃ dako ay puminsalà sa kang̃ino man sa kanilá o maghasik ng̃ sigalót sa isá sa kanilá, ang̃ naminsalà o sanhî ng̃ kapinsalaan ay magbábayad sa pininsalà ng̃ isáng̃ halagáng̃ híhigín ng̃ napinsalà.
V.—Magpapàlitan ng̃ bihag.
Si Ali Mudin ay nagíng̃ tunay na Harì, at ang̃ kanyáng̃ kapang̃yarihan ay kinilala ng̃ mg̃a kastilà hang̃gang̃ sa niyáong̃ taóng̃ 1749 ay sumirà sa kásunduan ang̃ mg̃a kastilà at si Ali Mudin ay nábihag at dinalá sa Maynilà niyaóng̃ Enero ng̃ taóng̃ nábang̃git.
Sa pagkábagsàk ni Ali Mudin ay humalili si Bantilan, isáng̃ dakilang̃ Datò ng̃ panahóng̃ yaón.
Nanahanan sa Maynilà si Ali Mudin na kasama ng̃ kanyáng̃ anák na si Israel na pinahintulutan ng̃ mg̃a kastilà na makapang̃aral sa Páaraláng̃ San José. Sa boóng̃ panahóng̃ ipinakipamayan ni Ali Mudin sa piling̃ ng̃ mg̃a kristiano ay nahikayat na pabinyág at ang̃ pang̃alang̃ iginawad sa kanyá ay Fernando I.
Pagkalipas ng̃ iláng̃ panahón, ay sinikap ng̃ Gobernador Obando na si Ali Mudin ay mábalík sa kanyáng̃ Páhiná 8pagká Harì, at si Ali Mudin kasama ng̃ iláng̃ sasakyáng̃ punô ng̃ kawal ay tumulak na patung̃o sa Huló binaka nilá ang̃ mg̃a kutà roón hang̃gáng̃ sa nang̃ dî na máipagtang̃gol ng̃ mg̃a moro ay kaniláng̃ napasukò at isáng̃ panibago na namáng̃ kásunduan ang̃ linagdaán ng̃ mg̃a moro at ng̃ mg̃a kagawád ng̃ mg̃a kastilà.
Ang̃ mg̃a sasakyán ay lumayag na patung̃o sa Zamboanga at sa pagka't di nakasama si Ali Mudin sa mg̃a kastilà sa pagtulak na yaon ay sinapantahà ng̃ mg̃a kastilà na siyá ay nagtaksíl, at siyá, kasama ng̃ mahigit na dalawáng̃ daáng̃ kasamahán ay dinakip at mulíng̃ ibinalik sa Maynilà at ibinilang̃gô sa Fuerza de Santiago.
Buhat noón ay pinasimulán na ng̃ mg̃a kastilà ang̃ waláng̃ maliw na pagbaka sa mg̃a moro; ng̃uni't pawang̃ waláng̃ tagumpáy na masásabi na kaniláng̃ tinamo sa Timog ng̃ Kapuluan.
Hinilíng̃ ni Ali Mudin sa mg̃a kastilà na ang̃ kanyáng̃ anák na si Fatima ay pahintulutang̃ makapagbalík sa Huló, niyaóng̃ Febrero ng̃ 1753 upáng̃ magsikap sa ikapagharì ng̃ kapayapan doón, at ang̃ gayóng̃ kahiling̃an ay dining̃ig at pinahintulutan ng̃ mg̃a kastilà; bilang̃ bung̃a ng̃ paglalakbáy na itó ni Fatima ay nagtamó siyá ng̃ isang̃ sulat buhat kay Bantilan na nagsasabing̃ si Ali Mudin ay pabalikin sa Huló, upáng̃ magharing̃ mulî róon at lumagdâ sa isang̃ bagong̃ kásunduan ang̃ dalawáng̃ dakong̃ dating̃ magkaaway na mg̃a moro at kastilà. Ang̃ lahat ng̃ kahiling̃an ni Bantilan ay dinging̃ ng̃ mg̃a kastilà, subalit hinilíng̃ na si Ali Mudin ay palayain ng̃uni't mamámalagì sa Maynilà sa piling̃ ng̃ Arzobispo Rojo na siyáng̃ kumuha sa kanyá sa Fuerza Santiago at nagbigáy sa kanyá ng̃ isáng̃ táhanan at mg̃a lingkód.
Niyaóng̃ 1762 ang̃ Maynilà ay sinalakay ng̃ mg̃a Inglés at si Ali Mudin sa piling̃ ng̃ limampuô katao ay lumabás at nakibakang̃ kasama ng̃ mg̃a kastilà sa bagong̃ kalaban na dumadagsâ at humuhugos sa kamaynilaan.
Ipinamalas ni Ali Mudin ang̃ isáng̃ dî karaniwang̃ katapang̃an na katutubò ng̃ mg̃a moro at lubhang̃ maraming̃ Inglés ang̃ kaniláng̃ pinuksâ bagá mang̃ ang̃ Lunsód ay napasok at napasukò. Ang̃ mg̃a Inglés ay dî naglaón sa Maynilà at sa kaniláng̃ paglayas, sa kautusan ni Simon de Anda at Zalazar ay pinapanumbalik si Ali Mudin sa Huló upang̃ muling̃ lumuklók pa kanyáng̃ luklukang harì.
Gumawâ ng̃ isáng̃ línang̃in sa Balambang̃ ang̃ mg̃a Inglés na kaniláng̃ linibid ng̃ matitibay na kutà at sa dî pagkawilì dahilán sa ang̃ sigáw ay dî nilá matagalán ay lumipat sa isáng̃ pulô na malapit sa Huló. Ang̃ ganitóng̃ pang̃yayari ay dî minabuti ng̃ Sultan Mahomed at ni Israel na anák ni Ali Mudin, sapagka't dî nilá matiís na ang̃ kaniláng̃ lupaín ay ariin ng̃ mg̃a banyagà; at naghanáp silá ng̃ isáng̃ kátaóng̃ ikapagtatabóy sa mg̃a mang̃gagagá.
At ang̃ panahóng̃ itó ay dumatíng̃ Páhiná 9niyaóng̃ bihagin ng̃ mg̃a kawal na Inglés si Dato Tenteng̃, isá sa mg̃a malalakás at pinaníniwalaang̃ Datò, at isá sa mg̃a maiinit na araw ng̃ Marso niyaóng̃ 1772 nang̃ makalayà na si Tenteng̃, ay nakipagalám sa mg̃a ibang̃ Datò na siná Dakula at Zamang̃go-Isaák, kasama ng̃ iláng̃ kawal na sumalakay sa kinalalagyán ng̃ mg̃a kawal na Inglés, at sa ganitóng̃ ságupaan ay nang̃ágsitakas ang̃ mg̃a Inglés sa mg̃a bang̃káng̃ lundáy na pinaghábol ng̃ mabibilís na sasakyáng̃ moro. Sinikap ng̃ Gobernador na Inglés na makipagkásundô, ng̃uni't dî tinalima ng̃ mg̃a moro at silá ay ipinagtabuyan at sa pagtakas ay nang̃aiwan nilá ang̃ kaniláng̃ mg̃a sasakyán, mg̃a kanyón, baril at apat na puô at apat na libong piso.
Namatáy si Ali Mudin sa Huló, ng̃ boóng̃ kasiyahang̃ loób, sapagka't náitabóy niyá ang̃ mg̃a manlulupig sa kanyáng̃ bayan.
Si Ali Mudin ay nagíng̃ tudláan ng̃ dî kawasang̃ paghang̃à ng̃ kanyáng̃ mg̃a sàkop.
Bago nagíng̃ Rahá si Solimán, ay nagíng̃ katulong̃ muna sa pang̃ang̃asiwà ng̃ mg̃a súliranin dito sa Maynilà, ni Raháng̃ Matandâ.
Si Lakán Dulà na nanánahanan sa Tundó ay siyá niyáng̃ kasama. Itó ay nang̃ kapanáhunan ni Raháng̃ Matandâ nang̃ taóng̃ 1570. Noón ay isáng̃ pulutóng̃ nang̃ mg̃a sasakyáng̃ kastilà na pinamumunuan ni Martin de Goití at Juan de Salcedo ang̃ dumaong̃ sa luók ng̃ Maynilà. Niyaóng̃ unang̃ datíng̃ dito niná Goití ay dî sila nakalunsád pagdaka. Ang̃ Maynilà, ay may matitibay na mg̃a muóg at sila'y pinaputukán at sinagupà.
Nabalitaan niláng isá sa mg̃a makapang̃yarihan doón ay si Solimán, kaya't nagpadalá sina Goití rito ng̃ sugò na nagsásaysáy na silá'y dî naparito upáng̃ makidigmâ kundî upáng̃ makipagkásundô, at ang̃ ganitó'y tinugón sa pamamagitan ng̃ sugò, na ang̃ Hari sa Maynilà ay nagnanasà ng̃ makipagkaibigan sa mg̃a kastilà.
Pagtang̃gáp ni Goití ng̃ paklí ni Solimán ay nasók siyá at ang̃ kanyáng̃ mg̃a tao sa ilog ng̃ Pasig at silá'y lumunsád sa isáng̃ baybáy na itinakdâ ng̃ Harì. Sinalubong̃ silá ni Raháng Matandâ at nakipagkamáy sa kanilá, pagkaliban ng̃ iláng̃ sandali ay dumatíng si Rahá Solimán at nakipágkamáy din ng̃uni't nagpasubalì ng̃ gayari: «Kamí ay nagnánasang̃ makipagkaibigan sa mg̃a kastilà samantalang̃ silá'y mabuti sa amin; ng̃uni't mahíhirapan silá ng̃ gaya ng̃ hirap na tiniís na ng̃ ibá, kailán ma't nasain niláng̃ kami'y alisán ng̃ puri».
Pagkaraán ng̃ iláng̃ araw si Goití ay nagkulang̃ sa pagkakáibigan sa pagpapaputók ng̃ kaniláng̃ kanyón, at si Rahá Solimán ay napilitang̃ magbago ng̃ kilos. Ipinawasák nitó ang̃ mg̃a sasakyán nina Goití at ipinapuksâ ang̃ kanyáng̃ mg̃a kawal.
Nápakabuti ang̃ pagtatang̃gól sa mg̃a kutà at dî nagawâ nang̃ mg̃a kastilà ang̃ makapasok agád, ng̃uni't nang̃ mang̃asalantà ang̃ mg̃a tao ni Solimán at maubos na ang̃ mg̃a punlô ay napipilan din. At nang̃ makuha ng̃ mg̃a kastilà ang̃ Maynilà ay sinalakay ang̃ bahay ni Solimán at dito'y nátagpuán nilá ang̃ isáng̃ mainam na gusali, maiinam na kasang̃kapang̃ sigay, mg̃a damit na mariring̃al na nagkakahalagá ng̃ may 23.000 piso.
Hindî nagtaksíl kailán man si Solimán, gaya ng̃ ipinararatang̃ sa kanyá ng̃ mg̃a kastilà. Siyá'y tumupád lamáng̃ sa kanyáng̃ dakilang̃ katung̃kulan na makibaka sa sino mang̃ magnánasang̃ sumirà ng̃ kanyáng̃ Páhiná 11kapuriháng̃ pagkaharì, at yáyamang̃ ang̃ mg̃a kastilà ay siyáng̃ nagpasimulâ ng̃ pagbabaka, ay siyá ay nagtang̃gól lamang̃ at natalo, ng̃uni't hindî kailán man nagtaksíl.
Ang̃ kanyáng̃ pagibig sa sariling̃ Lupà ay nagudyók sa kanyáng̃ makibaka at siyá ay nakibaka dahil doón.
Kung̃ saán mákikitang̃ ang pagguhò ng̃ kaharian ni Solimàn ay utang̃ sa kagahaman ng̃ isáng̃ lahing̃ mang̃aalipin; sa isáng̃ pámahalaáng̃ pinagágaláw ng̃ lakás ng̃ lakás at di ng̃ lakás ng̃ katuwiran.
Kawawang̃ bayang̃ maliliít na linúlupig at ginágahasà ng̃ malalakíng bansâ.
Ang̃ daigdíg ay patung̃o sa pagunlád, at buhat niyaóng̃ 1914 na gahasain ang̃ Belhika, ang malalakíng̃ Bansâ ay nagsasapì at ipinagtang̃gól ang̃ katwiran ng̃ maliliít na bayan. Panibagong̃ kilos sa daigdíg na bung̃a ng̃ mayamang̃ diwà ng̃ dakilang̃ Wilson sa kaamerikahan.
Si Rahá Lakán Dulà ay isá sa mg̃a lalong̃ bantóg na namunò sa Bayan ng̃ Tundó. Siyá ay isá sa mg̃a kasang̃gunì ni Rahá Matandâ, si Lakán Dulà ay siyáng̃ Pámumuán ng̃ panahóng̃ siná Legaspi ay dumaóng̃ sa ating̃ lunsód, niyaóng̃ taóng̃ 1571. Nang̃ sumapit si Legaspi sa ating̃ Lupaín at lumunsád sa Tundó ay nátagpuán niyáng̃ dito'y naghaharì ang̃ kapayapaan, namámayanì ang̃ matatalinong̃ mg̃a batás, at may matitíbay na muóg na panang̃gól sa mang̃agsísisalakay.
Kiníkilalang̃ Harì rito si Lakán Dulà ng̃ mg̃a kanugnóg na lupaín, at ang̃ kaniyáng̃ nang̃asásakupan ay bumábayad sa kanyá ng̃ buís at lagíng̃ tapát sa kanyá, magíng̃ sa kapayapaán at magíng̃ sa digmâ. Ang̃ mg̃a sasakyáng̃ insík at Hapón na dumaóng̃ dito ay pawang̃ nagbábayad ng̃ buwís kay Lakán Dulà, bago lumunsád at mang̃alakal sa tagarito.
Kinilala rin namán ni Legaspi ang̃ kapang̃yarihan ni Lakán Dulà at gumawâ silá ng̃ Sang̃usapan at pagkarán ng̃ iláng̃ panahón si Lakán Dulà ay nagíng̃ kakampí ng̃ España. Tumulong̃ si Lakán Dulà sa pagtátatag dito ng̃ mg̃a táhanan ng̃ mg̃a kastilà at pagkaraán ng̃ iláng̃ panahón siyá at ang̃ kanyáng̃ mg̃a anák ay napabinyág na lahát. Ang̃ pang̃alang̃ iginawad kay Lakán Dulà ay Carlos.
Niyaóng̃ taóng̃ 1574 na ang̃ lupaíng̃ itó ay salakayin ni Limaóng̃, isáng̃ insík na tulisáng̃ dagat, ang̃ Raháng̃ itó at ang̃ kanyang̃ mg̃a anák ay nakilabang̃ kakampí ng̃ mg̃a kastilà sa mg̃a insík na nagsisalakay. Napaurong̃ siná Limaóng̃ ng̃ mg̃a kampón ng̃ Rahá Lakán Dulà at ang̃ mg̃a itó ay nagtatag ng̃ kaniláng̃ kaharian sa Pang̃gasinán at doó'y pinágusig silá ng̃ hukbó ni Lakán Dulà hang̃gáng̃ nápatayán silá ng̃ kay raming̃ alagád at náitaboy silá sa labás ng̃ mg̃a lupaíng̃ sakop ng̃ Raháng̃ Tagalog na itó na nagpakita ng̃ gayón na lamang̃ tapang̃.
Si Lakán Dulà ay nagkaroón ng̃ tatlóng̃ anák na lalaki at siyá at ang̃ kanyáng̃ mg̃a anák sa kapanahunan ni Lavezares niyaóng̃ 1572 hang̃gáng̃ 1575 ay patuloy siláng̃ naging̃ katúkatulóng̃ sa pagpapalaganap ng̃ kakristianuhan sa Kagayán, Kamarines, at Zambales; ang̃ kanyáng̃ apóng̃ si Makapagál ay isá sa lumitáw sa tanán niyang̃ mg̃a kamaganak. Si Makapagál sa kanyáng̃ katápatan sa España ay ginawáng̃ «Maestro de Campo» at pagkatapos noón ay naging̃ Páhiná 13Heneral siya sa Apalit, Arayat at mg̃a kabundukan ng̃ Zambales.
Nang̃ magkáalít ang̃ mg̃a kapampang̃an at mg̃a pang̃gasinán ay dî naapulà, samantalang̃ hindî namagitan si Makapagál; at nang̃ mulíng̃ sumalakay ang̃ mg̃a insík sa kapanahunan ni Heneral Figueroa ay hining̃î ang̃ tulong̃ ni Heneral Makapagál at itó ang̃ humawì sa nagsisisalakay.
Sa pagkilala sa dakilang̃ tulong̃ ni Heneral Makapagál sa España ay silá'y tinimawà ng̃ mg̃a kastilà sa anó mang̃ bayarin sa Pámahalaán at ang̃ lahát ng̃ kanyáng̃ kamaganakan ay gayón din. Itó'y namarati hang̃gáng̃ sumapit ang̃ taóng̃ 1883.
Si Rahá Lakán Dulà ay isá sa mg̃a lalong̃ kilalang̃ harì sa kapanahunang̃ yaón ng̃ ating̃ kasaysayan. Nagíng̃ kakampí siyá ng̃ mg̃a kastilà sa pagká't naniwalà siyáng̃ ang̃ mg̃a kastilà ay magiging̃ tapat sa kásunduan at pang̃akò. Tumulong̃ siyá sa pagsalasà sa nagsisalakay na mg̃a nagnánasang̃ magharì rito at sakupin ang̃ kanyáng̃ ang̃kán; at lagì siyáng̃ tumulong̃ sa pagapulà ng̃ mg̃a himagsikan, sapagká't inàakalà niyáng̃ ang̃ gayón ay nagguguhò lamáng̃ ng̃ kapayapaán ng̃ kanyáng̃ mg̃a sakop.
Kung̃ ang̃ mg̃a kastilà ay hindî tumupád sa pang̃akò at sumirà sa sang̃usapan, ay hindî kasalanan ni Lakán-Dulà; kasalanan ng̃ kasakiman na náaayos sa símulain ni Bismárk na ang̃ maliliít ay talagang̃ kákanin ng̃ malalakí.
Samantalang̃ hindî naghaharì ang̃ pagkakapantáypantáy ng̃ mg̃a tao sa haráp ng̃ katuwiran at ang̃ kawagasán ay isáng̃ kabaitang̃ násusulat lamáng̃ at dî ginágampanán ng̃ lahát at bawa't isá, talagáng̃ ang̃ kapang̃aniban sa mg̃a maliìt na Bansà ay laging̃ nakabalà.
Itó ang dakilang̃ gáwain ng̃ mg̃a tao ng̃ Daigdigan.
Itó ang̃ simulaing̃ nasang̃ pairalin ng̃ dakilaing̃ Wilson nang̃ siya'y mamagitan sa nagiinapóy na digmaan sa Europa.
Anó ang̃ malay natin kung̃ yaón din ang̃ mang̃ing̃ matibay na sáligan ng̃ ganáp natíng̃ kasarinlán.
Laking̃ kapabayaan at kapabayaáng̃ lubháng̃ pumipinsalà sa ating̃ pagkabansáng̃ lináng̃ ang̃ pang̃yayaring̃ ang̃ ating̃ mg̃a dakiláng̃ tao ay nálibíng̃ sa limót at waláng̃ nagukol kahit na hapyáw man lamang̃ na pagbabalità sa kaniláng̃ mg̃a kabantugan. Ang̃ limbang̃an ay isáng̃ dakiláng̃ biyayà sa katauhan, sa pagka't túnay na mabisang̃ katulong̃ sa paglálaganap ng̃ mg̃a mithíng̃ bung̃a ng̃ mg̃a kisláp ng̃ diwà ng̃ tao ng̃uni't katakátaká mandín na ang̃ káunaunahang̃ manlilimbág dito sá Kapuluán ay hindî naka pagpapamana sa atin ng̃ haláw man lamang̃ ng̃ kanyáng̃ buhay, subalì't gaya ng̃ ang̃ mg̃a dakiláng̃ pang̃yayari ay nagiiwan ng̃ mg̃a dakiláng̃ bakás gayon ang̃ nang̃yari sa ating̃ kababayang̃ itó na pinagúukulan ng̃ayon nitóng̃ maigsíng̃ úlat.
Ang̃ limbagan ay isáng̃ dakilang̃ biyayà sa katauhan, biyayang̃ mabisang̃ katulong̃ sa paglalaganap ng̃ mg̃a kahang̃ahang̃áng̃ kisláp ng̃ diwà na higit sa dagidab na sumasakaalaman ng̃ lahát at napapanatili at nagágamit at sunodsunoran sa kapakanán ng̃ katauhan.
Kung̃ ang̃ limbagan ay isáng̃ tunay na biyayà sa katauhan, dísapalà ay karapatdapat na pagpugayan at handugán ng̃ isáng̃ ganáp na pagturing̃ ang̃ mg̃a taóng̃ nang̃ákatulong̃ sa pagpapalaganap niyaón. Si Tomás Pinpin, sa ng̃ayon sa mg̃a kasulatang̃ amíng̃ násuysóy ay siyáng̃ káunaunahang̃ Tagalog na naglaganap ng̃ limbagan sa dakong̃ itó ng̃ daigdigan.
Kilalá at nahihiging̃an na siyá'y isáng̃ Tagalog at káunaunahang̃ manlilimbág dito sa Filipinas at Tagalog na may díwang̃ lináng̃ sa itinítímpalák ng̃ káunaunaháng̃ aklát na «Librong̃ Pagáaralan ng̃ mg̃a Tagalog ng̃ Wikang̃ Kastilà» subali't hindî nákikilala gaya ng̃ malaong̃ dî nábalitaan ang̃ kanyáng̃ pang̃alan, sa pagká't waláng̃ nagukol sa kanyá ng̃ isáng̃ karapat dapat na gunitâ.
Ang̃ ganitóng̃ mg̃a kapabayaan ay dî dapat mamarati, sa pagká't lubhang̃ pípínsalà sa ating̃ pagkabanság kasalukuyang̃ tinátawaran at ayaw kilalanin.
Ng̃uni't sino si Pinpin? Kailan siyá ipinang̃anak? Saang bayan siyá Sumibol?
Mg̃a tanong̃ na dî matugón ng̃ tiyakan at waláng̃ mg̃a kasulatan maturól yayamang̃ ang̃ karamihan ng̃ mápagsasáng̃guniang̃ tálaan sa mg̃a Simbahan ay nalipol at na waldás ng̃ ating̃ mg̃a himagsikan. Hindî máaaring̃ malimutan, hindî Páhiná 15dapat malimutan ang̃ mg̃a dakilang̃ gawâ ng̃ mg̃a lalò pang̃ dakilang̃ tao na gaya ni Pinpin. Sa kanyáng̃ aklát ay matítiyák ang̃ kanyáng̃ sikháy na tayo'y mákawatas ng̃ nang̃amiminunò sa atin at ng̃ sa gayóng̃ paraán ay tahás nating̃ mákilala ang̃ kaniláng̃ urì, karang̃alan at diwà dahilán itóng̃ sukat na, upáng̃ si Pinpin ay mákintál sa pusò ng̃ tanáng̃ pilipino at magsikap na siyá'y mákilala at pag-aáralan. Umanó'y tubong̃ Abukay, sakóp ng̃ lalawigang̃ Bataan niyaóng̃ lalawigan pinakípamuhayam hang̃gáng̃ sa huling̃ sandalî ng̃ ating̃ dakilang̃ Balagtás; niyaóng̃ lalawigang̃ sinibulan ng̃ isáng̃ utak na hinang̃aan ng̃ Daigdig na hang̃gang̃ sa kamatayan ay pawang̃ karang̃alan sa kanyáng̃ buhay ang̃ idinudulot sa kanyáng̃ sariling̃ lupà, ng̃ kagalang̃-galang̃ na Arellano.
Sang̃ayon sa isáng̃ aklát na kanyáng̃ sinulat, si Tomás Pinpin ay taong̃ Bataan, dátapuwa't dî maturól nang̃ tiyakan kung̃ alíng̃ bayan sa Bataan ang̃ kanyang̃ kinákitaan ng̃ unang̃ liwanag; kapabayaan ng̃ ating̃ mg̃a pang̃anay na sanhî ng̃ayón ng̃ kapinsalaáng̃ itó, bagá mang̃ dî íilán ang̃ nagsásabing̃ ang̃ kababayang̃ itó ay tubò sa bayan ng̃ Abukay.
Talagáng̃ ang̃ mg̃a dakilang̃ tao ay pinagaagawán ng̃ mg̃a bayan, gaya halimbawà ng̃ nang̃yayari sa ating̃ Balagtás, na anáng̃ mg̃a tagá Udyóng̃ ay anák itó ng̃ bayang̃ yaón, baga máng̃ ang̃ mg̃a kasulatáng̃ nátuntón ng̃ masipag na mánunuysóy na si G. Hermenegildo Cruz ay tumítiyák na ang̃ ating̃ Makatà ay tubò sa Pang̃inay, sakop ng̃ Bigaa, Bulakán.
Saan mang̃ bayan sumiláng̃ si Pinpin, ay nakasísiyá na sa amin ang̃ matiyák na siya'y isáng̃ Tagalog at siyáng̃ káunaunahang̃ manunulat na naghandóg ng̃ isáng̃ mahalagáng̃ aklát ng̃ sining̃, sa kapakinabang̃an ng̃ kanyáng̃ mg̃a kalahi.
Utang̃ sa masikap na mánunulat na si G. Manuel Artigas, ang̃ muling̃ pagkálimbág ng̃ «Librong Pag-aaralan Ng Mga Tagalog Ng Wikang Kastila» sa kanyáng̃ «La Primera Imprenta en Filipinas» at doón ay mabábakás ng̃ mg̃a mairugin sa mg̃a kabantugan ng̃ ating̃ mg̃a kababayan ang̃ mg̃a mahahalagáng̃ aral ng̃ ating̃ Pinpin sa kanyáng̃ mahalagá at pang̃anay na aklát na may gayóng̃ uri na kabantugan ng̃ pánitikang̃ Tagalog.
Sa kanyáng̃ pagkamanlilimbág ay natitiyák na siyá ay nagíng̃ isáng̃ matapát na aralán ni Parì S. José, at sa isáng̃ maigsíng̃ bugsô ng̃ panahóng̃ ikinatatag dîto ng̃ limbagan ay nakápaghandóg agád ng̃ mayamang̃ bung̃a ng̃ kanyáng̃ diwà. Niyaóng̃ 1610 na limbagin ang̃ kanyáng̃ aklat ay nagtamó, ng̃ malugód na papuri ni Pari Roque Barrionuevo sa kanyáng̃ mung̃kahi upáng̃ bigyáng̃ pahintulot at sa iláng̃ katagâ ay kalakip itóng̃: «Y es mucho de estimar por ser su autor un natural tagalog.»
Siya ang̃ naging̃ Patnugot ng̃ unáng̃ limbagan dito sa Pilipinas magbuhat niyaóng̃ taóng̃ 1610 gaya ng̃ mátataluntón sa «Arte y Reglas de la Lengua Tagala» at ang̃ ganitóng̃ tung̃kulin ay ginampanan niyá hang̃áng̃ sumapit ang̃ taóng̃ 1630, Páhiná 16at nang̃ lumipas ang̃ iláng̃ panahon ay lumipat siyá sa Limbagan ng̃ mg̃a Paring̃ Hesuitas niyaóng̃ 1637 hang̃gang̃ 1639.
Si Tomás Pinpín ng̃â sang̃ayon sa mg̃a nátataluntóng̃ balità ay siyáng̃ matandáng̃ kapatid ng̃ ating̃ mg̃a manlilimbág na dî nagaksayá ng̃ panahón at naging̃ sáligan ang̃ katiyagaán hang̃gáng̃ sa magíng̃ isáng̃ dalubhasang̃ tagapagpanuto ng̃ kanyáng̃ mg̃a kapanahón gaya ng̃ mákikita sa katagáng̃ aming̃ sísipiin dito sa kapakinabang̃an ng̃ aming̃ mg̃a mambabasa: «Dí baquin ang langgam ay nacararating sa cacaong̃in ay bahaguia ng̃ macalacad.»
Mahalagang̃ aral na magagawáng̃ isáng̃ mainam na sáligan upáng̃ sapitin ang̃ alin máng̃ matataás na indayog ng̃ páng̃arapín.
At itóng̃ sumusunód; «ay lalo ring iquinapagpilit nang loob cong tayong lahat ay paraparag macaalam nang uicang Castila ay ang caloloua nating ay nang maiquinabang sa P. Dios nang Canyang mga Auaauang marami».
Kung̃ saan mapagkikitang̃ sa kanyáng̃ banál na pananampalataya ay dî niya naligtaan ang̃ mg̃a kalahì na dî makinabang̃ ng̃ biyayà noón.
Kung̃ ang̃ nang̃áuna sa atin ay nagsikap na magpamana sa mg̃a sumisiból ng̃ bahagyâ man lamang̃ ulat tung̃kól dito sana'y nápagaralan natin gayón ang̃ mg̃a dakilang̃ halimbawà sa ating̃ kapakinabang̃an.
Kung̃ isáng̃ araw ay makasapit ka giliw na mambabasa sa Liwasang̃ Cervantes at doón ay makita mo ang̃ isáng̃ bantayog ay masdán mo si Pinpín na nakapakò ang̃ matá sa lupà at tila may mahalagáng̃ bagay na ináaninag; ináapâ niya marahil kung̃ ang̃ naging̃ bung̃a ng̃ limbagan sa kanyáng̃ tinubuang̃ lupà ay nagíng̃ isáng̃ biyayà ó naghatíd sa kapang̃anyayaán. Nálalamán niyáng̃ ang̃ limbagan ay isáng̃ mabilis na pakpák ng̃ diwà upáng̃ ang̃ bung̃a ng̃ kaniláng̃ mg̃a likhâ ay magtawirang̃ waláng̃ pang̃anib sa malalawak na karagatan ng̃ daigdigan, nálalaman niyáng̃ ang̃ limbagan ay isáng̃ mabutíng̃ paraán upáng̃ ang̃ lahát ng̃ mg̃a pang̃yayari ay huwág máliblib sa mang̃ágsísisibol na áapuhin, at itó ang̃ kanyáng̃ ginawâ kung̃ kayâ kahit hapyáw, ay siya'y ating̃ nábabalitaán ng̃ayón. Ng̃uni't dî dapat mákailâ sa atin ang̃ pang̃yayaring̃ ang̃ limbagan ay isang̃ mabisang̃ katulong̃ sa paninirang̃ puri.
Nariyán ang̃ isang̃ taong̃ nagpagál sa kapakinabang̃an ng̃ kanyáng̃ bayang̃ tinubuan.
Hindi maáaring̃ sumulat ng̃ ukol sa pánitikang̃ Tagalog nang̃ dî bábang̃gitín ang̃ pang̃alan ng̃ dakilang̃ Makatà ng̃ Wikang̃ Tagalog, ng̃ Harì ng̃ mg̃a mang̃aáwit, na si Francisco Baltazar.
Ang̃ maykathâ ng̃ «Florante at Laura» ay isá sa mg̃a nápilì at namukód na higít sa isáng̃ maning̃níng̃ na talà at karapátdapat na mápapiling̃ kina Goethe, Virgilio, Dante Aligieri na pinípiging̃ ng̃ mg̃a «Diosa» sa kanyáng̃ dulang̃, na dî nadádaluhán nino mán kundî ng̃ Páhiná 18mg̃a tunay na diwà lamang ng̃ mg̃a lahì.
Si G. Hermenegildo H. Cruz ay nagukol sa kanyá ng̃ isáng̃ mahalagáng̃ aklát na kátataluntunán ng̃ kanyáng mg̃a lálong̃ lihim na pinang̃daánan at búhay. Si G. Epifanio de los Santos Cristóbal sa pagsasálin ng̃ kanyáng̃ «Florante at Laura» sa wikang̃ kastilà ay naninop ng̃ boóng̃ panítikáng̃ Tagalog magbuhat ng̃ 1593 hang̃gáng̃ 1886, upáng sa gitnâ ng̃ masayáng̃ halamanan ng̃ pánitikáng̃ Tagalog ay pagitawin siyáng isáng̃ mabang̃ó at kahang̃ahang̃ang̃ buláklák noón na ang̃ samyô ay waláng̃ pagkapawi.
Sa pánitíkáng̃ Tagalog ng̃â ay si Balagtás ang̃ dakilang tang̃láw at sa mg̃a tilamsík ng̃ kanyáng̃ liwánag ay sukat mabuô ang̃ lalong̃ maririkit na kathain. Siyá'y ipinang̃anák niyaóng̃ ika 2 ng̃ Abril ng̃ taóng̃ 1788.
Anák palibhasà ng̃ mg̃a tunay na Tagalog, si G. Juan Balagtas at Juana Cruz, at kumita ng̃ unang̃ liwanag sa mg̃a lupaíng̃ Tagalog. Sa Pang̃inay, Bulakán, ang̃ sing̃áw dito na lumílikhâ ng̃ mg̃a túlain ay gumising̃ sa kanyáng̃ diwang̃ silang̃anin na umawit tuwi na; ng̃uni't isáng pagáawit na nagbabadhâ ng̃ mg̃a dakilà at laging̃ kapanahóng̃ mg̃a aral, gaya ng̃ sabi ni G. Lope K. Santos, na ang̃ kanyáng mg̃a katagà sa «Florante» ay isáng̃ ebanhelyo sa mg̃a ang̃káng̃ Tagalog na naníniráhan sa mg̃a tagóng̃ nayon nitóng̃ Kapuluán. Ang̃ «Florante» ay inawit, binasa, pinaking̃gan, at tinándaán, ínulítulit na tandáan at awitin ng̃ nang̃akáring̃íg na dî marunong̃ bumasa, upáng matándaán at tuwî na'y talúntunin at paganihan ang kanyáng̃ mayamang̃ diwà ng̃ ikapapanuto at ikapagiging̃ mapalad ng̃ madlâ.
Aní Mariano Ponce, si Balagtás ay «ang̃ Principe ng̃ mg̃a Makatang̃ Tagalog», at aní Dr. José Rizal, nang̃ tukuyin ang̃ kanyáng̃ waláng̃ kamátayang̃ awit: «Ang Florante ay isáng̃ kathâ sa wikang Tagalog, nang̃ kapanáhunang̃ ang̃ wikang̃ Tagalog ay lumulusog at dumíding̃al».
Nagaral si Balagtás gaya ng̃ lahát ng̃ mg̃a tubò rito sa atin ng̃ mg̃a unang̃ dako, sa «Cartilla», «Misterio», «Trisagio» at «Doctrina Cristiana», mg̃a aklát na ginágamit sa mg̃a unang bugsô ng̃ pagaaral nang̃ kanyáng kapanahunan.
Anák dukhâ palibhasà at iniwi sa duyan ng̃ karálitaán, ay dî nagawáng̃ linang̃in nang̃ gaya ng̃ kanyáng hilig ang̃ sariling̃ munì at napilitang̃ ang̃ lakás niyá ay ilakong̃ agád, at yamang̃ walang̃ anó mang̃ katang̃iang̃ gáwain na mapagukulan sa pagng̃agdóg buhay, ay minabuting̃ mások na alilà sa isáng̃ maganak sa Bayan ng̃ Tundó, málapít lámang̃ sa kamayniláan (Atenas)[1] na kung̃ saán ninánasang̃ tuklasín ang̃ mg̃a unang̃ balità ng̃ karunung̃an. Bukál palibhásà ang kabaitan at pagkámasúnurin, biyayà na ikinapatang̃ì tuwî na ng̃ mg̃a salát Páhiná 19sa ginhawa, ay kinálugdan siyá ng̃ kanyáng̃ mg̃a pang̃inoón, at siyá kinaling̃ang̃ tulad sa anák na tunay. Pinápang̃aral siyá sa Páaraláng̃ San José, at doó'y kinápansinán siyá ng̃ isáng̃ siból na katang̃ian sa pagtulâ at isáng̃ dî karaniwang̃ talino na ikinámahál sa kanyá ng̃ mg̃a Gurô roón.
Niyaóng̃ 1835, ay nanahanan siyá sa Pandakan, at binatà siya palibhasà, ay linigalìg ang kanyáng̃ pusò ng̃ himaláng̃ gandá ni M. A. R. (María Asunción Rivera) isáng̃ magandáng̃ dalagang̃ Tagalog na kinabalisahan ng̃ tanáng̃ binatang̃ kapanahón.
Dayo siyá palibhasà sa bayang̃ Pandakan, ay pinang̃imbuluhan siyá ng̃ mg̃a binatang̃ binihag din ng̃ kagandahan ni María, at ang̃ mg̃a kabasang̃ál (Adolfo sa kanyáng̃ awit) ay lumikhâ ng̃ mg̃a pakanâ na kanyáng̃ ikápapahamak hang̃áng̃ siyá'y másadlák sa dilím ng̃ isáng̃ kakilákilabot na bílanguan.
Sa paliháng̃ itó ng̃ hirap, na kung̃ saán linílikhâ ang̃ mg̃a dakilang̃ kálolwa, ay dito binuô ang̃ waláng̃ kamatayang̃ «Florante at Laura», tulad kay Victor Hugo ng̃ Francia na sa kadilimán ng̃ isáng̃ bilang̃guan sa Bruselas kinathâ ang̃ isa sa kanyáng̃ mg̃a dakilang̃ aklát na pinamatáng̃ «Napoleon, el pequeño:»
Nang̃ tamuhín niyá ang̃ layà ay nanahanan siyáng̃ mulî sa makasaysayang̃ bayan ng̃ Tundó, at dito ay nakilala niyá ang̃ isáng̃ babaing̃ guró sa sining̃ ng̃ pagtulâ, si aling̃ Manding̃ (Agapita Bernardo Rivera) at ang̃ balitan Husén Sisiw na lubós masásabing̃ siyá niyáng̃ unang̃ pinagparang̃álanan ng̃ kanyang̃ kinatháng̃ awit bago limbagín.
Sa atas ng̃ likas na pagnánasang̃ tumuklás ng̃ kaligayahan sa silong̃ ng̃ ibáng̃ lang̃it ay tinawíd niyá ang̃ luok ng̃ Maynilà at nanirahan siyá sa Balang̃à at nások na tagasulat sa Hukuman, at sa mg̃a pistá ng̃ bayan sa mg̃a nápabantóg siyáng̃ lubhâ sa kanyáng̃ mg̃a maririkit na «Moro-moro» na siyáng̃ tang̃ing̃ libang̃an ng̃ mg̃a panahóng̃ yaón.
Niyaóng̃ 1842 ay lumipat siyá sa bayan ng̃ Udyóng̃ at dito tinamaán ng̃ kanyáng̃ malas ang̃ isáng̃ babaing̃ pumukaw na mulî ng̃ kanyáng̃ pusò si aling̃ Juana Tiomng̃beng̃, isáng̃ maharlikáng̃ babai na nábihag ng̃ kanyáng̃ sinumpaán ng̃ isáng̃ wagás, dalisay at dî magmámaliw na pagibig.
Anáng̃ kanyáng̃ mg̃a anák na nabúbuhay pa hang̃ga ng̃ayon na dinalaw kong̃ sadyà upang̃ makilala,ay náririníg, nilá, umano, sa kanilang̃ tatay kung̃ nanínibughô ang̃ kanilang̃ nanay, na ang̃ M. A. R. sa «Florante» ay hindi María Asunción Rivera, na lubhang̃ pumúpukaw ng̃ kaligaligán ni aling̃ Juana, kundî María Ana Ramos. Kung̃ saán mapagkíkitang̃ ang̃ Makatà ni Laura ay nátututo ring̃ mamang̃kâ sa dalawáng̃ ilog.
Si Francisco Balagtás, ay nagíng̃ maginoó sa bayan ng̃ Udyóng̃, at Páhiná 20siyá'y nagtagláy ng̃ mg̃a katung̃kulang̃ «Juez Mayor de Sementera» at «Teniente Mayor».
Sa isáng̃ kapusukán ng̃ loob ay ginupitán niyá ng̃ buhók ang̃ isá niyáng̃ alilang̃ babai, na nagíng̃ daán ng̃ isáng̃ panibagong̃ pagúusig sa kanyá at mulíng̃ idinalaw sa mapáng̃angláw na silid ng̃ bilang̃guan.
Ang ibon ay kahit piitín sa isáng̃ kulung̃áng̃ bakal ay dî napipigilang̃ umawit, at si Balagtás ay gayón, sa loób ng̃ nápipiníd na bílang̃guan na pawang̃ pang̃láw ang̃ naghaharì, pawang̃ mukhàng̃ nang̃lílisik, pawang̃ luhà, at kadalamhatían sa pagkákawalay sa mg̃a kapilas ng̃ búhay, sa gitnâ ng̃ búhay na yaón, ang̃ kanyáng̃ panitik ay dî nang̃lumó at ang̃ kanyáng̃ «La India Elegante y la Negrita amante», ang̃ «Orosman at Záfira» at ibá páng̃ kathâ, ay binuô niyá roón, at lumwál sa maliwanag at nagpáyaman ng̃ pánitikáng̃ Tagalog.
Nang̃ tamuhín niyáng̃ pamulî ang̃ layà ay dinatnán niyáng̃ hughóg na ang̃ kaniláng̃ kabuhayan dahil sa malakíng̃ usapíng̃ hinaráp ng̃ kanyáng̃ asawa, at salamat sa kanyáng̃ mg̃a kathâ at nabigyán niyá ng̃ maginhawang̃ kabuhayan ang̃ marami niyáng̃ anák na nang̃ang̃ailang̃an ng̃ kanyáng̃ arugâ.
Magsalitá ng̃ nanúkol sa kabuhayan ng̃ dakilang̃ Hari ng̃ Tulang̃ Tagalog ay nang̃ang̃ahulung̃áng̃ gumawâ ng̃ sapagka't waláng̃ dakilang̃ bung̃a ng̃ lahát ng̃ tanyág na panitik na hindî kumadlô sa mg̃a dakilà niyáng̃ simulain, waláng̃ káliliklikang̃ nayon na hindi umáawit ng̃ kanyáng̃ «Florante»; waláng̃ sang̃gol na iniwi sa lilim ng̃ lang̃it ng̃ Pilipinas na hindi ipinaghele ng̃ kanyáng mg̃a magagandáng̃ tulâ; waláng̃ dakilang̃ hatol na iginawad ang̃ mg̃a nunò sa kaniláng̃ mg̃a apó na hindî sa simulain ni Balagtás hinugot; waláng̃ anómang̃ paálaala ng̃ kaibigan sa kaibigan na hindî nábang̃git ang̃ mg̃a katagá ni Balagtás; anó pa't si Balagtás at ang̃ mabuting̃ gawî ay magkapatid na tunay. Kaáliwan ng̃ nang̃alulunos, pambúhay sa nang̃lúlupaypáy na pusò, panuto ng̃ nagasa kamalian, at dakílang̃ guró ng̃ liping̃ Tagalog.
Tinawag siyá sa sinápupunan ni Bathalà niyaóng̃ iká 20 ng̃ Febrero ng̃ taong̃ 1862, ng̃uni't ang̃ luning̃ning̃ ng̃ kanyáng̃ waláng̃ kahulilip na kaisipán ay tumátang̃láw pa hang̃gá ng̃ayón sa ating̃ pánitikán at tátang̃law hang̃gáng̃ sa bukas ng̃ ating̃ lipi.
[1] Sa Florante: "Ipinadala ako sa Atenas ...
DAHONG LUGAS NG
"FLORANTE"
Ang̃ pang̃alang̃ itó ay bago sa mg̃a batang̃ panding̃ig, ng̃uni't sa mg̃a mawilihin sa Tuláng̃ Tagalog ay isáng̃ Talang̃ nápakaliwanag. Siyá'y naging̃ Guró ng̃ ating̃ Balagtás sa pagtulà at lahát halos ng̃ mg̃a binatang̃ kanyáng̃ kapanahón ay pawang̃ lumuhog sa kanyá na itulà ng̃ mg̃a panambitan, liham, lowa, at mg̃a palabás dulaan na totoóng̃ hinang̃aan at pinapurihan ng̃ kanyáng̃ mg̃a kapanahón.
Sa kanyáng̃ kabataan ay walâ siyáng̃ nádamá kungdi pawang̃ hirap, palibhasa'y anák dukhâ. Ang̃ pintuan ng̃ Páaralan ay bahagyá na niyáng̃ nápasok, at matang̃i sa págunahing̃ pagaaral na ginampanán ng̃ kanyáng̃ ali at sa isáng̃ tang̃ing̃ guró na nagturo sa kanyá hang̃gang̃ 40 año ay walang̃ masásabing̃ tinuklasán niyá ng̃ dunong̃ na naghatíd sa kanyá sa dalubhasang̃ tawag na talaisip at pasimunò na sinunód na lagi ng̃ kanyáng̃ mg̃a kababatà.
Umanó'y isáng̃ araw, nang̃ si Huseng̃ Sisiw ay batà pang̃ wawaluhing̃ taón lamang̃ ay naliligò siyá sa isáng̃ ilog sa may tabi ng̃ kaniláng̃ bahay at nang̃ mg̃a sandaling̃ yaón ay dalawáng̃ nagháhanáp ng̃ táwiran upáng̃ pasá ibayo at si Husé ang̃ kinausap. Ang̃ mg̃a Hesuita ay hindî marunong̃ ng̃ Tagalog at si Husé sa tulóng̃ ng̃ kanyáng̃ pagkapalabasá ay nakapakipagintidihan sa mg̃a banyagang̃ kausap sa sarili nilang̃ wikà.
Lubháng̃ náhang̃à ang̃ mg̃a Hesuita sa katalinuhan at pagkamagalang̃ ng̃ batà, kayá,t nalibáng̃ na siyá'y kausaping̃ mahabá ng̃ sandali. Noón ay sádaraán ang̃ isáng̃ tao at sa pagka't hindî na nang̃akapagpatuloy ng̃ pagtawid ang̃ mg̃a Paré, ay inusisá na lamang̃ kung̃ sino ang̃ batang̃ kaniláng̃ nákausap, kung̃ kang̃inó anák at kung̃ saán nagáaral.
«Siyá—anáng̃ mg̃a Hesuita—ay isáng̃ «batang̃-matandâ» lubháng̃ umindayóg ng̃ pagiisip.»
Nang̃ si Huséng̃ Sisiw ay magbinatá na, ay dito na kinapánsinán ng̃ isáng̃ kainamang̃ pananagalog, malalaking̃ kaisipan, mg̃a laláng̃ ng̃ diwá na nakágigising̃ ng̃ pusong̃ idlip kaya't halos ináakalà ng̃ mg̃a kanayon na siyá ay isáng̃ tunay na pantás na nakatatarók ng̃ lahát ng̃ lihim.
Itó'y nagbuhat sa waláng̃ maliw niyáng̃ pagbabasá ng̃ mg̃a Kasáysayan ng̃ Biblia na natúturól niya ang̃ mg̃a banháy na kailang̃anin sa pagsasalitâ, na ikinapaghinala ng̃ madlà na siyá'y isáng̃ taong̃ nakatátarók ng̃ lahát ng̃ pagbabagong̃ dinaanan ng̃ Daigdigan buhat sa mulà at mulà.
Páhiná 23Nátuto siyáng̃ magisá sa sarilíng̃ sikap ng̃ Filosofía, Cánones, Teología at iba pang̃ mg̃a karunung̃an, gayón din ng̃ latín at griego, tang̃i pa ng̃ kastilà na ginagamit niyáng̃ parang̃ sariling̃ wikà. Dahilán itó nang̃ kung̃ bakit nang̃ panahóng̃ yaón ay lubháng̃ maraming̃ paring̃ Tagalog ang̃ sumásang̃guni sa kanyá ng̃ kanikaniláng̃ mg̃a sermón na paubayang̃ ipinababago sa kanyá kung̃ mayroon siyáng̃ hindî mainamin na nasang̃ iwastô.
May isáng̃ lalong̃ himaláng̃ ginawâ si Huséng̃ Sisiw nang̃ siya'y anyayahan ng̃ Kura sa Batang̃an na maglabás ng̃ kanyáng̃ mg̃a dulà sa Pista ng̃ Bayan doón, at sabihin pa ba, dinalá niyáng̃ lahat ang̃ kanyáng̃ mg̃a siping̃ yari, na mg̃a dulang̃ bung̃a ng̃ kanyáng̃ waláng̃ pagál na panitik at ipinagparang̃alan niya sa Kura na piliin ang̃ nasang̃ palabasin sa araw ng̃ kapistahan, at sa masamáng̃ palad ay waláng̃ nápilì isá man ang̃ Kura; ng̃uni't ipinakita sa kanyá ang̃ isáng̃ «Kasaysayan» na siyáng̃ nasang̃ palabasin, at noón din ay binasa ni Husé at boóng̃ tapang̃ na nagsabing̃ «Hindî tayo mápapahiyâ among̃».
Dispirás na ng̃ Pista ng̃ Bayan nang̃ibigay sa kanya ang̃ sipi ng̃ «Kasaysayan» at ang̃ ating̃ si Huséng̃ Sisiw, pagkabasang̃ saglit ng̃ kasaysayan ay tinipon ang̃ kanyáng̃ mg̃a «comediante» at isaisáng̃ inanasán ng̃ kanikaniyáng̃ sásabihin na tila bumabasa ng̃ isáng̃ duláng̃ yari at násusulat sa wikang̃ Tagalog.
Kinábukasan ay nasok sa kuból si Huséng̃ Sisiw at ang kanyáng̃ mg̃a sinanay na mg̃a «comediante» ay nang̃anupád ng̃ kaníkaniyáng̃ tung̃kól sa dulà ng̃ boóng̃ kasiyaháng̃ loób ng̃ lahát at taging̃tang̃ì ang̃ Kura na lubhang̃ námanghà sa himaláng̃ yaón na ipinamalas ni Huséng̃ Sisiw.
At dî lamáng̃ itó ang̃ katang̃ian ni Huséng̃ Sisiw. Siyá ay nakadidiktá sa limáng̃ tagasulat kung̃ siyá'y nagmamadalî; gaya halimbawà ng̃ kung̃ may nagpápagawâ sa kanyá ng̃ anó mang̃ katibayan, paányaya, sulat sa pang̃ing̃ibig at tulâ sa karang̃alan ni gayón at ni ganitó. Pinaúupô niyáng̃ sabáy ang̃ mg̃a tagasulat at sabáy na dinidiktahán ng̃ kanikaniyá, ano pa't nakatátapos na lahát na sabáy at walang̃ pánaghilian.
Tinawag siyáng̃ si Huséng̃ Sisiw, sa pagka't siyá ay mahiliging̃ kumain ng̃ sisiw, kailan ma'y áayáw siyá ng̃ inahin ó tandang̃; maging̃ sa mg̃a gulayin ma'y nasà niyá ang̃ lalong̃ murà ó walâ pa sa panahon, kung̃ makáisip siyáng̃ kumain ng̃ inihaw na baboy ay ang̃ kaniyáng̃ pinipilî ay ang̃ pásusuhín pa halos. At sa pagka't itó ang̃ kanyáng̃ himalíng̃ lahát halos ng̃ kanyáng̃ mg̃a kaibigan na nagkákautang̃ ng̃ loób sa kanyáng̃ magpasulat, ay dinádalhán siyá ng̃ sisiw na lalong̃ pinakamatabâ. At sa pamagát na Huséng̃ Sisiw siya nákilala ng̃ lahát ng̃ kanyáng̃ mg̃a kapanahón.
Si José Cruz ay tubò sa makasaysayang̃ bayan ng̃ Tundó at anáng̃ marami ay siyá ang̃ talagang̃ ipinang̃anák na Makatà. Nilang̃ siya sa maliwanag niyaóng̃ taóng̃ 1778.
Umanó'y isáng̃ araw ay pinagdayo siyá ng̃ mg̃a Pantás at Dalubhasa Páhiná 24ng̃ kanyáng̃ panahón upáng̃ makilala ang̃ dakiláng̃ Makatà at Guró nina Balagtás, «Florante» at ni Ananias Zorrilla sa «Dama Inés» niná Juan at Prudencio Feliciano sa kaniláng̃ «Loco por el viento», «D. Alejandro at Don Luis», «Atamante at Manople», «Jason at Medea» at Dn. Gonzalo de Córdoba», at kalung̃uyò at lagí nang̃ sinambit ni aling̃ Manding (Agapita Bernardo Rivera) na tánung̃an ng̃ mg̃a mánunulat noón ay nang̃yari ang̃ ganitóng̃ ságutan:
—Mang̃ Husé, saán pô nároón ang̃ mg̃a aklát ninyóng̃ sang̃gunian?
—Mg̃a Ginoó, ang̃ aklatan ko pô ay ang̃ sariling̃ pagiisip. Ináakalà ko pô na hindî kailang̃an ang̃ isáng̃ mayamáng̃ aklatan kung̃di násasaulo ang̃ mg̃a linalaman noón.
Kung̃ saán mapagkikita na si Huséng̃ Sisiw ay isáng̃ dalubhasang̃ palalò, sanhî marahil nang̃ hindî niyá ikinápagpalimbág ng̃ kanyáng̃ mg̃a kathâ.
Anáng̃ mg̃a matatandáng̃ aming̃ nápagtanung̃án, si mang̃ Husé ay lubháng̃ maing̃at sa kanyáng̃ mg̃a sulat at kailán ma'y hindî siyá nasiyahán sa mg̃a hináhang̃aan na ng̃ ibá na kanyáng̃ mg̃a kathâ, dahilan itó ng̃ kung̃ bakit iilán ang̃ kanyáng̃ «Corrido» na nakilala at ito'y ang̃ «Clarita», «Adela at Florante» at «Teodoro at Clavela».
Tung̃kol sa may mahigít na kung̃ ilang̃ daáng̃ «Comedia» at «Dulà» ay nang̃ing̃ibabaw ang̃ mg̃a itó: «La Guerra Civil de Granada», «Hernandez at Galisandra», «Reyna Encantada ó Casamiento por fuerza» at «Rodrigo de Vivar».
Si Huseng̃ Sisiw ay naging̃ Tagasuri ng̃ mg̃a «Comedia» at «Dulà» na itinatang̃hál sa «Teatro de Tondo» na ari ni G. Domingo Celis. Ang̃ alin mang̃ «Dulà» ó «Cómedia» na kanyáng̃ bigyán ng̃ «subali» ay hindi natatang̃hál doón. Ang̃ kanyang̃ pasiyá ay walang̃ tutol at iginagalang̃.
Itó umanó ay kanyáng̃ tinulâ ng̃ inip na inip na ng̃ káhihintay sa isáng̃ katipán na di dumaló sa tagpuan.
Si Husé ay laging̃ pidagdamutan ni Kupido.
At nang̃ isáng̃ kataón ay tinugón siyá ng̃ isáng̃ dalaga na «Magsabi po cayo sa aquing mga magulang», ay tinugon pagdaka ng̃ isáng̃ tulá na gayari:Páhiná 25
Tátapusin namin ang̃ ulat na itó sa pagsipi ng̃ iláng̃ tulá ni Huséng̃ Sisiw bilang̃ aláala sa kanyáng̃ kabantugan, nang̃ huag matulad sa bulâ na ginahasa ng̃ hang̃in; sa bang̃óng̃ panandaliang̃ linipasan ng̃ halimuyak ó sa kawiliwiling̃ tinis ng̃ kanyáng̃ kudyapî na napápawi sa pakinig, pagkalipas ng̃ isáng̃ saglit na pagkaalíw at pagkawili.
Isa sa mg̃a lalong̃ paham na tao niyaóng̃ nagsásapól ang̃ dáanang̃ taóng̃ lumipas, si Parè Pedro Pelaez, Doctor en Teologia, na, pagúukulan ng̃ayón nitóng̃ sapyáw na ulat, bilang̃ pabunyî sa kanyáng̃ kadakilaan at mg̃a pagliling̃kód sa Tinubuang̃ Lupà, sa abot ng̃ gálawan ng̃ kanyáng̃ pagka Parè.
Sa matuláng̃ lalawigan ng̃ Laguna ay dito sumilang̃ ang̃ marilág na si Parè Pedro Pablo Pelaez, at anák ng̃ mg̃a litáw na tao. Ang̃ kanyáng̃ amá ay kasalukuyang̃ Alkalde mayor niyaóng̃ ika 12 ng̃ Hunio ng̃ taóng̃ 1812, na siyá'y iluwál sa maliwánag. Inalô ng̃â si Parè Pedro Pelaez sa duyan ng̃ kaginhawahan; ng̃uni't sa buhay na itó ng̃ mg̃a pagbabago ay kanyáng̃ dinanas ang̃ lahát ng̃ mg̃a dapat danasin ng̃ mg̃a laruan ng̃ palad at siyá'y naulila sa maágang̃ panahón ng̃ kanyáng̃ kabataan at, walâ namang̃ gaanong̃ naiwan sa kanyáng̃ pamana, ang̃ amáng̃ pumanaw, kayá't sa panahón ng̃ kanyáng̃ pag-áaral ay di gágaanong̃ pagsasakit ang̃ kanyáng̃ tinawíd bago namulat ang̃ kanyáng̃ kutád na muni sa malawak na gálawan ng̃ karunung̃an.
Maglálabing̃ isáng̃ taón pa lamang̃ siyá ng̃ masok sa Páaralang̃ Santo Tomás sa pamamagitan ng̃ «beca» dahil sa karang̃alan ng̃ kanyáng̃ mg̃a magulang̃ at ang̃ panahón ng̃ kanyáng̃ ipinagaral, ay siyáng̃ naging̃ sáligan ng̃ pamagát sa kanyáng̃ Pantás at Dalubhasang̃ Parè, na iginawad sa kanyá sa panahón ng̃ kanyáng̃ pamamayani sa buhay na itó ng̃ mg̃a dalamhati.
Boóng̃ kasyahang̃ loób na tinamó niyá ang̃ katibayang̃ «Bachiller en Fiosofía», «Bachiller en Teología», at «Licenciado en Teologia»; Kaparahunan noón ng̃ balitang̃ Pantás na Paring̃ kastilà na si R. P. Francisco Ayala, di nalaunan at tinang̃gáp ang̃ katibayan sa pagká «Doctor en Teología», kátaástaasang̃ karunung̃ang̃ mahihintáy na kamtin ng̃ isáng̃ Parè.
Dahil sa di niyá karaniwang̃ kapahamán ay nakasapit siyá sa Koro ng̃ Katedral at tinang̃gáp siyáng̃ «Canónigo de Gracia», ng̃uni't hindi niyá naaming̃ siyá'y mamalagi sa gayóng̃ parang̃ limós na katung̃kulan at siyá'y lumaban ng̃ páligsahan, at tinamó niyá ang̃ pamagát na «Canónigo Magistral».
Siyá'y may mg̃a kalilihiling̃ mg̃a sermón na lubháng̃ hinang̃aan at kanyáng̃ ipinalimbág sa Madrid Páhiná 27niyaóng̃ 1860, sa kahiling̃an ng̃ kanyáng̃ mg̃a kasamahan na nagnanasang̃ maging̃at ng̃ kayamanang̃ yaón ng̃ kanyáng̃ diwà.
Sa pagka «Predicador» ay nápabantóg ng̃ gayón na lamang̃ si Parè Pelaez, at sa kanyáng̃ walang̃ tilang̃ pagaáral ay tinamó niyá ang̃ mg̃a katung̃kulang̃ «Juez Apostólico», «Comisario Subdelegado de la Santa Cruzada» at «Vicario Capitular en Sede Vacante» sa Siudad ng̃ Maynilà. Anáng̃ isáng̃ pahayag ng̃ «La Patria» tung̃kól sa Pareng̃ itó: «Ang̃ mg̃a karapatdapat na mg̃a Prelado na siná Ecmo. Señor D. José Seguí at José Arangoren ay nagpahalatá tuwî na ng̃ pagtatang̃i sa kakayaháng̃ hindî karaniwan ng̃ mg̃a hiyas na itó ni Parè Pedro Pelaez, at itinang̃i siyáng̃ pinang̃sang̃gunian tuwî na, lalong̃ lalò na ng̃ Preladong si G. Arangoren at siyá ang̃ kalihim nitó.
Yaóng̃ dakilang̃ utak na nápabantóg at nagtaás ng̃ gayón na lamang̃ sa kanyáng̃ lipì, ay pininsalà niyaóng̃ lindól ng̃ taóng̃ 1863 nang̃ gumuhò ang̃ Katedral. Namatay siyáng̃ gaya ng̃ isáng̃ bayani sa kapanahunang̃ ang̃ kanyáng̃ karilagán ay sumisikat, ng̃uni't ang̃ kanyáng̃ aláala ay laging̃ sariwà tuwî na sa kanyáng̃ mg̃a kababayan. At sa «Universidad de Santo Tomás» bilang̃ aláala sa kanyáng̃ kadakilaan ay ginawáng̃ pahiyás ang̃ isá niyáng̃ malaking̃ larawan, sa kaniláng̃ «Galeria de Ilustres personalidades» na iniing̃atan sa bulwagan ng̃ nasabing̃ Páaralan, bilang̃ tang̃láw marahil sa nang̃agsisipagaral doón.
Sa Pilipinas ay maraming̃ dakilang̃ Bayani at sa mg̃a itó ay kabilang̃ ang̃ huwaran ng̃ mg̃a Paring̃ pilipino na si Dr. José Apolonio Burgos.
Niyaóng̃ ika 9 ng̃ Febrero ng̃ taóng̃ 1837, ay sumilang sa maliwanag ang̃ aming̃ pinagúukulan ng̃ayón nitóng̃ haláw na dahon ng̃ mg̃a Dakilang Pilipino. Siyá'y anák ng̃ Teniente ng̃ Milisya na si G. José Burgos at ni Ginang̃ Florencia ni Burgos, sa bayan ng̃ Vigan, Ilokos Sur.
Si Dr. José A. Burgos ay naulila sa kamusmusán, at sa marubdób na nasà ng̃ kanyáng̃ mairuging̃ iná na ang̃ kanyáng̃ munî ay mámulat sa mg̃a dakilang̃ aral, ay sinikap ni aling Florencia na ang̃ kanyáng̃ anák ay máipadalá sa Maynilà, at palibhasa'y anák siyá ng̃ isáng̃ Pámunuáng̃ Hukbó, ang̃ gayóng̃ nasà ay nagíng̃ isáng̃ pang̃yayari sa tulong̃ ng̃ mg̃a makapang̃yarihan ng̃ panahóng̃ yaón. Siya'y tinang̃gáp ng̃ waláng gugol sa Páaralang̃ San Juan de Letrán.
Ang̃ katalinuhan niyáng̃ dî karaniwan ay nábunyáng̃ at sa tang̃láw noón ay kanyáng̃ nápansín batà pa man ang̃ mg̃a kahidwaan ng̃ pamamalakad sa loób ng̃ Páaralan. Pang̃ulo siyá palibhasà ng̃ tanáng̃ nagáaral na kanyáng̃ kapanahón kayá't kanyáng̃ tinutulan ang̃ gayóng̃ dî niyá minabuting̃ nápansin, ng̃uni't sa halíp na dingín ang̃ kanyáng̃ tutol, ay siyá'y itinawalag sa Páaralan. Ang̃ unang̃ binhî ng̃ kaapihan ay nápapunlâ sa kanyáng̃ pusò.
Sa gitnâ ng̃ gayóng̃ kapinsalaán ay náipagpatuloy din niyá ang̃ pagaaral sa marunong̃ na Paring̃ si G. Mariano García hang̃gáng̃ siyá'y máihandáng̃ tang̃gapín sa Páaralang̃-madlâ ni Sto. Tomás. Nápatang̃ì siyá ng̃ gayón na lamang̃ at sa kanyáng̃ mg̃a sikap ay napagkilalang̃ tunay na alagád siyá ng̃ Kardenal Ceferino Gonzales, sa karunung̃an ng̃ «Teología». Sa Páaralang̃ itó niyá tinamó ang̃ mg̃a katibayang̃ pagká «Bachiller en Fìlosofia», «Doctor en Derecho Canónico» at «Doctor en Teologia».
Páhiná 29Nang̃ matapos ang̃ kanyáng̃ pag-aaral sa Páaralang̃-madlâ ni Santo Tomás ay náhirang̃ siyáng̃ magíng̃ Patnugot ng̃ Páaralang̃ San Juan de Letrán at guró sa wikang̃ latín, wikang̃ ayón sa mg̃a mánunulat ng̃ panahóng̃ yaón ay ginágamit niyá nang̃ gaya ng̃ paggámit ng̃ sariling̃ wika.
Nang̃ siyá'y yumakap ng̃ katung̃kulang̃ pagká Parè at ang̃ káunaunahan niyáng̃ «Misa» ay kanyáng̃ ng̃anapín ay napilitan niyáng̃ bitiwan ang̃ tung̃kulin niyá sa San Juan de Letrán, ng̃uni't siyá'y ilinipat na Patnugot ng̃ mg̃a nagaaral sa Sto. Tomás, tung̃kuling̃ hindî niyá pinagtagalán at ang̃ hinarap ay ang̃ kanyáng̃ pagká Parè.
Si Dr. José A. Burgos ay nagíng̃ pang̃alawang̃ Kura sa Katedral nitóng̃ Maynilà, nagíng̃ Mahistrado at Punò sa Katedral, Tagausig ng̃ Hukumang̃ Eklesiastiko at Pang̃ulong̃ Punò ng̃ pagdiriwang̃ sa Páaralang̃-madlâ ni Sto. Tomás.
Nang̃ taóng̃ 1767, nang̃ ang̃ mg̃a Paring̃ Hesuita ay palayasin dito sa Pilipinas, noón, ang̃ dako ng̃ Mindanáw ay nása kamay ng̃ mg̃a Rekoletano, at sa kalágitnaan ng̃ Lusón, ay sa mg̃a Paring̃ tubò rito sa Kapuluán; ng̃uni't ng̃ pabalikín sa Kapuluán ang̃ mg̃a Hesuitas niyaóng̃ taóng̃ 1859 ay siyáng̃ isinugò sa Mindanáw at ang̃ mg̃a Rekoletano ay ilinípat sa gitnâ ng̃ Lusón na siyáng̃ nása kapamahálaan ng̃ mg̃a «Clérigo» ó mg̃a Paríng̃ tagarito sa ating̃ lupaín, ang̃ ganitóng̃ panibagong̃ pagkawalâ ng̃ karapatán ng̃ mg̃a Paring̃ pilipino ay tinang̃gap ng̃ mg̃a itó na parang̃ isáng̃ malakíng̃ paglait ó paglapastang̃an sa kaniláng̃ karapatán, at ang̃ gayón ay nagíng̃ simulâ ng̃ isáng̃ pagtutol na pinamatnugutan ng̃ bantóg na si Dr. José A. Burgos.
Isáng̃ kasulatan ang̃ pinasapit sa España na humihing̃î ng̃ katarung̃an para sa mg̃a Paring̃ napinsalà, ng̃uni't gaya ng̃ mg̃a lalong̃ dakilang̃ gawâ na dî tuwî na'y nagtagumpáy ang̃ kaniláng̃ kahiling̃an ay nalupig ng̃ kapang̃yarihan ng̃ kaniláng̃ mg̃a katung̃galî, at ang̃ gayóng̃ pang̃yayari ay nagíng̃ simulá na ng̃ isáng̃ piping̃ paghahamók ng̃ mg̃a Paring̃ pilipino at ng̃ mg̃a Paring̃ kastilà. Ika 14 ng̃ Hulyo ng̃ taóng̃ 1870 nang̃ siná Parì Burgos at José Guevarra ay nagpadalá ng̃ isáng̃ kasulatan sa Kapitan Heneral G. Carlos Ma. Latorre, sa mg̃a paratang̃ na sa kanilá'y ibinuhat ng̃ mg̃a «regulares» at nagmumung̃kahing̃ litisin kung̃ mayroon ng̃â ó waláng̃ «filibusterismo» dito sa Pilipinas.
Sa gitnâ ng̃ alimpuyóng̃ itó ng̃ paglalaban ng̃ isá't isá, sa kabilang̃ dako, ang̃ mg̃a Paring̃ tubò rito sa atin, at sa kabilang̃ dako ay ang̃ mg̃a Paring̃ banyagà, ay nápataón sa Himagsikang̃ kawal sa Kabite niyaóng̃ 1872, pang̃yayaring̃ nágamit ng̃ mg̃a kaaway ni Dr. José A. Burgos, upáng̃ ang̃ násabing̃ Parè at sampu ni Pari Mariano Gómez at Jacinto Zamora ay mákasang̃kót sa násabing̃ himagsikan.
At gaya ng̃ lahát ng̃ pang̃yayari sa mg̃a bayang̃ nasusukuban ng̃ kapang̃yarihan ng̃ ibáng̃ Bansâ, ang̃ mg̃a pakanâ ay nagtagumpay; sa malinaw Páhiná 30na sabi ang̃ tatlong̃ dakiláng̃ Parè, ay umakyát sa bibitayán upáng̃ diligin ng̃ kaniláng̃ dugô, upáng̃ pagalayan ng̃ kaniláng̃ maagang̃ pagpanaw ang̃ kalaitlait na kamatayang̃ dapat lamang̃ sa mg̃a sálarín. Silá'y binitay niyaóng̃ iká 17 ng̃ Pebrero ng̃ taóng̃ 1872.
Bago binitay si Dr. José A. Burgos ay nagsabi ng̃:
«Ako'y walang̃ sala», at tinugón ng̃ «Verdugo»:
«Among̃, ako'y patawarin mo at ang̃ pagbitay kong̃ itó sa iyó ay laban sa aking̃ kalooban, ng̃uni't nanúnupád akó ng̃ isáng̃ utos.»
Ang̃ gayón ay pinaklihán ni Dr. Burgos ng̃ gayari:
«Pinatatawad kita, at nasà kong̃ ang̃ utos ay iyóng̃ tuparin».
Noón ay nagdilim ang̃ lang̃it, humagunot ang̃ kulóg, ang̃ lintik ay nagsiguhit ng̃ boóng̃ tatalím at ang̃ ulán ay bumuhos.
Ang̃ mg̃a taong̃ karamiha'y luksâ na dumaló sa Bagumbayan ay parang̃ ipinagtabuyan ng̃ mg̃a «elemento», at ang̃ tatlong̃ Parì ay binitay.
Ang̃ kamatayan ni Dr. José Apolonio Burgos ay máituturing̃ nating̃: «Binhì ng̃ Himagsikan». At ang̃ diwà ng̃ kanyáng̃ ipinagtang̃gól na katuwiran ng̃ mg̃a Parè ay nagtagumpáy sa ating̃ pinagpalang̃ Himagsikan niyaóng̃ taóng̃ 1896, na ang̃ unang̃ tagumpáy na máituturing̃ na hang̃gá gayón ay nanánatili sa ibabaw ng̃ kasakimán ng̃ mg̃a banyagá ay ang̃ pagkákilala sa karapatán ng̃ mg̃a Pareng̃ tubò rito sa atin na karamihan ay nang̃agháhawak gayón ng̃ mg̃a katung̃kulan at Karang̃alang̃ Obispo.
Nagíng̃ gawî tuwî na, na ang̃ mg̃a Paring̃ náhatulan sa mg̃a kalaitlait na kasalanan ay hinúhubarán ng̃ pagká Parè, at ang̃ gayón ay hiniling̃ sa Mng̃l. na Arzobispo ng̃ Maynilà; ng̃uni't walang̃ mákitang̃ matuwid ang̃ násabing̃ Arzobispo kaya't dî silá hinubarán ng̃ pagká Parè sa oras ng̃ kamátayan.
Si Gat Rizal, sa kanyáng̃ paglalathalà ng̃ pang̃alawáng̃ bahagi ng̃ «Noli», ang̃ kanyáng̃ «Filibusterismo» ay ihínandóg sa tatlóng̃ dakilang̃ Parè bilang̃ pang̃bawì, sa mg̃a upasalang̃ sa kanilá'y iginawad:
Sa ganáng̃ amin ang̃ tatlong̃ dakiláng̃ Parè ay dî nagkâsala kahit bábahagyâ na dapat lapatan ng̃ gayóng̃ kalupit na hatol; ng̃uni't silá'y naging̃ kasang̃kapan ng̃ mg̃a pang̃yayari, upáng̃ ang̃ binhî ng̃ paghihimagsík ay payabung̃in ng̃ kaniláng̃ dugô.
Tátapusin namin ang̃ ulat na itó sa mg̃a salitâ ni P. Gómez: «Yaóng̃ nang̃agsisiibig sa Inang̃ Bayan ay dî nang̃amamatay sa kaniláng̃ hihigang̃ sarili».
Sa isáng̃ maliít na bayan, sa Badók, Ilocos Norte, isáng̃ bayang̃ halos dî kilalá dahil sa kaliitan, ay nagíng̃ bantóg at kapuripuri dahilán sa pinalad na sibulán ng̃ isáng̃ taong̃ dakilà, na waláng̃ alinlang̃an masásasabing̃ siyáng̃ pinakádakilà at bantóg sa lahát ng̃ pintor na pilipino, siya ay si Juan Luna.
Ipinaganák siyá niyaóng̃ ika 23 ng̃ Octubre ng̃ taóng̃ 1857, isá sa mg̃a anák ni G. Joaquin Luna at Laureana Novicio, mapalad na magasawang̃ naghandóg sa Ináng Pilipinas ng̃ mg̃a anák na bayani. Si Antonio ang̃ dakilang̃ Heneral, si Juan, ang̃ dakilang̃ Pintor, si Joaquin ang̃ Gobernador, at si José Luna, ang̃ bantóg na mang̃gagamot.
Ang̃ kanyáng̃ pagaaral ay pinasimulán sa sariling̃ bayan at kanyáng̃ ipinagpatuloy sa «Ateneo Municipal», kung̃ saán siyá kinagiliwan ng̃ gayón na lamáng̃ ng̃ kanyáng̃ mg̃a guró: ang̃ unang̃ nagturò sa kanyá ng̃ pagguhit ay si G. Agustin Saez. Dito siyá nagpasimulâ ng̃ pagibig sa sining̃, na kanyáng̃ ikinápabantóg ng̃ gayón na lamang̃.
Buhat sa Ateneo ay lumipat siyá sa «Academia Naval», at nang̃ mátamó niyá ang̃ mg̃a katibayan sa pagaaral ay siyá'y sumakay upáng̃ ipagpatuloy ang̃ pagsasanay ng̃ kanyáng̃ pinagaralang̃ pagkamandadagat. Lálabíng̃ anim na taón siyá noón. Tinahak niyá ang̃ katimugan ng̃ dagat China at India, dinalaw ang̃ Singapore at Colombo, mg̃a bayan at lunsód na kanyáng̃ dinalaw, na nakapukaw sa kanyáng̃ pusò ng̃ marubdób na nais na dumakilà.
Niyaóng̃ 1874, nang̃ siyá'y lalabing̃pitohing̃ taón pa lamang̃ ay tinang̃gáp niyá ang̃ katibayang̃ makapaghawak na ng̃ ugit (piloto) ng̃ sasakyan sa matataás na dagat. Siyá'y lubháng̃ kilalá sa kanyáng̃ pagkámandaragát, ng̃uni't hindî itó ang̃ tunay niyáng̃ hilig, at baga mang̃ siyá'y hinang̃aan sa kanyáng̃ Páhiná 33katung̃kulang̃ yaón na ginágampanán, ay tilá may bumubulóng̃ sa kanyáng̃ diwà na hindî yaón ang̃ kanyáng̃ dapat na pamalagian.
Samantalang̃ siyá'y náglalayág, sa Luok ng̃ Maynilà ay nagaral siyá ng̃ pintura, at ang̃ kanyáng̃ nagíng̃ Guró ay si G. Guerrero isáng̃ bantóg na pintor ng̃ kapanahunan. Iniwan niyá ang̃ pagkámandaragat at nasok siyá sa «Academia de Bellas Artes» sa Maynilà. Dito niyá nákilala ang̃ tunay na pagibig sa sining̃, sumiglá nang̃ sumiglá ang̃ kanyáng̃ sigasig at niyaóng̃ 1877 ay lumayag siyáng̃ patung̃o sa España.
Pagdating̃ na pagdating̃ niyá sa lupaing̃ itó ng̃ mg̃a Hari, ay nasok siyá agád sa «Academia de Bellas Artes de San Fernando», sa Madrid, at yáyamang̃ dî nakasísiyá sa kanyáng̃ hilig ang̃ pagtuturò doón ay bumayad siyá ng̃ isáng̃ tang̃ing̃ Guró upáng̃ siyá'y turuan sa sariling̃ tahanan at kanyáng̃ náhirang̃ si G. Alejo Vera, isá sa mg̃a lalong̃ dakilà at bantóg na pintór sa España.
Nagíng̃ matalik siláng̃ magkaibigan ng̃ bago niyáng̃ Guró at silá ay naglakbáy sa Italia niyaóng̃ 1878, doón sa pinagpasikatan niná Rafael at Miguel Angel at doó'y magkatulong̃ siláng̃ gumawâ sa dakilang̃ «Bayan ng̃ Sining̃». Niyaóng̃ magbukás ng̃ Tang̃halan sa Madrid, nang̃ taóng̃ 1881, ang̃ pang̃alan ni Juan Luna at nakapang̃gilalás sa mg̃a lalong̃ bantóg na pintór na kastilà at italiano. Ang̃ kanyáng̃ cuadrong «Ang̃ kamatayan ni Cleopatra» ay nagtamó ng̃ pang̃alawang̃ ganting̃ pala at isáng̃ medallang̃ gintô kalakip ng̃ isáng̃ libong̃ pisong̃ salaping̃ kastilà. Buhat noón ang̃ Tagalog ay nagkaroón ng̃ mabuting̃ pang̃alan sa Daigdig ng̃ Sining̃ at dî na ipinalagay na mg̃a «maninipì».
Nang̃ lumipas ang̃ tatlóng̃ taón, niyaóng̃ 1884 ang̃ walang̃ kamatayang̃ «Spolarium» ay lumabas sa maliwanag, at ang̃ gawáng̃ itó ni Luna ay nagtagumpáy sa daigdigan ng̃ sining̃, at ang̃ mg̃a papuri ay nagsikip halos sa Sansinukob. Sa kanyáng̃ karang̃alan ay pinigíng̃ siyá ng̃ mg̃a pilipinong̃ nanánahanan sa España. Lubhang̃ maraming̃ papuri ang̃ kanyáng̃ tinang̃gáp sa nang̃agsipanalumpati at isá rito ay ang̃ ating̃ dakilang̃ bayaning̃ Dr. Rizal na nagsabi ng̃ gayarì: «Paghawì ng̃ tabing̃ at makita natin ang̃ «Spolarium», ay máriring̃ig na natin, ang̃ tang̃isan ng̃ mg̃a alipin, ng̃ kakilákilabot na takot sa digmaan, at ang̃ taghoy ng̃ mg̃a ulila».
«Ang̃ tánawing̃ iyán ay siyáng̃ tunay na damdamin ng̃ lumikhâ at tagabadhâ ng̃ ating̃ kasalukuyan sa ating̃ tinubuang̃ lupà. Oo, ang̃ mg̃a kuadrong̃ ganyán ay dî lamang̃ umaliw sa ating̃ mg̃a matá, kundî nakikipagusap na banayad sa ating̃ puso.»
Lumipat siyá sa Paris at doó'y nakipagisáng̃ pusò sa isáng̃ anák ng̃ kastilà sa pilipina na pinang̃arapan niyá ng̃ isáng̃ kaligayahan sa buhay, at pinaghandugán ng̃ lahát niyáng̃ tagumpáy. Hindî siyá naglikát ng̃ paglilináng̃ ng̃ kanyáng̃ sining̃ at niyaóng̃ 1887 ay napa sa Páhiná 34España siyàng̃ mulî upáng̃ itang̃hál sa Madrid ang̃ kanyáng̃ «Batalla de Lepanto» at ang̃ «Rendicion de Granada» na pawang̃ nagtagumpáy at nagtamó ng̃ gantíng̃ palà sa nasabing̃ Tang̃halan. Isáng̃ pigíng̃ na naman ng̃ mg̃a kalahì ang̃ nasaksihán sa Madrid na idinaos sa karang̃alan ni Juan Luna, ang̃ dakilang̃ Pintór. Si Lopez Jaena ay isá sa nang̃agtalumpatì.
Ang̃ katahimikan sa nagtatagumpáy niyáng̃ buhay, ay hindî nasiyahán mandin at sa loób ng̃ táhanan ay nanuluyan ang̃ ligalig, ang̃ kanyáng̃ katahimikan ay nahalinhan ng̃ isáng̃ «infiernong̃» napakainit, dinaráng̃ ang̃ kanyáng̃ pusò at sa haráp ng̃ dî dapat talimahing̃ pagupasalà ay nagkahalagá ng̃ isáng̃ buhay, at buhay ng̃ kanyáng̃ pinakamamahal pa naman: ang̃ sa kanyáng̃ minamahal na kabyák ng̃ pusò. Isáng̃ usapin ang̃ naging̃ buntót ng̃ sigalót na yaón; ng̃uni't pinawaláng̃ sala si Juan Luna ng̃ Húkumang̃ humatol.
Nang̃ mulíng̃ bumalik dito sa Pilipinas ang̃ ating̃ kalahing̃ itó ay pinaghinalaang̃ kinaalám ng̃ nang̃aghíhimagsík at niyaóng̃ 1896, siyá ay ipinadakíp at ibinilang̃gò. Ang̃ mg̃a dakilang̃ diwà ay hindî napipiit kahi't na sa loób ng̃ piitan, at sa gitnâ ng̃ gayóng̃ kalágayan ay gumawâ siyá ng̃ isáng̃ mainam na «Exce Homo» na kanyáng̃ ipinagkaloób kay Parè Rossell nang̃ siyá'y dalawin sa bilang̃guan.
Nang̃ tamuhin niyáng̃ pamulî ang̃ kalayaan, ay nanumbalik siyáng̃ agád sa Europa, ng̃uni't ang̃ pagibig sa sariling̃ lupà ay hindî magpatahimik sa kanya roón, kaya't mulî siyáng̃ nang̃layág niyaóng̃ Disyembre ng̃ 1899 upáng̃ bumalík sa sariling̃ bayan at siyá'y nadaán sa India, sa Java at sa Sumatra, naglagós ng̃ China at Hapón, ng̃uni't nang̃ siyá'y na sa Hong̃kóng̃ at papauwî na sa sarili ay nagkasakit siyá at násagupà niyá roón ang̃ kamatayan.
Namatay si Juan Luna at nalibing̃ sa ibang̃ Lupà, ng̃uni't ang̃ mg̃a dakilang̃ tao saan man mamatáy at saan mang̃ dako ng̃ daigdig málibing̃, ang̃ karang̃alang̃ kanilang̃ tinuklás at ikinábantóg sa daigdigan, ay hindî nakukuha ng̃ alin máng̃ bayang̃ hindî nilá sarili, sapagká't itó'y manang̃ hindî maáagaw ng̃ alin mang̃ lahì at bayan.
Karang̃alan ng̃â ng̃ Pilipinas ang̃ siyá'y magkaanák ng̃ isáng̃ kahang̃áhang̃ang̃ máninining̃, at kahit hindî siyá nahandugán ng̃ bahaging̃ libing̃an sa sariling̃ Lang̃it, ay nagliliwanag din duón ang̃ kapitapitagang̃ pang̃alan ng̃ anák na nagpakatang̃ì.
Luwalhatì sa iyo, dakilang̃ maninining̃!
Sa lalawigan ng̃ Iloilo ay doón sumilang̃ ang̃ isáng̃ kalahì nating̃ naging̃ isáng̃ dakilang̃ mánanalumpatì, siyá'y si Graciano Lopez Jaena.
Gayá ng̃ lahát ng̃ pilipino, ang̃ kanyáng̃ unang̃ pagaáral ay tinang̃gáp niyá sa loób ng̃ táhanan, pagkatapos ay nagpatuloy siyá sa Páaralang̃ bayan upáng̃ ang̃ mg̃a páng̃unahing̃ pagaáral ay maganáp at doón na siyá kinákitaan ng̃ kanyáng̃ sibol na katalinuhan, at bagá mang̃ hindî karaniwan noón ang̃ pakikipagtalo sa mg̃a Guró si Jaena ay hindî nasiyáhan sa alín mang̃ bahagi ng̃ kanyáng̃ pinagáaralan, hang̃gang̃ hindî diníding̃íg ang̃ mg̃a paliwanag ng̃ mg̃a Guró, at sa pagnanasang̃ ang̃ pagáaral ay ipagpatuloy sa ibáng̃ lupaín ay lumayag siyáng̃ tung̃o sa España, niyaóng̃ taóng̃ 1881.
Sa silong̃ ng̃ Lang̃it ng̃ dating̃ «Metropoli» ay nakipagisá siyá sa mg̃a kalahing̃ doó'y dinatnán na nang̃akíkibakang̃ kasalukuyan sa mg̃a kabaguhang̃ hinihing̃î ng̃ bayan natin. Iisáng̃ taón pa siyá sa España, nang̃ itatág ang̃ Kapisanang̃ «Hispano-Filipino» at siyá ay naging̃ isáng̃ masugid na kasapí noón.
Ang̃ kapisanang̃ nábang̃gít ay naglálathalà ng̃ isáng̃ pahayagan at si Graciano Lopez Jaena, ay isá sa tumang̃kilik noón. Ang̃ kaniláng̃ mg̃a láyunin ay ang̃ ipakilala sa madlâ ang̃ kasalukuyang̃ kalagayan ng̃ Pilipinas at mang̃agsumakit sa mg̃a kabaguhang̃ dapat na gawin ng̃ Pámahalaan at Páng̃asiwaan.
Ang̃ kanyáng̃ mg̃a tudlíng̃ na pawang̃ kinábabakasán ng̃ kanyáng̃ pagkamabuting̃ anák ng̃ Pilipinas, ay nang̃apalathalà sa «Filipinas, ante Europa», «El Progreso», «El Pueblo Soberano», at pagkaraán ng̃ iláng̃ panahón ay itinatag niyá ang̃ «La Solidaridad», na kanyáng̃ pinamatnugutan at siyáng̃ nagíng̃ tagapamanság ng̃ mg̃a kalahì natin doón. Niyaóng̃ taóng̃ 1899, ay nihalinhán siyá ni Marcelo H. del Pilar sa Pamamatnugot ng̃ nasabing̃ Páhayagan.
Páhiná 36Sa kanyáng̃ pagkamananalumpati, ay ipinalálagáy na isá siyá sa lálong̃ pinakamabuti sa kanyáng̃ kapanahunan sa boóng̃ España, kaya't sa lahát ng̃ piging̃ tuwi ná'y ináanyayahan siyá upáng̃ manalumpati. At sa mg̃a gayóng̃ kátaon ay hindî niyá nalimutan minsan man na di samantalahin ang̃ pagpapakilala ng̃ mg̃a karaing̃an ng̃ kanyáng̃ bayan.
Niyaóng̃ 1892 sa Madrid, sa pagdiriwang̃ sa ikatatlóng̃ daán at siyam na puó't isáng̃ taón ng̃ pagkátuklás sa América ni Cristobal Colón, sa talumpali ni Graciano Lopez Jaena, tung̃kol sa mg̃a ibá't ibáng̃ bagay, ay sinabi niyá ang̃ gayari:
«Hindî umiiral ang̃ pang̃aalipin sa Pilipinas, ng̃uni't makálilibóng̃ mahirap ang̃ kaalipináng̃ doó'y naghahari at kaalipináng̃ tinátang̃kilik ng̃ mg̃a batás, kaalipinán ng̃ kalolwá, kaalipinán ng̃ diwá, at dahil dito mg̃a g̃inoó, ang̃ aming̃ bayan ay bayan ng̃ baligtaran, sapagká't ang̃ karunung̃an at katotohanan ay dî napakikita doón.
«Ayáw kami ng̃ isáng̃ bayang̃ kalahati ay malaya at kalahati ay alipin, ninanasá namin ang̃ kalayaán sa pagsulat ó pamamahayáng̃; ninanasà namin ang̃ kalayaan sa pagagalakal; ninanasà namin ang̃ aming̃ kapang̃yarihan sa paghahalál, (sufragio) ng̃ aming̃ sugò sa mg̃a Kapulung̃an, na, kung̃ saán namin mapasásapit ang̃ aming̃ mg̃a adhikain upáng̃ ding̃in at málaman.»
Sa isáng̃ piging̃ na idinaos sa Madrid sa karang̃alan ni Juan Luna, at Resurrección Hidalgo, dahil sa kaniláng̃ taggumpáy sa Tang̃halan ng̃ Sining̃, si Jaena ay nagsabi ng̃ gayari: «Pilipinas, binabatì kitá ng̃ boóng̃ pítagan. ¡Malasin Siyá! ang̃ bugháw ng̃ dagat ay siyáng̃ birang̃, ang̃ kulay ng̃ kanyáng̃ Lang̃it, ang̃ pinakamarikít sa sansinukob, na nasasabugan ng̃ manining̃ning̃ na bituin, ay siyá niyáng̃ magandang̃ lambong̃. Sino man na dî pa nagkakapalad na magmalas sa kanyáng̃ mg̃a Pulô, ay dî nakákita ng̃ pinakamagandáng̃ panig ng̃ daigdígan».
Sa salaysay na itó ni Lopez Jaena, ay mapagúunawà na ang̃ kanyáng̃ paning̃ín ay pawang̃ kagandahan sa kanyáng̃ Tinubuang̃ Lupà, pagmamalas na dî tinátagláy niyaóng̃ dî tunay na tubò sa Pilipinas, pagká't tang̃ing̃ ang̃ pilipino lamang̃ ang̃ may kayang̃ dumamdam ng̃ kanyáng̃ mg̃a dináramdám.
Isá sa maiinam niyáng̃ talumpatì, ay ang̃ binigkás niyaóng̃ 1887, ng̃ ipagtagumpáy ni Juan Luna ang̃ kanyáng̃ «Batalla de Lepanto». Ito'y ulit ulit na sinabi, na kaming̃ mg̃a pilipino, ay dî makagágawâ ng̃ anó man. Tinawag kaming̃ mg̃a umanó, ay walang̃ kayang̃ gumanáp ng̃ anomang̃ kaunlaran, kamí umanó ay hindî lumalaki at dî umuunlad, ng̃uni't ang̃ aming̃; bayan sa linakádlakad ng̃ panahón ay nagiging̃ isáng̃ bayang̃ dakilà.»
Kung̃ mábabasa ninyó ang̃ mg̃a talumpatì ni Jaena, at maáaninag ninyó na walâ na siyáng̃ sinikap kundî ipamalas ang̃ kanyáng̃ Páhiná 37pagmamahál sa Tinubuang̃ Lupà at sa mg̃a kalahi niyáng̃ marunong̃ magmahál sa Bayang̃ Tinubuan.
Mahigit na labíng̃limáng̃ taón na nanahánan si Jaena, sa España, at lahát ng̃ kanyáng̃ sigasig sa loób ng̃ panahóng̃ yaon ay iniukol niyá sa ikaúunlád ng̃ kanyáng̃ minámahál na bayang̃ Pilipinas.
Niyaóng̃ 1890, ay umuwî siyá sa sariling̃ bayan upáng̃ mang̃ilak ng̃ mágugugol doón sa ubod ng̃ bayang̃ pang̃inoón ng̃ ating̃ bayan, sa Madrid, at dahil sa nasang̃ itó, ay nakipagkita siyá kay Paez, at huming̃î siyá ng̃ tulong̃. ng̃uni't sa kawalán, ng̃ salapî sa kaban yaman ng̃ samaháng̃ kanyáng̃ tinawagan ay pinang̃akuan siyá ni Paez, pagkatapos na mading̃íg ang̃ kanyáng̃ mg̃a balak at siyá'y nanumbalìk sa bayan ng̃ mg̃a Harì, upáng̃ gumawâ ng̃ waláng̃ patláng̃ na paggawâ sa ikapagbabago ng̃ pamamalakad dito sa Kapuluan; at sa kanyáng̃ kináhimaling̃ang̃ yaón ay nahughóg siyá at namulubi, at niyaóng̃ ika 20 ng̃ Enero ng̃ 1896 ay tinawag siyá sa sinapupunan ni Bathalà, sa bayang̃ Barcelona España, na siyáng̃ kinálagakan ng̃ kanyáng̃ mg̃a labi.
Si Graciano Lopez Jaena ay buháy sa mg̃a pusò ng̃ bawa't pilipino at ang̃ aláala sa kanyáng̃ mg̃a gawâ ay isáng̃ dakiláng̃ aral na karapatdapat uliranín.
Maging̃ tibay ang̃ mg̃a talatang̃ itó ng̃ kanyáng̃ pagká waláng̃ Kamatayan.
Nakikita mo ba giliw na bumábasa sa mg̃a salapíng̃ papel na pipisuhin, ang̃ larawan ng̃ isáng̃ kababayan natin na sa kanyáng̃ kagiting̃an ay minapat ng̃ Pámahalaán na siyá, ay makilala ng̃ tanán sa paraáng̃ yaón?
Ang̃ larawang̃ yaón ay dilì ibá't ang̃ kay Apolinario Mabini, ang̃ «Kahang̃ahang̃ang̃ Lumpó» na siyáng̃ utak ng̃ Himagsikan. Anó man ang̃ ibinung̃a ng̃ hímagsikang̃ nagguhò ng̃ kapang̃yarihan ng̃ mg̃a Harì dito sa ating̃ lupaín ay may kinálaman doón ang̃ ating̃ kababayang̃ pinagúukulan ng̃ayón nitóng̃ maigsíng̃ ulat ng̃ kanyáng̃ buhay.
Kung̃ palarin ka pang̃ makatagpô niyaóng̃ nápabantóg na Pátakaran ng̃ Himagsikan na niyaóng̃ ika waló ng̃ Hulio ng̃ taóng̃ 1898, ay ípinasiyá ni Gen. Emilio Aguinaldo, na limbagín at ipagbilí ng̃ mamiseta, upáng̃ sumákaalamán ng̃ lahát ng̃ mámamayan. Ang̃ mahalagáng̃ katháng̃ yaón, giliw na bumábasa, ay katás ng̃ mayamang̃ utak ng̃ ating̃ Mabini. Basahin mo ng̃ boóng̃ kataimtiman sa pusò at doó'y mábabakás mo ang̃ kabanalan ng̃ ating̃ Hímagsikan, niyaóng̃ pinagpalang̃ pakikipamiyapis ng̃ iyóng̃ mg̃a kalahì upáng̃ ihandâ sa iyóng̃ pagdatíng̃ ang̃ isáng̃ bayang̃ karapatdapat sa iyóng̃ lipì, bayang̃ malayà, nagsasarili at puspós ng̃ karáng̃alan.
Si Apolinario Mabini, ay isáng̃ anák na máipagmamalakí ng̃ kanyáng̃ lalawigan, máipagmamalakí ng̃ kanyáng̃ lipì, at matátawag na isáng̃ Bayani ng̃ bayang̃ Pilipinas, bagá mang̃ ang̃ kinámulatan niyáng̃ bayan ay isáng̃ maliit na bahagì lamang̃ ng̃ makasaysayang̃ lalawigang̃ Batang̃an.
Tanawan! pinagpalang̃ bayang̃ nakapaghandóg sa Inang̃ Pilipinas ng̃ isáng̃ dakilang̃ anák, binabatí kitá pinagpalà ka ng̃ mabuting̃ Talà, sapagká't sa silóng̃ ng̃ iyóng̃ Lang̃it nakákita ng̃ unang̃ liwanag ang̃ isáng̃ kawal ng̃ sagkatauhan, si Apolinario Mabini.
Si Mabini ay anák niná G. Inocencio at Dionicia Maranan at sumilang̃ niyaóng̃ 1864. Mg̃a taong̃ dukhà at waláng̃ karang̃alang̃ máipagmamalakí kundì ang̃ karang̃alang̃ mabuhay sa tulò ng̃ pawís.
Salát palibhasà sa mg̃a kailang̃an Páhiná 39sa buhay, ay hindî nagawáng̃ itagubilin sa alin mang̃ bantóg na guró ang̃ mg̃a unang̃ pagáaral ni Apolinario, at salamat sa tulong̃ ng̃ isáng̃ amaín, si G. Juan Maranan, ang̃ kanyáng̃ munì ay námulat, at pagkatapos ng̃ mg̃a pang̃unahing̃ mg̃a pagáaral ay lumipat siyáng̃ handâ sa lahat ng̃ hirap, sa pagkakalingà ng̃ isáng banal na Parè, si G. Valerio Malabanan, na siyáng̃ humawan sa kanyáng̃ diwà ng̃ mg̃a tabing̃ ng̃ kadilimán. Nápamahál na lubhâ si Mabini sa kanyáng̃ bagong̃ Guró, palibhasà ay may isáng̃ katalinuhang̃ hindî karaniwan at kabaitang̃ kahang̃ahang̃à.
Natapos niyá ang̃ pang̃alawáng̃ bugsô ng̃ pagáaral sa kaling̃à ng̃ Paring̃ nátukoy na; ng̃uni't uháw palibhasà sa mg̃a ibá't ibáng̃ lawak ng̃ karunung̃an, kayá't niyaóng̃ 1881, ay lumwás sa Maynilà at humandóg na magturò sa Páaralán ni Ginoong̃ Melchor Very, at samantala ay nagaral namán sa San Juan de Letran. Isáng̃ pagsusumakit na dî karaniwan ang̃ kanyáng̃ ipinamalas at ang̃ katibáyan ng̃ pagká «Bachiller en Artes» ay tinamó niyá na kasaliw ng̃ pagtuklás ng̃ pang̃agdóng̃ buhay.
Ninasà niyáng̃ lumipat sa Universidad de Sto. Tomás, ng̃uni't ang̃ kanyáng̃ kiníkita sa Páaralan ni G. Melchor Very, ay hindî makasasapát sa kanyáng̃ mg̃a kinákailang̃an sa gayóng̃ pagpapatuloy, kayá't sinikap niyáng̃ magling̃kód sa Pámahalaán at nátang̃gáp siyáng̃ tagasulat hang̃gang̃ sa siyá'y nagíng̃ masugid na kasamahán ng̃ abogadong si G. Numeriano Adriano, bilang̃ kawaní roón na nagsásanay.
Ang̃ piping̃ kilusan ng̃ mg̃a apí, ay lumaganap ng̃ gayón na lamáng̃ sa walong̃ lalawigang̃ Tagalog,[1] ang̃ lihim ay hindî na maing̃atan at untî untíng̃ náhahayág sa mg̃a taga Pámahalaán ang̃ himagsikan ng̃ «Mg̃a Anák ng̃ Bayan». Sa Balintawák ay napilitang̃ ihiyáw nang̃ walà sa panahón ng̃ Bayaning̃ Bonifacio ang̃ mg̃a kahiling̃an ng̃ api, ng̃uni't hiyaw na kasaliw na ng̃ talibóng̃ at pakikipamiyapis; ang̃ banál na kilusán ay nagpaning̃as na lubhâ ng̃ pusò ni Mabini, upáng̃ ágarang̃ tumugón sa tawag na bayang̃ humihing̃i ng̃ tulong̃ sa kanyáng̃ mg̃a anák, upáng̃ makakalág sa gapos na kaalipinán. Dahil doón ay dinakíp si Mabini at ipinapiit hang̃gang̃ Hunyo ng̃ taóng̃ 1897, salamat sa kanyáng̃ pagkalumpó ay pinalayà siyá sa paniniwalang̃ hindî na siyá makapagtátaguyod at dî mapakikisapi sa Hímagsikan.
Natapos ang̃ unang̃ bugsô ng̃ Himagsikan sa Kasunduang̃ linagdaán sa Biyák na Bató. Si Mabini ay nagpagaling̃ ng̃ kanyáng̃ karamdaman sa Los Baños, ng̃uni't nang̃ ang̃ Pámahalaán ng̃ Kastilà at ang̃ sa Estados Unidos ay nagkákatitigan, at dî nalaunan ay naging̃ dulaan ng̃ digmaan ng̃ dalawáng̃ bansâ itóng̃ Kapuluang̃ Pilipinas, siyá'y sumulat ng̃ mg̃a Páhiná 40mahahalagáng̃ tudlíng̃ ukol sa mg̃a mabubuting̃ balak ng̃ pakikisang̃kót ng̃ mg̃a Tagalog sa dalawáng̃ nagdidigmâ, at ang̃ gayóng̃ kasulatan ay sumapit sa kamay ni Aguinaldo, na isáng̃ mabuting̃ Kasang̃guni. Inanyayahan ni Aguinaldo na pasá Kawit si Mabini, at sa pagtang̃gáp sa anyaya ay nagsabi ng̃ gayari: «Hindî ako matiwasáy, sapagká't ang̃ mg̃a kababayan ko'y walang̃ katiwasayán. Ang̃ kaniláng̃ mg̃a kahiling̃an sa pagbabago ng̃ pamamalakad ay hindî dining̃íg».
Nagíng̃ unang̃ kasang̃gunì ni Aguinaldo si Mabini at ang̃ unang̃ ginawâ ay ang̃ pagpapalit sa Gobierno Dictatorial ng̃ Pámahalaán ng̃ Hímagsikan.
Itinatag ni Mabini ang̃ mg̃a Pámahalaáng̃ Bayan, Lalawigan, Hukuman at Kawal; at kanyáng̃ ilinathalà ang̃ sáligan ng̃ Pámahalaán ng̃ Hímagsikan na ikinábantog niyá ng̃ gayón na lamang̃.
Nang̃ itatag sa Barasoain, ang̃ káunaunahang̃ Kapulung̃an Hímagsikan, si Mabini ay siyáng̃ Premier ni Aguinaldo, at ang̃ sáligan ng̃ Pámahalaán, ay hindî nailagdâ, samantalang̃ hindî niyá nasusurì, at itó'y sumapit hang̃gang̃ iká 21 ng̃ Enero ng̃ 1898, upáng̃ ang̃ kapang̃yarihan ng̃ Pang̃ulo ay huwag mabawasan at siyá niyáng̃ papang̃ibabawin gaya ng̃ tahas niyáng̃ paniwalà na yaón ay kinailang̃an ng̃ kapanahunan.
Sa isáng̃ dî pagkakáunawaan niyá at ni Aguinaldo sa mg̃a panukalang̃ dapat na isagawá ay tumiwaláng̃ siyá sa Pámahalaán, at ang̃ kanyáng̃ nákahalili, ay si Pedro Paterno; niyaó'y Agosto iká 23 ng̃ taóng̃ 1898.
Bagá man siyá'y tumiwalag kay Aguinaldo, sa kanyáng̃ pagká Unang̃ Kasang̃gunì, ay dî rin siyá naglikat ng̃ pagsisigasig sa ikapang̃tátagumpáy ng̃ mg̃a mithiin ng̃ bayang̃ Pilipinas. Mg̃a tudling̃ na pambuhay ng̃ loób ang̃ kanyáng̃ ilinathalà sa «La Independencia».
Nábihag si Mabini ng̃ mg̃a kawal na amerikano sa Kuyapô, Bagong̃ Esija, niyaóng̃ Disyembre, ng̃ taóng̃ 1899, at dinalá siyá sa Maynilà at ibinilang̃gô hang̃gang̃ Setyembre ng̃ 1900.
Niyaóng̃ 1901, ay naglathalà siyá ng̃ isáng̃ pagtuligsà sa Pámahalaán ng̃ Estados Unidos dito sa Pilipinas, tuligsà na kanyáng̃ ihinayág sa «El Liberal» at naging̃ sanhî ng̃ mulíng̃ pagpapadakíp sa kanyá at pagpapatapon sa Guam, kasama ng̃ makabayang̃ si G. Pablo Ocampo.
Ang̃ kapayapaan ay nagharì bilang̃ hang̃gahan niyaóng̃ kakilákilabot na digmaan, at ang̃ lahát ng̃ «tapon» ay pinahintulutang̃ makabalik sa sarili, sa pamamagitan ng̃ pagsumpâ ng̃ pagtatapát sa Pámahalaán ng̃ Estados Unidos sa Pilipinas, ng̃uni't si Mabini ay dî sumumpà, kayá't siyá'y naiwan sa Guam na may mg̃a anim na buwan, bago siyá pinapanaw at makapaglibót, ng̃uni't dî makatátahan sa Pilipinas samantalang̃ dî Páhiná 41siyá sumusumpâ ng̃ pagtatapát sa Estados Unidos.
Pagkaraán ng̃ iláng̃ panahón nang̃ pagmumunimunì, ay nákilala niyáng̃ lalóng̃ malakí ng̃ kanyáng̃ máitutulong̃ sa kanyáng̃ bayan kung̃ siyá ay bumalik, kay sa magpalaboylaboy, at niyaóng̃ Pebrero ng̃ 1903 ay linagdaán niyá ang̃ pagtatapát sa EE. UU. Hinandugan siyá ng̃ lalong̃ matátaás na katung̃kulan, ng̃uni't dî niyá tinang̃gáp at ang̃ sabi: «Ang̃ aking̃ karamdaman ay nakapipigil sa aking̃ makagawâ pa ng̃ mg̃a dapat kong̃ gawín, at akó'y inaanyayahan at mapípilitang̃ mamuhay ng̃ tahimik, upáng̃ doón ing̃atan ang̃ kahihiyán, hindî kahihiyán dahil sa akó'y nakágawâ ng̃ isáng̃ bagay na kahiyáhiyà, kundî dahilán sa dî ko nagampanán ng̃ boóng̃ katumpakan ang̃ mg̃a kautang̃án ko sa aking̃ mg̃a kababayan at sa aking̃ Tinubuang̃ Lupà.»
Ang̃ kamatayan ay sumapit at binigyáng̃ hang̃gá ang̃ kanyáng̃ mahalagáng̃ buhay, niyaóng̃ iká 13 ng̃ Mayo ng̃ taóng̃ 1903. Namatáy ang̃ isáng̃ tapát na anák ng̃ Pilipinas, at gaya ng̃ mg̃a dakilang̃ tao ay nagiwan ng̃ mg̃a dakilang̃ bakás na ikapagáaral sa kanyáng̃ kalakhán.
Sa karang̃alan ng̃ kababayang̃ itó ay ipinasyáng̃ ikintál sa mg̃a pipisuhing̃ papel ang̃ kanyáng̃ larawan, at sa lalawigang̃ Batangas ay ibinang̃on ang̃ isáng̃ Bantayog sa kanyáng̃ dî malílimot at waláng̃ kamátayang̃ mg̃a pagliling̃kód sa Tinubuang̃ Lupà.
Háhang̃gahán namin ang̃ munting̃ kasaysayang̃ itó ng̃ isáng̃ anák-pawis, iniwi sa karukhaán at namatáy na dukhâ rin, hindî dahil sa hindî nakátuklás ng̃ mabuting̃ panahón at paraan sa ikayayaman, hindî ng̃a: kundî dahilán sa ang̃ lahát niyáng̃ sikap, dunong̃ at buhay ay kanyáng̃ inialay nang̃ waláng̃ pang̃alawáng̃ hang̃ád sa dambanà ng̃ Inang̃ Bayan.
Ang̃ Decalogo ni Mabini ay itóng̃ sumúsunód:
«Ibigin mo si Bathalà at ang̃ iyóng̃ kapurihán nang̃ higít sa lahát ng̃ bagay.»
«Sambahín mo si Bathalà, nang̃ ukol sa lalong̃ minamatuwíd at minamarang̃al ng̃ iyong̃ budhî.»
«Palusugín mo ang̃ mg̃a piling̃ kayamanan na ipinagkaloób sa iyó ni Bathalà.»
«Ibigin mo ang̃ iyóng̃ bayan ng̃ sunód kay Bathalà, sa iyóng̃ kapurihán, at higit sa iyóng̃ sarili.»
«Pagpumilitan mo ang̃ ikagiginhawa ng̃ iyóng̃ bayan bago ang̃ kaginhawahan mong̃ sarili.»
«Pagpilitan mo ang̃ pagsasarilí ng̃ iyóng̃ bayan.»
«Huwag mong̃ kilalanin sa iyóng̃ bayan ang̃ kapang̃yarihan nino mang̃ tao na dî mo pilì at ng̃ iyóng̃ mg̃a kababayan.»
«Pagpilitan mo na ang̃ iyóng̃ bayan ay magíng̃ isáng̃ República at huwág mong̃ tulutan kailán mang̃ magíng̃ Monarquia.»[2]
«Ibigin mo ang̃ kapwà nang̃ gaya ng̃ pagibig mo sa sarili.»
Páhiná 42«Laging̃ titignán mo ang̃ kababayan ng̃ higit ng̃ kauntî sa iyóng̃ kápuwá.»
Niyaóng̃ 1921, na pasyaháng̃ ang̃ kanyáng̃ alabók na nása sa libing̃an ng̃ mg̃a intsik ay ilipat sa isáng̃ líbing̃ang̃ karapatdapat sa mg̃a Bayani, ang̃ bang̃kay ni G. Apolinario Mabini ay náhukay na buô. Iginalang̃ at dî tinunaw ng̃ lupà ang̃ banál niyáng̃ katawan; at pagtapos ng̃ mg̃a parang̃ál na iginawad sa kanya ng̃ Pámahalaán at bayan na lubhang̃ humahang̃à, ay ilinipat ang̃ kanyáng̃ labí sa Libing̃an ng̃ mg̃a Bayaning̃ pilipino, na kilalá sa tawag na: «Panteon de los Veteranos de la Revolución.»
Kung̃ isáng̃ araw ay makarating̃ ka giliw na bumábasa sa Libing̃an sa Hilagà, ang̃ «Panteon de los Veteranos de la Revolución» ay maghahandóg sa iyó ng̃ mg̃a pang̃alang̃, pawang̃ pinagkákautang̃an mo nang̃ mg̃a kabaguhan sa Pámahalaán na tunay na palà ng̃ kaniláng̃ mithî. Sa gitnâ noón ay mátatagpuán mo ang̃ kinálalagakan ng̃ labí ng̃ «Dákilang̃ Lumpô» na sanhî nitóng̃ maigsing̃ ulat.
Idalang̃in mo kay Bathalà na ang̃ pinamuhunanan nilá ng̃ buhay na ganáp na kalayaan mo at ng̃ ating̃ bayan ay magíng̃ isáng̃ ganáp na pang̃yayari.
Nawá'y másaksihán din natin na tayó'y layá na.
[1] Ang walong sinag ng araw ng ating watawat.
[2] Republica ay Pamahalaan ng bayan at ang naghahari ay mga pili ng bayan. Monarquia ay Pamahalaan na ang namamahala ay iisang tao.
Sino ang̃ pilipinong̃ nakasapit sa Hong̃kong̃ na dî nakákilala kay G. José Ma. Basa.
Gaya ng̃ mg̃a tunay na Tagalog, niyáng̃ lipíng̃ tinátakbuhán sa kanyáng̃ mg̃a ugát ng̃ malinis na dugô ng̃ mg̃a Solimán, batà pa si G. José Ma. Basa ay nakápansín na ng̃ mg̃a katiwalian ng̃ pagpapalakad ng̃ nasirang̃ Pámahalaán ng̃ mg̃a kastilà dito sa Kapuluán.
At nang̃ sumapit siyá sa sapát na gulang̃, nang̃ ang̃ pagwawarì ay lalo nang̃ maliwanag sa tulong̃ ng̃ pinagaralan ay ipinagtang̃gól niyá ng̃ úbos kaya sa lahát ng̃ kátaón ang̃ mg̃a karapatan ng̃ mg̃a tubò rito sa atin. Ang̃ ganitó niyáng̃ mg̃a kilos at gawî na kapansinpansín nang̃ mg̃a panahóng̃ yaón na ang̃ pagibig sa bayan ay kasalanang̃ ikinamámatáy, ay nagíng̃ sanhî ng̃ boóng̃ pagiing̃at sa kanyá ng̃ mg̃a naghahawak ng̃ ugit ng̃ Pámahalaán at dî naglaón at si G. José Ma. Basa, kasama ni G. Antonio Regìdor, Parì Mariano Sevilla at iba pá ay pinagdadakíp at ipinatapon sa Pulô ng̃ Marianas.
Ang̃ kasalanang̃ sa kanilá'y ipinaratang̃ ay kinaalam «daw» sa hímagsikang̃ kawal na nang̃yari sa Kabite niyaóng̃ 1872, na ikinábitay ng̃ magigitíng̃ na Paríng̃ Tagalog na siná Padre Burgos, Gómez at Zamora.
Ang̃ panahón ay lumipas, at sumapit sa pang̃yayaring̃ ang̃ noón ay pinaguusig ay nagíng̃ karang̃alan at kabayanihan.
Ilang̃ buwan ding̃ nanahanan sa Guam si G. José Ma. Basa at pagkuwa'y lumipat sa Sakop ng̃ Inglés na bayan ng̃ Hong̃kong̃ at doón na ng̃â namuhay ng̃ may mg̃a tatlong̃puong̃ taón. Sa bayang̃ itó isinagawâ ni G. José Ma. Basa ang̃ táhasa't waláng̃ kiling̃ na pagling̃ap sa kanyáng̃ mg̃a kalahì.
Kailan ma't nakabalità si G. José Ma. Basa na may pilipinong̃ lulan ang̃ alin mang̃ sasakyáng̃ dádaóng̃ doón, karakaraka niyáng̃ ipinasásalubong̃ at dî tinútulutang̃ tumulóy sa ibáng̃ bahay kung̃ mang̃yayari at ang̃ kanyáng̃ táhanan, dulang̃ Páhiná 45at hihing̃án ay handâ sa kanyáng̃ mg̃a kalahì.
Buhat kay Gat José P. Rizal, Graciano López Jaena, Marcelo H. del Pilar at hang̃gáng̃ sa kahulihulihang̃ grumete ng̃ mg̃a sasakyán, ay kanyáng̃ ginawaran ng̃ pagkakandili sa lupaing̃ yaón na napilì niyáng̃ panahanán, kayá't lagì siyáng̃ nagíng̃ sang̃gúnian, kanlung̃an at takbuhan ng̃ alín mang̃ pilipino na nang̃ailang̃an ng̃ kanyáng̃ pagkukupkóp.
Isáng̃ kahang̃ahang̃ang̃ pagibig sa alin mang̃ bagay na may kulay pilipino ang̃ tinaglay ni G. José Ma. Basa, sa boó niyáng̃ buhay. Ang̃ kanyáng̃ mg̃a dulang̃ ó hapág, mg̃a likmuan, mg̃a palamuti sa bahay, mg̃a kasang̃kapan sa paglulutò, palyók, tapayan, lumbó at mg̃a iba pang̃ kábabakasán ng̃ tinubuang̃ lupà, saro, salakót, bilao, bakyâ, papag, ay nasa sa mabuting̃ panig na lahát ng̃ kanyáng̃ táhanan. Tung̃kól buhat sa sariling̃ lupà ay kanyáng̃ ipinagmamalakí.
Kanyáng̃ ipinagpáparang̃alan at kailán má'y hindî ikinahiyá sa mg̃a tagaibang̃ lupaing̃ sa kanyá'y tumuloy, ang̃ mg̃a bagay na yarì sa Pilipinas.
Ang̃ mg̃a aklát ng̃ ating̃ mg̃a kalahì ay iniing̃atan niyáng̃ higít sa gintô sa kanyáng̃ mayamang̃ aklatan.
Buhat sa Hong̃kóng̃ ay sumulat siyá sa mg̃a páhayagan sa España at lagì niyáng̃ pinasapit doón ang̃ tanáng̃ karaing̃an ng̃ Pilipinas.
Namatáy si G. Ma. José Basa niyaóng̃ ika 10 ng̃ Hulyo ng̃ 1907 na tagláy sa pusò ang̃ kasiyahang̃ loób na makatupad ng̃ kanyáng̃ katung̃kulan sa Tinubuang̃ Lupà at sa tanan niyáng̃ kalahì, lalong̃ lalò na sa nang̃akasapit sa lupaing̃ yaón ng̃ mg̃a Inglés na pinakipamuhayan niyáng̃ mahigit na tatlong̃ puong̃ taon.
Isáng̃ pang̃yayaring̃ kapansínpansín sa himaling̃ ni G. José Ma. Basa na dî dapat maligtan bago tapusin ang̃ bubót na alaalang̃ itó sa kanyáng̃ kagiting̃an, ay itóng̃ sumusunod:
Kung̃ siyá'y may nákikitang̃ kalahì roon na dahil sa kakulang̃an ng̃ mágugugól sa pagbalík sa sariling̃ lupà, at walâ namáng̃ hanap buhay bagáng̃ pang̃gágaling̃an ng̃ isáng̃ kabuhayang̃ marang̃ál, si G. José Ma. Basa ay may bukas na kamáy upáng̃ sumaklolo sa násabing̃ kalahì, matang̃ì pa ang̃ pabaon at kaupahán sa sasakyán hang̃gáng̃ makabalík sa sariling̃ lupà.
Isáng̃ panahón ay may sumapit doóng̃ panirang̃ puri sa atin, na dî ibá't ang̃ mg̃a sipì ng̃ mg̃a hubô at hubád na mg̃a igorrote na ipinang̃ang̃alandakan niná Worcerter at mg̃a kasamahán na yaón ang̃ lahing̃ nananahanán sa boóng̃ Kapuluang̃ Pilipinas at siyáng̃ naghahagád ng̃ kalayaan. Sa haráp ng̃ panirang̃ puring̃ itó ay walang̃ minainam si G. José Ma. Basa na panlaban kundî ang̃ bilhín lahát ang̃ mg̃a siping̃ nákita, na sa mabuting̃ palad ay hindî naman káramihan, at ang̃ lahát ay ining̃atan ng̃ boóng̃ pítagan, at ipinakita sa mg̃a may aral na banyagà at anyá:
«Itó ang̃ pinang̃galing̃an ng̃ aming̃ Páhiná 46lahì. Masdán ninyó ang̃ pinagdaanán naming̃ pagunlád».
Ang̃ sariling̃ wiká ay minahál, linináng̃ at ipinamana ni G. José Ma. Basa sa kanyáng̃ mg̃a anák na karamiha'y sa Hong̃kóng̃ na nakákita ng̃ unang̃ liwanag.
Kay lakí ng̃ pagmamahál ni G. José Ma. Basa sa alin mang̃ bagay na may kulay Pilipinas.
Nariyán ang̃ isáng̃ dakilang̃ pilipino.
Inalo sa duyan ng̃ kariwasaán at tunáy na Máginoó, sa lawak ng̃ katuturán ng̃ karang̃alang̃ itó, magíng̃ sa sariling̃ bahay, at magíng̃ sa kapamayanán, kayá't lahát ng̃ sinulat ng̃ mg̃a banyagà tung̃kól sa karang̃alan at katang̃ian ng̃ kababayang̃ itó, ay nagbábanság ng̃ waláng̃ patumang̃gáng̃ pagpaparilág sa kanyá dahil sa pagwawaldás ng̃ kanyáng̃ kayamanan, sa ikátatagpô ng̃ mg̃a kaibigang̃ mákakatulong̃, sa minana niyáng̃ katutubong̃ ugalì na mahalin at ipagtang̃gól ang̃ karapatán ng̃ Bayan Tinubuan.
Aní Retana, ang̃ Prínsipeng̃ Tagalog na itó, sa kanyáng̃ mg̃a pigíng̃ na waláng̃ katulad, ang̃ mg̃a kasang̃kapang̃ pawang̃ gintóng̃ lantáy Páhiná 48ay paubayá niyáng̃ ihináhandóg sa mg̃a pánaohín niyáng̃ nagsasamantalá ng̃ mg̃a gayóng̃ mg̃a pagtitipon, upáng̃ bilang̃ «pabalutan» ay matagláy ng̃ bawa't may ibig ang̃ kanyáng̃ mg̃a gintóng̃ gamit.
Ang̃ kanyáng̃ kagalang̃galang̃ na amá sa pang̃yayari, niyaóng̃ 1872 na ang̃ kabantugan at karang̃alan ng̃ «Tatlong̃ Parè», na pawang̃ kababayan natin ay nápasang̃kót at nabitay, ay naghandóg ng̃ dalawang puo't limang libong piso upang̃ máligtás lamang̃ sa bibitayan ang̃ tatlóng̃ banal na pawáng̃ waláng̃ sala.
Nang̃ mg̃a panahóng̃ yaón ang̃ libong̃ piso ay lubhang̃ malaking̃ bagay, at ang̃ handóng̃ na yaón ay sukat upang̃ ang̃ mg̃a Gobernador na hindî lubháng̃ maing̃at sa karang̃alan, ay madalás mapagaláw ng̃ salapî, ng̃uni't ang̃ nagíng̃ bung̃a ng̃ gayóng̃ banál na handóg ay ang̃ sampuô ng̃ kanyáng̃ kalayaan ay sumapang̃anib at mábilang̃ siyá sa mg̃a ipinatapon sa nagíng̃ mahabang̃ buntót ng̃ himagsikang̃ kawal na yaón na nang̃yari sa Kabite niyaóng̃ 1872.
Lulan ng̃ Sasakyang̃ «Flores de María» ay ipinatapon sa Marianas ang̃ mg̃a Gg. Agustín Mendoza José de Guevarra, Miguel Laza, Felíciano Gómez, Anacleto Desiderio, Vicente del Rosario, Toribio H. del Pilar, Mariano Sevilla, Justo Guazon, Pedro Dandan, Antonio Ma. Regidor, Joaquín Pardo de Tavera, Mauricio de León, José Basa Enriquez, Pedro Carrillo, Gervacio Sánchez, Balbino Mauricio, José Basa, Ramón Maurente, Pio Basa at Máximo Paterno.
Tung̃kól kay G. Pedro Paterno ay sinabi ng̃ káunaunaháng̃ Gobernador Civil dito sa Pilipinas na nagíng̃ Pang̃ulo ng̃ Estados Unidos na si Mr. William H. Taft at kasalukuyan ng̃ayóng Pang̃ulo ng̃ Pinakamataás na Húkuman sa Amerika, na: «Si G. Pedro A. Paterno, anya, ay isáng̃ politikong̃ pilipino na sa aking̃ mg̃a nákilala ay bugtóng̃ sa lahat na hindî ko kináring̃gáng̃ magsabi nang̃ anô mang̃ masamâ na ukol sa ibá».
Nang̃ kasalukuyan siyáng̃ nábibilang̃gô sa makasaysayang̃ kalle Anda, loób ng̃ Maynilà, at nang̃ ang̃ mg̃a pulutóng̃ ng̃ mg̃a kawal ng̃ Hímagsikang̃ ay nagpapahirap ng̃ gayón na lamang̃ sa mg̃a kawal na amerikano na naglagák na ng̃ isáng̃ mahalagáng̃ buhay ng̃ isá sa matatapang̃ niyá at nápabantóg na Heneral na si Mr. Lawton, sa mg̃a lawak ng̃ San Mateo, Rizal, ay inakalà ng̃ Heneral McCartur na gamitin ang̃ kapang̃yarihan ni G. Pedro Paterno, upáng̃ ang̃ kapayapaan ay lúbusan nang̃ magharì, ng̃uni't ang̃ gayóng̃ nasà ay waláng̃ sinapit, at ang̃ mg̃a pulutóng̃ ng̃ naghíhimagsík ay nagpatuloy ng̃ kápupuksâ sa mg̃a kalaban ng̃ kanyáng̃ kalayaan.
Si G. Pedro A. Paterno ay sumilang̃ sa mayamang̃ bayan ng̃ Santa Cruz, Maynilà, liping̃ Tagalog ng̃ mg̃a Lakán, na buhat sa kaugatugatan ng̃ kanyáng̃ lipì ay likás na mairugín sa ikagagaling̃ ng̃ Bayang̃ Tinubuan.
Páhiná 49Isáng̃ anák nitóng̃ Maynilà na sumilang̃ niyaóng̃ taóng̃ 1858, iká 27 ng̃ Abril, ang̃ aming̃ pinagúukulan gayón nitóng̃ munting̃ haláw ng̃ kanyáng̃ pagkátao, bilang̃ putong̃ sa kanyáng̃ mg̃a punyagî na ang̃ liping̃ Tagalog ay málagáy sa isáng̃ kalagayang̃ karapatdapat sa kanyáng̃ pagkabansâ.
Ang̃ una niyáng̃ pagáaral ay sinimulán sa «Ateneo Municipal» magbuhat sa gulang̃ na siyam na taón, at noóng̃ taóng̃ 1871 ay natapos ang̃ kanyáng̃ pagáaral doón; lumipat siyá sa Páaralang̃-madlà sa Salamanca at nagaral ng̃ «Filosofia», «Teología» at «Leyes Canónicas» at kanyáng̃ tinapos sa «Universidad Central de Madrid» na kanyáng̃ tinang̃gapán ng̃ katibayang̃ «Doctor».
Sa pagkamánunulat si G. Pedro A. Paterno ay napatang̃i rin at dahil doón ay ginawaran siyá ng̃ «Gran Cruz de Isabel la Católica» isáng̃ tusón na dî madalíng̃ tamuhín at nagbúbukás sa may tagláy noón ng̃ Gusalì ng̃ dakilang̃ Harì sa España.
Nang̃ manumbalik na mulî rito sa bayang̃ sarili, at sapagka't siyá'y matalik na kaibigan ng̃ dakilang̃ Tagalog, niyaóng̃ bayaning̃ tagá Kalambà, ay pinágtang̃kaán siyáng̃ isang̃kót sa mg̃a kilusang̃ tung̃o sa pagtiwalag, ng̃uni't sa mabuting̃ sandali ay hindî nagtagumpáy ang̃ gayóng̃ nais at ang̃ kanyáng̃ kaya ay nang̃kapanahong̃ máihandóg niyá sa mg̃a kapakanán ng̃ Bayan.
Nang̃ ang̃ nagiinapóy na Hímagsikan niyóng̃ 1896, ay kasalukuyang̃ lumálaganap, at ang̃ kapang̃yarihang̃ tagaganáp ng̃ Gobernador Heneral na si G. Fernando Primo de Rivera, ay dî makaapulà, si G. Pedro A. Paterno ay inatasan ni Heneral Primo de Rivera, niyaóng̃ Disyembre iká 15 ng̃ taóng̃ 1897, na magíng̃ sugò ng̃ Pámahalaáng̃ kastilà, upáng̃ makipagkasundô sa nang̃aghihimagsik, at ang̃ «Pacto de Biak na Bato»[1] ay tinamó niyá sa mg̃a Pámunuán ng̃ Hímagsikan niyaóng̃ iká 9 ng̃ Agosto ng̃ taóng̃ 1897.
Sa gayóng̃ bung̃a ng̃ kanyáng̃ sikap ay nakapagling̃kód siyá sa dalawáng̃ kapang̃yarihan, sa Ináng̃ España at sa Ináng̃ Pilipinas.
Ang̃ kasaysayan ay magtataán sa kanyá ng̃ mg̃a ginintuang̃ dahon tung̃kól sá bagay na itó.
Niyaóng̃ iká 15 ng̃ Septiembre ng̃ taóng̃ 1898 ang̃ Kapulung̃ang̃ Pilipino ay nagdaos sa Barasoain, Bulakan, ng̃ isáng̃ Sang̃guniang̃ binúbuô ng̃ siyám na puong̃ kasangunì, pilì sa lahat ng̃ poók, magìng̃ sa karunung̃an at katang̃ian. Binubuo ang̃ Sanguniang̃ yaón ng̃ apat na puong̃ abogado, labing̃ anim na médico, limang̃ farmaceútico, dalawáng̃ ingeniero, isáng̃ parè, mg̃a máng̃ang̃alakal at mg̃a tang̃ing̃ hugot sa mg̃a tanyag na taong̃ bayan; sa kapulung̃ang̃ yaón ay náhirang̃ si G. Pedro A. Paterno na Pang̃ulo ng̃ Sangunian.
Páhiná 50Nang̃ ang̃ mg̃a kastilà ay talunin ng̃ mg̃a amerikano sa dagat, at ng̃ mg̃a mang̃hihimagsik sa katihan, sa isáng̃ dî maiiwasang̃ pang̃yayari, ang̃ magkalutong̃ na itó sa pagguguhò ng̃ kapang̃yarihang̃ maka hari ay siyáng̃ nagkálaban. Sa pulong̃ na idinaos sa Bagong̃ Ecija, ay náhirang̃, si G. Pedro A. Paterno na sugò ng̃ Pamahalaang̃ Pilipino, upáng̃ makipulong̃ kay General Otis, at doó'y tamuhin ang̃ «autonomía», ng̃uni't hindî niyá inabot na mákapulong̃ ang̃ Punong̃ Hukbó ng̃ mg̃a amerikano. Ihinalál siyáng̃ pamuli sa pang̃alawáng̃ Lupon sa gayón ding̃ layon, at siyá ay nakarating̃ rito sa Maynilà na sinalasà ang̃ hangahan ng̃ kamatayan; ng̃uni't di niyá ipinagtagumpáy ang̃ láyuning̃ kanyáng̃ sinadyâ sa mg̃a Pámunuáng̃ amerikano.
Umurong̃ siyá na kasama ng̃ mg̃a naghihimagsik hang̃gáng̃ Trinidad, Benget, na kinabihagan sa kanyá ng̃ mg̃a kaaway.
Bung̃a ng̃ waláng̃ pagál niyáng̃ panitik ang̃ mg̃a sumusunód: Ang Dating Kabihasnan Ng Mga Pilipino, Ang mga Tagalog Sa Kasaysayan ng Sandaigdigan, Ang mga Salaysay ni Pare Placencia tungkol sa Kapakanakan ng mga Kristiyano, at mg̃a ibá pang̃ dî mabilang̃ na mg̃a babásahing̃ bayan.
Niyaóng̃ Agosto, ika 16 ng̃ taóng̃ 1902, ang̃ Dulaang̃ Tagalog ay dinalaw ng̃ isá niyang̃ mainam na «opereta» na pinamagatáng̃: «Sandugong̃ Panaginip». Ang̃ tugtugin ng̃ marikít na tang̃hál na itó ay utang̃ sa Guróng̃ si G. Bonus. Kun saan mapagkíkitang̃ sa gitnâ ng̃ kanyáng̃ mg̃a tagumpáy ay dî niyá nalimutan ang̃ sariling̃ wikà.
Niyaóng̃ 1900 na ipahayag ni General Mc. Artur, ang̃ «amnistia», ay sumailalim siyá noón, at naging̃ masugid na tagapamayapa, matapos tamuhín ang̃ kanyáng̃ kalayaan.
Naging̃ Guró si G. Pedro A. Paterno sa Páaralang̃ «Liceo de Manila» at kanyáng̃ inihayág ang̃ kanyáng̃ Ang Bagong Ayos ng Municipio sa Pilipinas at ang Pamahalaang Bayan.
Si G. Pedro A. Paterno ay nagíng̃ Sugò sa Unang̃ Kapulung̃ang̃ Bayan at nagíng̃ masugid na katulong̃ ng̃ ating̃ mg̃a mambabatás. Namatáy siyá niyaóng̃ Abril ng̃ taong̃ 1911 nang̃ dî man nápahiwaláy sa pagká Guró sa káunaunahang̃ Páaraláng̃ Pilipino na nakilala sa tawag na «Liceo de Manila».
[1] Ang salaping tinamo niya sa mga kastila dahil sa kasunduang ito, ay siyang ipinamili ng sandatang ginamit sa pangalawang bugso ng Himagsikan niyaong 1898.
Dito sa makasaysayang̃ bayan ng̃ Maynilà ay sumilang̃ niyaóng̃ taóng̃ 1843 ang̃ isáng̃ dakilang̃ pilipino: si G. Antonio Ma. Regidor.
Ang̃ kanyáng̃ mg̃a unang̃ pagaaral ay ginawâ sa «Colegio» ng̃ San Juan de Letrán hang̃gáng̃ sa tinamó ang̃ katibayang̃ «Bachiller en Artes». Lumipat sa Páaraláng̃ madlâ ni Sto. Tomás upáng̃ doón tapusin ang̃ kanyáng̃ láyunin sa pagáaral at doón siyá nagtamó ng̃ katibayang̃ sa pagká «Doctor en Derecho Civil».
Naglayág siyá at sa silong̃ ng̃ ibáng̃ lang̃it ninasang̃ lalong̃ sumakláw ng̃ mg̃a ibáng̃ mátututuhan at mápagáaralan, at sa España, sa dati nating̃ pang̃ulong̃ bansa, ay tinamó niya ang̃ karang̃alan at katibayang̃ nauukol sa «Derecho Canónico» sa «Universidad Central», sa Madrid.
Sa kanyáng̃ panahón ng̃ ipinagaral ay lagi siyáng̃ nápatang̃i sa kanyáng̃ mg̃a kapanahán at tuwî na ay nagtamó ng̃ lalong̃ matataás na kabukuran at minahál siyáng̃ lagi ng̃ kanyáng̃ mg̃a Guró.
Ang̃ kanyáng̃ mg̃a karunung̃ang̃ ná tuklás ay pawang̃ naging̃ hiyás ng̃ kanyáng̃ Tinubuang̃ Lupà, at nang̃ siyá'y manumbalik dito sa minámahál na Pilipinas ay nanung̃kulan siyáng̃ Kalihim ng̃ «Audiencia» na katumbás ng̃ ng̃ayó'y ating̃ Mataás na Húkuman.
Sa sangunian ng̃ «Ayuntamiento» ay ginanáp niyá ang̃ mg̃a tung̃kulang̃ Tagausig ng̃ Kagawaran ng̃ mg̃a Páaralán ng̃ «Artillería» at «Inginiería», at nagíng̃ Kalihim ng̃ tang̃ing̃ Lupon ng̃ Palátuntunan ng̃ Pagtuturò sa mg̃a tagarito sa ating̃ lupain. Ang̃ kakayahán ng̃ Tagalog ay ilinagay niyá sa mataás na kalagayan.
Naging̃ Tagasiyasat at Pang̃ulo ng̃ Kagawarán ng̃ mg̃a Páaralán, at sa panunupád niyá ng̃ maselang̃ na tung̃kuling̃ itó ay nagawâ niyáng̃ buhat sa España ay mátamó ang̃ isáng̃ pasyá na magkáhaluhalò ang̃ mg̃a nagáaral na mg̃a anák ng̃ mahirap at mayaman na dati ay nagkákabukód at nagpapanaghilian: Páhiná 52Isáng̃ tagumpay ng̃ «demokracia» sa loób ng̃ isáng̃ Pámahalaang̃ makahari.
Nang̃ panahóng̃ Gobernador Heneral dito sa Pilipinas si G. Carlos Ma. La Torre, na pinausig dahil sa kanyáng̃ malayang̃ pang̃ang̃asiwà, dito sa Kapuluan, na nása salung̃át sa dating̃ palakad na makahari, si G. Antonio Ma. Regidor ang̃ nagsang̃galang̃ at ang̃ kanyáng̃ pagkamabutíng̃ anák ng̃ Pilipinas at pagká dalubhasáng̃ Abogado ay pinatunayan niyá sa haráp ng̃ madlà.
Siyá ay isáng̃ tanyág na mánunulat sa wikáng̃ Kastilà at Inglés noón pa mang̃ panahong̃ ang̃ wikáng̃ Inglés dito sa ating̃ tinubuang̃ bayan ay isáng̃ wikáng̃ palamuti lamang̃ at dî pa panlahát.
Ang̃ mg̃a kahirapan sa pagkabilang̃gô ay dinanas din namán niyá, sapagká't siyá at siná G. Joaquin Pardo de tavera, José Ma. Basa at ibp., ay pinagdadakip at ibinilang̃gô niyaóng̃ Himagsikan sa Kabite niyaóng̃ taóng̃ 1872. Págkaraán ng̃ iláng̃ araw na kaniláng̃ pagkábilang̃gô, silá'y ipinatapon sa Pulô ng̃ Marianas. Nanahanan siyá sa Guám na may ilán ding̃ buwán na kayakap ang̃ kahirapan ng̃ isáng̃ «tapon» at tiwaláng̃ sa mg̃a kapilas ng̃ buhay. Buhat sa Guám ay nakasapit siyá sa Pulô ng̃ Yap sa pamamagitan ng̃ isáng̃ sasakyáng̃ amerikano, at buhat dito, sa tulong̃ ng̃ isáng̃ sasakyáng̃ inglés ay nakasapit siyá sa Pulô ng̃ Solomón haggáng̃ sa Palaos.
Buhat sa Pulô ng̃ Palaos, sa pamamagítan ng̃ lahát ng̃ paraán ng̃ magagawâ ng̃ isáng̃ salát sa layà ay sumapit siyá sa Pulò ng̃ Malakán, buhat dito ay nagtanan siyá hang̃gáng̃ sa karatig nating̃ sakop ng̃ Inglés na Lunsód ng̃ Hong̃kóng̃, at pagkalipas ng̃ isáng̃ bugsò ng̃ panahón ay lumayag siyá na patung̃o sa Pransia, doón sa bayan ng̃ layà, at Iná ng̃ bagong̃ kabihasnán.
Niyaóng̃ 1876 ay nagharáp siyá ng̃ isáng̃ kahiling̃an sa Konsul ng̃ Kastilà sa París upáng̃ gawaran siyá ng̃ «indulto» at ang̃ gayó'y kanyáng̃ tinamó sa mabuting̃ palad.
Lumipat sa Londres, sa makasaysayang̃ bayan ng̃ mg̃a dakilang̃ Pólítiko at mg̃a Harìng̃ demókrata, nang̃ siyá'y makalagán na niyaóng̃ kasigalutan ng̃ isáng̃ pinaguusig; ng̃ masamang̃ Talà, at sa bayang̃ itó ay nakipagisáng̃ pusò siyá sa isáng̃ anák ng̃ matimtimang̃ Irlanda.
Niyaóng̃ 1896, nang̃ ang̃ punyaging̃ magsarilí ng̃ boóng̃ bayanang̃ Pilipinas ay nagsisikip na sa ating̃ Kapuluan, ay tumang̃gáp siyá ng̃ anyaya nina G. Felipe Agoncillo at Sixto López, upáng̃ lumipat siyá sa Washing̃ton, upáng̃ buhat doón ay sikapin ang̃ pagtatamó ng̃ mg̃a kagaling̃ang̃ pambansâ sa Pilipinas; ng̃uni't isáng̃ pagkakalayô ó dî pagkakaúnawaán ng̃ mg̃a kaparaanan ni G. Agoncillo, ang̃ nakapagudyók sa kanyáng̃ mulíng̃ bumalik sa Londres at doón ay sinikap niyáng̃ makatulong̃ sa mg̃a nagsísilakad sa pakikipagkáyarì sa Pransiya ng̃ kapakanan ng̃ palad ng̃ ating̃ mutyáng̃ Pilipinas.
Páhiná 53Nang̃ ang̃ ating̃ dakilang̃ Bayani, si Gat Rizal ay lulan ng̃ isáng̃ sasakyáng̃ dagat sa Hong̃kong̃ upáng̃ iuwî dito sa Pilipinas, ay sinikap ni G. Antonio Ma. Regidor na si Gat Rizal ay magtamó ng̃ layà sa pamamagitan ng̃ «Habeas Corpus», ng̃uni't pinawaláng̃ bisà ng̃ mg̃a Hukóm doón ang̃ ganitó niyáng̃ punyagî.
Nariyán ang̃ maigsíng̃ banháy ng̃ isáng̃ labí ng̃ mg̃a pininsalà ng̃ aklasang̃ kawal niyaóng̃ 1872. Nagíng̃ tagapagtang̃gól tuwina ng̃ Pilipinas, ng̃ mg̃a mairugin sa Pilipinas, at ng̃ mg̃a pilipino.
Ang̃ kanyáng̃ palad ay nagíng̃ kayakap ng̃ mg̃a páng̃arapín ng̃ tatlóng̃ unang̃ pininsalà ng̃ kabang̃isan: ng̃ tatlóng̃ Pareng̃ Tagalog, na binitay dahil sa kilusáng̃ yaón.
Sa kanyáng̃ kabantugan ay nahandugán niyá ng̃ palà ang̃ ating̃ Inang̃ Pilipinas at dahil dito ay dapat tumang̃gap ng̃ turing̃ ng̃ lahát ng̃ kalahing̃ sumisibol.
Magíng̃ saksí ang̃ maigsíng̃ ulat na itó ng̃ paghang̃à ng̃ aking̃ mg̃a kapanahón sa magandáng̃ halimbawà na ilinagak sa atin ng̃ kanyáng̃ buhay.
Namatáy si G. Antonio Ma. Regidor na nagiwan ng̃ isáng̃ mabuting̃ bakás biláng̃ pamana sa kanyáng̃ Tinubuang̃ Lupà.
Isang̃ bantóg na makamang̃gagawà at masigasig na mánanagalóg, si G. Felipe G. Calderón na sumilang̃ sa maliwanag, sa bayan ng̃ Sta. Cruz de Malabon, Kabite niyaóng̃ iká 4 ng̃ Abril ng̃ 1868. Siyá ay anák ni G. José at ni Gng̃. Manuela Roca.
Nagsimulâ si G. Felipe G. Calderón ng̃ pagáaral sa «Ateneo de Manila» hang̃gáng̃ magtamó ng̃ katibayan «Bachiller en Artes» ay saká lumipat sa Páaraláng̃ madlâ ni Sto. Tomás upáng̃ magaral ng̃ «Derecho.»
Gaya ng̃ lahát ng̃ masikap na magpakataás na magisá, ay kasabáy ng̃ pagáaral niyáng̃ itó ang̃ paghahanap buhay, at siyá'y sumulat sa mg̃a Páhayagáng̃ «La Opinión» at «El Resumen». Siyá'y nakatapos ng̃ boóng̃ ning̃níng̃ ng̃ kanyáng̃ layon sa pagaáral niyaóng̃ 1894, at ang̃ kanyáng̃ pagsasanay ay ginanáp niyá sa kagawarán ng̃ nagíng̃ bantóg at pinagpitaganang̃ Pang̃ulo ng̃ Kátaastaasang̃ Húkuman na si G. Cayetano Arellano.
Nagsigasíg din siyá ng̃ pagáaral ng̃ «Ley Constitucional», «Economía Política», «Historia», «Filosofía y Letras» at «Ciencias Físicas», tang̃ì pa sa kanyáng̃ sadyáng̃ paglalakbáy sa Hong̃kóng̃, Singapur at India, na kung̃ saan niyá pinagaralan sa sariling̃ lupà ang̃ pamamahalà ng̃ mg̃a Inglés sa kanyáng̃ mg̃a sakop na bayan.
Ang̃ mg̃a karunung̃ang̃ itó na kanyáng̃ pinágpakatang̃ian ay lubós niyáng̃ nágamit sa kapakinabang̃án ng̃ ating̃ Tinubuang̃ Lupà, sapagká't niyaóng̃ 1898 ay siyá'y nagbigáy ng̃ mung̃kahì kay G. Emilio Aguinaldo, na hing̃ín nitó kay Almirante Dewey, ang̃ mg̃a katibayang̃ buhat sa Congreso ng̃ EE. UU., upáng̃ makipagkayarì sa isáng̃ Lupon ng̃ mg̃a pilipino tung̃kól sa hináharáp ng̃ Pilipinas, at kung̃ ang̃ gayón ay hindî gawín ng̃ «Almirante», ang̃ nang̃aghihimagsík na pilipino ay dî dapat tumulong̃ sa mg̃a amerikano, sa kanyáng̃ digmaang̃ laban sa España.
Ang̃ paning̃in ni G. Felipe G. Calderón Páhiná 55ay nang̃úguna sa mg̃a pang̃yayari, at para niyáng̃ nahúhulaang̃ ang̃ panahón ay sásapit na ang̃ lahát ng̃ pakikipagkasundô at nasà ni Dewey, ay hindî paháhalagahán ng̃ «Congreso sa Washing̃tón.»
Ang̃ kasaysayan ng̃ Pilipinas ay siyáng̃ labis na makapagúulat kung̃ ang̃ mung̃kahing̃ itó ni G. Felipe G. Calderón, na hindî tinang̃gap ni G. Emilio Aguinaldo, dahil sa malakíng̃ katiwalà sa karang̃alan ng̃ «Almirante Dewey» at ng̃ «Congreso» ng̃ EE. UU., ay may matuwíd ó walâ. Ang̃ mg̃a pang̃yayari, ay hindî mababago at dî matátalimwáng̃ ng̃ sino man, sapagká't doó'y saksí ang̃ sambayanang̃ nagpakasakit magtigís ng̃ dugô sa pagtatang̃gól ng̃ kanyáng̃ katuwiran.
Nagíng̃ Kinatawán sa Congreso sa Malolos, si G. Felipe G. Calderón, nang̃ lalawikang̃ Paragwa, at sa kanyáng̃ pagkakinatawáng̃ itó ay kanyáng̃ yinarì at ihinaráp sa Kapulung̃an ang̃ kanyáng̃ pinaká dakilang̃ gawâ, na nápabantóg na Pátakarán ng̃ Repúblika Pilipina, at pinagtibáy pagkatapos na mapagtalunan ng̃ mg̃a Kinatawán sa dambanang̃ yaóng̃ ng̃ mg̃a Batás.
Nang̃ magharì na ang̃ kapayapaan ay ikinatiwalà sa kanyá ng̃ Pámahalaáng̃ amerikano, ang̃ Pagtatatag ng̃ mg̃a Pámahalaáng̃ Bayan at siyá'y sumulat ng̃ isáng̃ Palátuntunan ukól sa bagay na itó.
Itinatag din namán niyá ang̃ pinagpalang̃ «Protección de la Infancia» ang̃ «Colegio de Abogados de Manila» at «Escuela de Derecho» na kanyáng̃ pinagturuan at pinaghandaán ng̃ mg̃a bagong̃ sibol na mg̃a abogado na makapagliling̃kód sa ating̃ Tinubuang̃ Lupà. ¡Gaanong̃ biyayà ang̃ náihandog niyá sa Pilipinas, sa mg̃a nátukoy na kapisanáng̃ kanyáng̃ likhâ!
Nagturo rin namán ng̃ «Matemáticas» at «Historia Universal» sa Páaraláng̃ «Instituto de Mujeres» ng̃ mg̃a taóng̃ 1902-1904, nang̃ dî tumangáp ng̃ anó máng̃ kabayarán sa kanyáng̃ mg̃a pagpapagál, sa paniwalang̃ ang̃ Páaraláng̃ itó ay gumáganáp ng̃ isáng̃ dakilang̃ tung̃kuling̃ maghandâ ng̃ mabubuti at may sapát na kayang̃ mg̃a mámamayán.
Sa kanyáng̃ mg̃a sinulat na aklát na lubháng̃ mapakinabang̃, ay matukoy ang̃ «A.B.C.» ng̃ mg̃a mamamayáng̃ pilipino na siyáng̃ kátututuhan ng̃ mg̃a karapatan ng̃ mg̃a mámamayán.
Kung̃ ang̃ kahoy ay nákikilala sa bung̃a, gaya ng̃ kasabihán, si Ginoong̃ Felipe G. Calderón ay mákikilala sa kanyáng̃ mg̃a ginawáng̃ pamana sa mg̃a náhuhulí.
Siyá'y namatáy niyaóng̃ iká 6 ng̃ Hunio ng̃ 1908, nang̃ hindî man natapos ang̃ hulì niyáng̃ ulat tung̃kól sa «Enciclopedia Filipina».
Karapat dapat uliranin ang̃ kanyáng̃ halimbawa.
Kung̃ sino yaóng̃ nagsásabing̃ ang̃ karunung̃an at kariwasaan ay kaaway ng̃ mg̃a dukhâ ay nabubulaanan sa halimbawang̃ sa kanyáng̃ sariling̃ kabuhayan ay ipinakita ng̃ Mrgl. na G. Cayetano Arellano.
Buhat sa isáng̃ muntíng̃ bayang̃ nakilala sa tawag na Udyóng̃, sakop ng̃ lalawigang̃ Bataan, at nakyát sa kátaastaasang̃ likmuan ng̃ Pinakamataás na Húkuman dito sa Pilipínas. Nakyát na dî sa tagubilin at pagkakaling̃à ng̃ isáng̃ pagkating̃ politiko gaya ng̃ karaniwang̃ mang̃yari sa mg̃a tung̃kuling̃ Pámahalaan, kundi sa sariling̃ karapatán, kakayahán at karunung̃an, palibhasa'y isáng̃ dalubhasang̃ karapatdápat sa alin máng̃ lalong̃ maselang̃ na tung̃kulin.
Nagsisikíp sa sang̃sinukob ang̃ pagkilala sa kanyáng̃ manining̃ning̃ na mg̃a kurókurò sa kanyáng̃ mg̃a hatol, magíng̃ sa pagsasarili niyá sakaling̃ ang̃ pasyá ng̃ kanyáng̃ mg̃a kasamahán ay dî niyá marapatin, maging̃ sa kung̃ siyá'y makaayon na magbigay ng̃ sariling̃ ulat. Si Gat Cayetano Arellano ay isáng̃ Páhiná 57taong̃ may mabuting̃ ugalì, mabuting̃ gawî at mabuting̃ mg̃a gawâ na ipinamana sa kanyáng̃ mg̃a kalahi sa háharaping̃ panahón.
May mabuting̃ ugali, sapagká't sa kanyáng̃ diwang̃ nagsisikíp sa karunung̃an ay may siwang̃ ang̃ mg̃a súliranin ng̃ liping̃ tumatang̃is at tuwî na ay nakátagpô sa kanyáng̃ mg̃a hatol ng̃ isáng̃ kasiyahang̃ loób, palibhasà ay nábabatáy tuwî na sa malinis na udyók ng̃ budhî. Ang̃ mg̃a ulila ay nakatagpô sa kanyáng̃ maáwaing̃ pusò ng̃ isáng̃ tapát na tagapagkaling̃à at tagasaklolo; at waláng̃ sukat na paglilimós ang̃ ginagampanán niyá nang̃ walang̃ sino máng̃ nakamalay, kahit na ng̃ tunay na sinasaklolohan.
May mabuting̃ gawî sapagká't sa habang̃ panahón ng̃ kanyáng̃ ikinabuhay ay waláng̃ unang̃ nagíng̃ himaling̃ kundî ang̃ tahás na pagúubos kaya upáng̃ mapagaralan ang̃ mg̃a súliraning̃ sanhî ng̃ mg̃a paghihirap ng̃ sang̃katauhan, at magawaran ng̃ tumpák na lunas; pagáaral na waláng̃ maliw hang̃gáng̃ sa huling̃ sandalî ng̃ kanyáng̃ buhay. At hindî sukat ang̃ pagsisikap sa sarili ang̃ kanyáng̃ hinaráp, dî mabilang̃ na mg̃a dukhâ, na waláng̃ kayang̃ ipagpáaral sa kaniláng̃ mg̃a anák, ang̃ nakatagpô kay Gat Arellano, ng̃ isáng̃ ganáp na biyayà. Pinággugulan niyá sa pagáaral ang̃ lubháng̃ maraming̃ maásahan sa háharapin, sapagká't sa ganitóng̃ paraán niyá ináakalang̃ makapagling̃kód ng̃ táhasan sa minámahál niyáng̃ Tinubuang̃ Lupà.
Ang̃ lahát ng̃ kanyáng̃ inisip sa paghahandóg ng̃ ginhawa sa nang̃ahíhirapan ay kanyáng̃ isinang̃awáng̃ pawà, at kaypala'y dî iilán sa ng̃ayón ang̃ tumátamasa ng̃ ginhawa at nagpapasasà sa mg̃a kaaliwang̃ dulot ng̃ karunung̃an, na pawang̃ utang̃ sa pagkakawang̃-gawâ ng̃ Mrng̃l. na G. Cayetano Arellano.
Isáng̃ masayang̃ araw ng̃ Marso, ikalawá sa buwan ng̃ taóng̃ 1847, ang̃ Pilipinas ay nagkapalad magkaroón ng̃ isáng̃ anák na kagiliwgiliw, isáng̃ anák na nagtampók sa kanyá sa isáng̃ kalagayang̃ karapatdapat, at itó ay ang̃ ating̃ pinagúukulan nitóng̃ mg̃a katagáng̃ ulat.
Ang̃ mg̃a páng̃unahíng̃ pagáaral ay idinaos sa sariling̃ táhanan at nagpatuloy sa Páaraláng̃ «San Juan de Letrán» at sa «Universidad de Sto. Tomás» na tinang̃gapán nang̃ mg̃a katibayang̃ sumusunod: «Bachiller en Filosofía» (1862) «Bachiller en Teología» (1867) «Bachiller en Derecho Canónico» at «Bachiller en Derecho Civil» (1871), «Licenciado en Jurisprudencia» (1876).
Naghawak ng̃ tung̃kuling̃ abogado ng̃ «Audiencia Territorial de Manila» at niyaóng̃ 1879, sa mung̃kahì ng̃ Pang̃ulo ng̃ «Audiencia» ay náhirang̃ na Hukóm na may pananahanan sa «Gobierno Político Militar de Tárlac», at nang̃ makalipas ang̃ tatlóng̃ taón, niyaóng̃ 1872, ay náhirang̃ na «Catedrático» sa Sto. Tomás sa Karunung̃ang̃ «Derecho Civil» at niyaóng̃ 1886 ay ginawaran ng̃ kapang̃yarihang̃ magíng̃ «Mang̃istrado Páhiná 58suplente» ng̃ «Audencia» dito sa Maynilà.
Nanung̃kulan ng̃ pagkakasang̃gunì ng̃ «Ayuntamiento» niyaóng̃ 1887; at niyaóng̃ taóng̃ 1898 ay ihinalál na Kalihim pang̃labas ng̃ ating̃ Pámahalaáng̃ sarili sa Malolos.
Pagkatapos magíng̃ Presidente ng̃ «Servicio Civil» ay ihinalál na Pang̃ulong̃ samantala ng̃ Mataás na Húkuman sa lilim ng̃ Pámahalaáng̃ Hukbó dito sa Pilipinas, at niyaóng̃ Hunyo ng̃ taóng̃ 1901, ay náhalál na Pang̃ulong̃ Pálagian ng̃ násabing̃ Mataás na Húkuman.
Niyaóng̃ siyá ay maglakbáy sa Amerika niyaóng̃ 1904, ay pinagkalooban ng̃ dì karaniwang̃ karang̃alang̃ «Doctor en Derecho» ng̃ «Yale University», karang̃alang̃ sa bihirang̃ tao lamang̃ ipinagkákaloób.
Náriyán ang̃ kabuhayan ng̃ isáng̃ maning̃níng̃ na Talà, ba ang̃ liwanag ay dî magkásiyá sa ating̃ lupaín, hinang̃aan ng̃ mg̃a banyagà at kinilalang̃ isáng̃ pantás na katang̃ítang̃ì.
Ang̃ maliliit na bayan, magmulâ pa ng̃ mulâ at mulâ, ay nang̃ápabantóg dî sa kayamanan ng̃ kanyáng̃ mg̃a pataním, dî sa kasaganaan at kasipagan ng̃ kanyáng̃ mg̃a magsasaká, dî sa kabantugan ng̃ kanyáng̃ tikmâ, dî sa mg̃a naglalakihang̃ mg̃a gamlayan, pagkápalibhasa ay dî itó ang̃ nang̃ing̃ibabaw at ikinatatang̃ì sa ibá, kundî ang̃ pagkakaroón ng̃ mg̃a anák na dî karaniwan, niyáng̃ mg̃a tao niláng̃ sa maliliít na bayan sumisiból upáng̃ ang̃ mg̃a bayang̃ násabi ay mápabantóg at hang̃aan ng̃ mg̃a bayang̃ lalong̃ malalaki at maginhawa.
Si Gat Cayetano Arellano ay isáng̃ tapat na anák ng̃ Pilipinas, at máituturing̃ na isáng̃ karapat dapat na kawal ng̃ sandaigdian na kanyáng̃ pinagling̃kuran ng̃ malaganap na kisláp ng̃ kanyáng̃ diwà.
Pagpalain nawa ni Bathalà ang̃ kanyáng̃ mabuting̃ aláala at ang̃ kanyáng̃ mg̃a katang̃ian ay ipagpatuloy ng̃ dî mabilang̃ niyáng̃ kinandili.
Huwag mong̃ akalain giliw na mambabasa na ang̃ sanhî ng̃ muntíng̃ ulat na itó sa karang̃alan ng̃ magandáng̃ dalagang̃ tagalog na si Bb. Susana Revilla ay likhâ ng̃ mg̃a karaniwang̃ paghang̃à, sa mg̃a dî karaniwang̃ gandáng̃ nakáaakit na umawit tuwî na sa pusong̃ lalakì; hindî makalilibong̃ hindî; sapagká't si Bb. Susana Revilla ay kabilang̃ diyán sa mg̃a likháng̃ karapatdapat lamang̃ pintuhuin at igalang̃, dahil sa ang̃ kanyáng̃ talagháy ay dî katulad ng̃ sa lubháng̃ maraming̃ gandáng̃ nakayayakag sa mg̃a gawî ng̃ kalupaán. Isáng̃ kagandahan na linikhà mandin upáng̃ magíng̃ huwaran ng̃ mg̃a babaing̃ Tagalog. Ang̃ kabinihang̃ kayakáp ng̃ isáng̃ kabaitang̃ likás ay nagpapating̃kád ng̃ karang̃alan ng̃ kanyáng̃ lipì, at may isáng̃ dî karaniwang̃ talino, palibhasà, kayá't nagagawáng̃ ang̃ lahát ng̃ kanyáng̃ magíng̃ kakilala ay huwág magimbót ng̃ anó máng̃ haluang̃ pagmamahál, at lahát ay magíng̃ maligaya sa kanyáng̃ piling̃.
Pakingán nating̃ sandalì ang̃ salaysáy ni G. Camilo Sala, tung̃kól Páhiná 60sa kanyáng̃ katang̃ian: «Sa labíng̃ dalawang̃ taón pa lamáng̃ na guláng̃ ay nasok na «colegiala» sa Concordia, ng̃uni't masasaktín palibhasà ay hindî nakapagpatuloy; subali't nang̃ sumunód na taón sa «Escuela Municipal de Manila», sa ilalim ng̃ pamamatnugot ng̃ mg̃a «Madres de Caridad» nások, at dî nalaunan at kaniláng̃ nákilala ang̃ kamahalan ng̃ hiyás na yaóng̃ nások sa kaniláng̃ pintuan, sapagká't nang̃ sumunód na taón ay hinirang̃ siyáng̃ magíng̃ Pang̃ulo ng̃ kalipunan ng̃ «Mg̃a Anák ni Maria», at pagkalipás ng̃ dalawa pang̃ taón, si Susana na lalabíng̃animing̃ taón pa lamáng̃, niyaón 1887, ay tumang̃gáp na ng̃ Katibayang̃ pagká «Maestra Elemental.»
Aní Ginang̃ ni Alvero, kasalukuyang̃ Patnugot ng̃ Páaralang̃ «Instituto de Mujeres»: «Si Susana ay isáng̃ likháng̃ dî karaniwan; ang̃ kanyáng̃ Páaralán niyaóng̃ taóng̃ 1900, na balakin kong̃ magtatag ng̃ isáng̃ Páaraláng̃ babai na mapagháhandaán ng̃ mangákakatulong̃ ng̃ mg̃a lalaki sa mg̃a súliraning̃ bayan at pang̃ang̃asiwà sa táhanan, ay kasalukuyang̃ bukás at maraming̃ araláng̃ nakatirá at nagúuwian; ng̃uni't yaón ay kanyáng̃ ipininíd upáng̃ bigyán daán ang̃ tawag na itó ng̃ ating̃ bayan, at ang̃ Instituto de Mujeres ay aming̃ itinatag.»
Kun saan mapagkikita, na kay Bb. Susana Revilla ang̃ kapakanang̃ sarili ay isáng̃ walang̃ kabuluháng̃ bagay sa piling̃ ng̃ mg̃a kahiling̃an ng̃ bayan at ng̃ kapanahunan.
Tung̃kól sa kanyáng̃ kabuhayang̃ tang̃i sa loób ng̃ táhanan ay hindî mapagalinlang̃anang̃ nápapalayô sa kanyáng̃ buhay na hayág, gaya ng̃ karaniwang̃ mang̃yari sa karamihan na may ugaling̃ «pang̃labás» at may «panloób»; sa haráp ng̃ kapisanan at sa sarili mang̃ táhanan, si Bb. Susana Revilla ay hindî nagbabago; siyá rin ang̃ masayáng̃ anák ng̃ Pilipinas na sa loób at labas ng̃ bahay, ay nakátatagpô ng̃ ligaya sa paggawâ ng̃ mabuti; ang̃ kabaitan niyáng̃ siból ay hinang̃aan tuwî na ng̃ lahát niyáng̃ nákapiling̃ at nagkapalad na sa kanyá'y makákilala; at tung̃kól sa bagay na itó ay ani Pari Ulpiano Herrero: «Su via privada era la de una santa».
Sumilang̃ sa maliwanag si Bb. Susana Revilla, sa mayamang̃ bayan ng̃ Sta. Cruz, Maynila niyaóng̃ iká 24 ng̃ mg̃a Bulaklak palibhasà nang̃ kanyáng̃ mákita ang̃ unáng̃ liwanag, ay hiniyasán ang̃ kanyáng̃ buhay, ng̃ mg̃a «sampaga» ng̃ kanikaniyáng̃ katang̃ián; ang̃ kalinisan ng̃ kampupot ay iginayák sa kanyang̃ kálolwá, ang̃ kayumian ng̃ babaan ng loób, ang̃ «alejandria» ay nagdulot sa kanyá ng̃ isáng̃ kagandahang̃ katang̃itang̃i, at ang̃ «ilang̃-ilang̃» ay nagbigáy ng̃ samyô sa kanyá, na waláng̃ pagkapawì.
Siyá'y anák na tunay ni G. Ceferino at ni Gg. Rosenda San José, maririwasá at mapapalad na nakapagdulót sa Ináng̃ Bayan ng̃ mg̃a anák na karapatdapat; Pinagpalá, sapagká't makapagmamalaki at waláng̃ anó mang̃ ipinang̃imbulo Páhiná 61sa mg̃a ibáng̃ ang̃kán sa haráp ng̃ kapamayanan. Kapatíd ni Bb. Susana Revilla ang̃ kamámatáy pa lamáng̃ na Hukóm sa Unáng̃ Dulugan, Kgl. na Bartolomé, Revilla.
Tung̃kól sa kanyáng̃ likás na kabaitan at sanhî ng̃ kaligayahan ng̃ kanyáng̃ nang̃ákasama sa «Instituto de Mujeres», ay pakingán nating̃ sandalì ang̃ iláng̃ katagâ ng̃ Revista «Cultura Social»: «Toda suavidad en el mandar, no bien previa que alguna carga resultaba pesada para las demás, cuando la tomara en silencio para sí».
Nang̃ ang̃ mg̃a «Asuncionistas» ay dumaóng̃ dito sa ating̃ Lunsód at magbukás ng̃ kaniláng̃ «Colegio» ay nagpatuloy ng̃ pagáaral si Bb. Susana Revilla, upáng̃ magkaroón ng̃ katibayang̃ «Maestra Superior» at siyá'y isá sa unáng̃ labíng̃ tatlóng̃ Maestra na nagtamó ng̃ gayóng̃ katibayan.
Niyaóng̃ taóng̃ 1909, ay náhirang̃ siyáng̃ Tagapamatnugot ng̃ «Instituto de Mujeres». Sa panahóng̃ itó ay dî kakaunting̃ sikap ang̃ ginawâ ng̃ mg̃a maing̃giting̃ Páaralán upáng̃ siyá máialis doón, at hinandugan siyá ng̃ malalakíng̃ sahod, ng̃uni't sa haráp ng̃ naghihikahós na «Instituto» noón, ay pinilì niyá ang̃ manatili sa piling̃ ng̃ kanyáng̃ minámahál na «Instituto» na kanyáng̃ pinaghandugan ng̃ isáng̃ pagliling̃kód na waláng̃ pasubali, pinang̃gugulan niyá ng̃ lahát ng̃ pinakamabuti niyáng̃ panahón sa kanyáng̃ buhay, at dî miminsáng̃ kinailang̃ang̃ ang̃ kanyáng̃ mg̃a hiyás ay másanlâ, huwag lamáng̃ máuntól ang̃ mabutíng̃ lakad ng̃ «Instituto» dahil lamáng̃ sa kasalatán.
May isáng̃ dakilang̃ pagting̃in at paghahakà sa kautang̃án si Bb. Susana Revilla, gaya ng̃ lahát nang̃ may wagás na pusò, at aní Sor Dolores Velarde, nagíng̃ Guró ng̃ «Instituto» at gayón ay «Madre de la Caridad» sa isá niyáng̃ lathalà tung̃kól sa bagay na itó: «Nuestra Ilorada Directora tenía una idea sublime del deber.......! Cuantas veces la hemos sorprendido en su aposento dando clases a sus alumnas desde su cama!» Hang̃gang̃ sa kalubhaán na ng̃ sakit na dî na makatindíg halos ay ginagampanán ang̃ kanyáng̃ katung̃kulang̃ pagtuturò.
Buhat pa niyaóng̃ iká 28 ng̃ Disyembre ng̃ 1916 ay náratay na sa baníg, ng̃uni't nang̃ buksan ang̃ Páaralán niyaóng̃ Enero, ay dî pa man halos makagulapay ay dumaló rin sa kanyáng̃ bulwagang̃ pinagtuturuan. Si Bb. Susana ay isáng̃ tunay na alipin ng̃ kautang̃án. Ihinatíd sa Págamutang̃ «San Juan de Dios» niyaóng̃ iká 24 ng̃ Marso, ang̃ lahát ng̃ sikap ng̃ mg̃a mang̃gagamót na isá rito ay si Dr. Miciano, ay na waláng̃ lahát ng̃ halagá, at ang̃ pinagpitaganan tuwî na ng̃ kanyáng̃ mg̃a kaibigan, ang̃ matalinong̃ Tagapamatnugot ng̃ «Instituto de Mujeres», ang̃ dalubasà, mayumì at mabait hang̃gang̃ sa huling̃ sandalî ng̃ pakikitalad sa buhay, ay binihag ng̃ walang̃ awang̃ kamatayan, niyaóng̃ iká 11 nang̃ Abril ng̃ taóng̃ 1917.
Sumalang̃it nawâ ang̃ butihing̃ Páhiná 62Guró at ang̃ kayáng̃ diwà na naghaharì sa Páaraláng̃ «Insituto de Mujeres» ay magíng̃ tang̃láw tuwî na ng̃ kanyáng̃ mg̃a kasamahan.
Lumipat sa kabilang̃ buhay ang̃ isáng̃ marilág na Guró na nátutong̃ maglagáy sa isáng̃ mataás na kalagayan ng̃ mabuting̃ pang̃alan ng̃ kanyáng̃ pinamatnugutan Páaralan.
Pinagpalang̃ «Instituto de Mujeres», na makapagmamalakíng̃ nagkaroón ng̃ mg̃a diwang̃ gaya ng̃ kay Bb. Susana Revilla, pinagpalang̃ «Instituto de Mujeres» na linabasan ng̃ mg̃a babaing̃ katang̃ítang̃ì, salamat sa banal na simulaing̃ «Pananampalataya at Karunung̃an». Narián ang̃ Páaralán ng̃ mg̃a Páaralán.
Sa mayamang̃ bayan ng̃ Santa Cruz, Maynilà ay dito nakákita ng̃ unang̃ liwanag, ang̃ isáng̃ sang̃gól na babaing̃ tinawag na Teodora, anák ni Kapitáng̃ Lorenzo at ni Gg. Brígada Quintos. Siyá ang̃ mapalad na babaing̃ nakapaghandóg sa Inang̃ Bayan ng̃ Bayani ng̃ mg̃a Bayani, si Gat José Rizal.
Siyá'y buhat sa ang̃káng̃ gisíng̃ ang̃ munì, ang̃ kanyáng̃ nunò si G. Cipriano Alonzo ay isá sa mg̃a máginoó sa bayan ng̃ Biñang̃, Laguna. nagíng̃ mánunukát ng̃ lupà at sumusulát at nagsasalitâ ng̃ Kastilà, Inglés at Pranses, nagîng̃ Kapitan sa bayan, isá sa matataás na katung̃kulang̃ ipinagkakatiwalà sa mg̃a pilipino ng̃ mg̃a panahóng̃ yaón.
Ang̃ mg̃a ninunò sa iná ni Teodora, ay buhat din sa mabuting̃ ang̃kán. Si G. Manuel Quintos, ang̃ amá ng̃ kanyáng̃ iná ay isáng̃ mabuting̃ batà sa «Universidad de Sto. Tomás», at mabuting̃ amá palibhasà ay nagsikap na ang̃ kanyáng̃ anák na si Brigida ay magíng̃ isáng̃ babaing̃ may pinagaralan.
Kahit na ang̃ kaniláng̃ ang̃kán ay nanínirahan sa Kalambâ, si aling̃ Teodora ay ipinang̃anak sa Kamaynilaán, gaya rin ng̃ kanyáng̃ mg̃a Páhiná 64kapatid. Sa lahát ng̃ itó áy matitiyák na si Gng̃. Teodora ay buhat sa mabutíng̃ ang̃kán, siyá ay sumilang̃ sa isáng̃ ának na matalino at ang̃ lahát ng̃ kanyáng̃ mg̃a kasambaháy ay pawang̃ múlat sa dakilang̃ gawî.
Ang̃ una niyáng̃ mg̃a pagáaral ay buhat sa sariling̃ táhanan, at kahit na lubháng̃ mairugín ang̃ kanyáng̃ mg̃a magulang̃ ay hindî siyá iminulat sa layaw, dahiláng̃ kanyáng̃ ikinágisíng̃ sa mabutíng̃ gawî at ipinagsumikap na magíng̃ isáng̃ babaing̃ tang̃ì, may likás na baít at may talino namáng̃ karapatdapat.
Hindî siyá namalagì sa pag-áaral siyá'y ipinasok sa Sta. Rosa sa lilim ng̃ pamamahalà ng̃ mg̃a «Madres de la Caridad» at doón siyá námulat sa pananampalatayang̃ binyagan at ng̃ gawíng̃ magsimbá at gumanáp ng̃ mg̃a katung̃kulan ng̃ isáng̃ mabuting̃ tao.
Páhiná 65Niyaóng̃ 1848 ay nakìpagisáng̃ pusò si Gg. Teodora Alonzo kay G. Francisco Rizal y Mercado, at kápuwâ nagsumikap sa ikapanánatili ng̃ kapayapaán sa loób ng̃ táhanan, gaya ng̃ isáng̃ tunay na uliráng̃ magasawa; at ang̃ mg̃a anák ay sunódsunód na nagsiratíng̃ at lalong̃ nagíng̃ maligaya ang̃ kaniláng̃ buhay sa piling̃ ng̃ mg̃a suplíng̃ ng̃ dalisay niláng̃ pagibig.
Silá'y nang̃ágsiunlád sa pamumuhay at sanhî itó nang̃ pagdami ng̃ kaniláng̃ pánauhíng̃ banyagà at kababayan man ng̃uni't nápansín sa kanilá ng̃ labis ang̃ pantáypantáy na kaniláng̃ pagtang̃gáp sa sino mang̃ pánauhín, magíng̃ pantás man at hang̃ál, mayaman at mahirap, banyagà at kalahì man; sa kanilá'y dî nápansin ang̃ pang̃tatang̃ì kay ganitó ó kay gayón, ng̃ dahil sa si gayón ó si ganitó, ay lalong̃ dakilà, mayaman ó marunong̃ kayâ; ang̃ likás na kaugaliáng̃ mapagampon at mapagtang̃kilik ng̃ lahing̃ Tagalog ay naghaharì sa kaniláng̃ táhanan.
Sa pagkainá ni Gg. Teodora, ay nanupád siyá ng̃ gayón na lamáng̃ na kasikapan, upáng̃ ang̃ kanyáng̃ mg̃a sang̃gól ay mápanuto; lubháng̃ mairugin tuwî na at mapang̃alagà; lahát ng̃ waláng̃ malay na tanóng̃ ó paguusisà ng̃ kanyáng̃ mg̃a anák ay tinútugón niyáng̃ lahát ng̃ boóng̃ tamís at liwanag, upáng̃ masiyahán ang̃ mg̃a anák; ng̃uni't kailan ma'y dî nagíng̃ mapagpalayaw. Ginampanan niyá ang̃ tunay na tung̃kulin ng̃ isáng̃ mabuting̃ iná, na, mapang̃alaga sa mg̃a sang̃gól, mapagturò sa kabataan at tapát na kaulayaw at kaibigan ng̃ mang̃agsilaki na at tumuntóng̃ sa ganáp na gulang̃.
Iminulat niyá sa mg̃a anák ang̃ pagsusumikap na mag-isá, at niyaóng̃ si Gat. Rizal ay aapatín taón pa lamáng̃ at nahihirapang̃ bumasa ng̃ kanyáng̃ Katón ay boóng̃ tamis niyáng̃ sinabi ang̃ gayarí. «Paáno ka kung̃ di makapagsisikap na mag-isá. Maáari kayáng̃ lagi kang̃ nakasandál kang̃inó man? Sikapin mong̃ mag-isá kang̃ magáral at gumawang̃ tiwalag sa ibá, sa gayón ay matataya mo ang̃ sariling̃ lakás at masasanay kang̃ mag-isá sa mg̃a gawain». Nagíng̃ kasayaháng̃ loób ni Gg. Teodora ang̃ manoód sa kanyáng̃ mg̃a anák na bukód bukód ng̃ paggawâ, tila bagá niyá nákikikita sa gayon ang̃ malakíng̃ katamisan ng̃ isáng̃ kasarinlan sa paggawâ man lamang̃.
Tuwî na'y sinalitâ niyá sa kanyáng̃ mg̃a anák kung̃ gabí ang̃ mg̃a buhay ng̃ mg̃a dakilang̃ tao, ó ang̃ mg̃a buhay kayáng̃ may lulang̃ mg̃a dakilang̃ aral, upáng̃ bago matulog ang̃ mg̃a anák ay mábaon sa pagtulog ang̃ mabubuting̃ hinuhà. Sinikap niyáng̃ isatagalog ang̃ mg̃a manining̃níng̃ na buhay ng̃ kanyáng̃ nálalaman, upáng̃ maliliit pa ang̃ mg̃a anák ay makatahô na ng̃ mg̃a dakilang̃ huwaran. Sinikap niyáng̃ ang̃ mg̃a anák ay magharap sa kanyá tuwî na ng̃ násusulat na hinuhà sa kanyáng̃ mg̃a kasaysayang̃ ibinubuhay kung̃ gabi, at kanyáng̃ isinasaanyô ang̃ mg̃a kamalian, at sa ganitóng̃ paraan sa gulang̃ na siyam na taón, ang̃ anák niyáng̃ Pepe, ay nagharáp sa kanyá ng̃ isáng̃ Duláng̃ Páhiná 66Tagalog na kinágiliwang̃ labis ng̃ Kápitan sa bayan ng̃ panahóng̃ yaón.
Niyaóng̃ taóng̃ 1898, ay nabalo siyá sa ginigiliw na asawa, at náparagdág sa kanyáng̃ pagtang̃is na magdádalawáng̃ taòn na sa pagkakaputi ng̃ buhay ng̃ mahál niyáng̃ anák na si Dr. Rizal, ang̃ pagkamatáy ni G. Francisco Rizal at Mercado.
Niyaóng̃ 1907, sa pasimuláng̃ Pulong̃ ng̃ unang̃ Kapulung̃ang̃ Bayan, ay hinandugan si Gng̃. Teodora Alonzo ng̃ mg̃a parang̃ál at inalayan siyá ng̃ maraming̃ salapî bilang̃ tulong̃ sa kanyáng̃ katiisan, ng̃uni't hindî niyá tinang̃gáp at pinating̃kád niyáng̃ ang̃ kaniláng̃ ang̃kán ay hindî nagmámahál sa Lupáng̃ Tinubuan ng̃ dahil lamáng̃ sa salapî. At niyaóng̃ iká 16 ng̃ Agosto ng̃ taóng̃ 1911, ang̃ banal na Iná ng̃ dakiláng̃ Bayani, ay pumisan sa kanyáng̃ mg̃a kapilas ng̃ buhay at sumapayapà sa kaharian ni Bathalà.
Ang̃ paglilibing̃ sa kanyá ay ginanáp niyaóng̃ iká 19 ng̃ Agosto, at ang̃ mg̃a matataás na kagawád ng̃ Pámahalaán ay nakipaglibíng̃ na pawà, tandâ ng̃ isáng̃ pakikidalamhating̃ lúbusan sa kanyáng̃ pagpanaw sa bayang̃ itó ng̃ mg̃a dalamhatì.
Bilang̃ aláala sa kanyáng̃ pang̃alan, ang̃ dating̃ daáng̃ «Aranque» ay pinalitan ng̃ «Teodora Alonzo».
Ang̃ pagúukulan ko ng̃ayón nitóng̃ maigsíng̃ ulat, giliw na bumabasa ay isáng̃ babaing̃ hindî man lamang̃ nakasapit ng̃ mg̃a pintuan ng̃ Páaralán, kaya't tahás na masasabing̃ dî lamang̃ sa mg̃a Páaralán nátututuhan ang̃ pagibig sa Tinubuang̃ Lupà.
Si aling̃ Sora ay isáng̃ likás na mapagmasakít sa alin mang̃ bagay na ukol sa sarili.
Si aling̃ Sora, gaya ng̃ tuwî na'y itinawag sa kanyá ng̃ mg̃a Katipunan ay nagíng̃ isáng̃ tunay na ináng̃ takbuhan niyaóng̃ nang̃aghimagsík at nagtayâ ng̃ buhay sa ikalalayà natin.
Ang̃ kanyáng̃ dulang̃ ay laging̃ may hain, at ang̃ mahigít na isáng̃ libong̃ Katipunan na naglisaw sa Balintawák na naghíhintáy ng̃ isáng̃ hudyát upáng̃ ang̃ talibóng̃ ay ipakipagping̃kian sa mg̃a «reming̃ton» at «mauser», upáng̃ sa pamamagitan noón ay lutasin ang̃ usapín ng̃ atíng̃ bayang̃ nasusukuban at ináalipin ng̃ kapuwâ bayan, ay nakatagpô kay aling̃ Sora ng̃ isáng̃ ináng̃ mapagkupkóp. Sumiláng̃ si Tandáng̃ Sora sa Balintawák niyaóng̃ taóng̃ 1812.
Ang̃ ganitóng̃ gawáng̃ kapuripuri ay pinarúrusahan noón ng̃ parusang̃ kamatayan, kayá't lubháng̃ kagilágilalás na ang̃ isáng̃ hang̃ál na gaya ni tandang̃ Sora, ay huwág sagián ng̃ takot at bagkús nagibayo ang̃ tápang̃ at páng̃atawanan at waláng̃ pang̃iming̃ winaldás ang̃ kanyáng̃ kaunting̃ natitipong̃ palay sa kanyáng̃ mg̃a bang̃án, gayón din ng̃ salapíng̃ patí na sa ikapitóng̃ buhól halos ng̃ taguan ay pawang̃ tinunaw.
Ang̃ ganitóng̃ gawâ ni tandáng̃ Sora ay hindî nálihim sa mg̃a tiktík ng̃ Pámahalaáng̃ kastilà, kayá't siyá'y ipinadakíp pagdaka at sa bisà ng̃ isáng̃ utos ni Henerál Polavieja niyaóng̃ 1897, siyá ay ipinatapon sa Monjuich. Dî man lamang̃ iginaláng̃ ang̃ kanyáng̃ katandaán at pagkababai.
Pinalad pa rin siyáng̃ makabalík digmaan at matahimík siyáng̃ namatáy sa kanyáng̃ táhanan sa Balintawák, Kalookan, poók na nakásaksí ng̃ lalong̃ pinaká maning̃níng̃ na dahon ng̃ ating̃ kasaysayan.
Kung̃ si Gat Bonifacio ay nabubuhay at makapagsásalitâ ng̃ náúukol kay tandáng̃ Sora, disin ay nakábasa tayo ng̃ isáng̃ magandáng̃ halimbawà sa kanyáng̃ iuulat na dîsapalà ay pawang̃ papuri sa babaing̃ itó na siyáng̃ tunay na «Iná ng̃ mg̃a Katipunan.»
Ang̃ mg̃a salitáng̃ «kumain ka na ba kapatid» at isáng̃ ng̃itíng̃ namamalayláy sa kanyáng̃ mg̃a labì ay tila nákikinitá ko pa hang̃gang̃ ng̃ayón. Ang̃ mg̃a salitáng̃ yaón ay Páhiná 68siyá niyáng̃ bati at panalubong̃ sa waláng̃ patláng̃ na mg̃a katipunang̃ sa maghapon halos at sa loób ng̃ mahigit na dalawáng̃ buwán ay kanyáng̃ kinailang̃ang̃ parang̃ mg̃a tunay na anák.
Tinawag sa sinapupunan ni Bathalà niyaóng̃ iká 2 ng̃ Marzo ng̃ taóng̃ 1919, sa gulang̃ na isáng̃ daan at pitóng̃ taón.
Ang̃ kanyáng̃ bankáy ay iniwi ng̃ mg̃a «Labí ng̃ Hímagsíkan» na siyáng̃ nang̃asiwà sa paghahatíd sa kanyáng̃ hulíng̃ táhanan.
Talagang̃ kinusá naming̃ hiyasán ang̃ Sa Langit ng Bayang Pilipinas ng̃ mg̃a taong̃ waláng̃ gasinong̃ talino gaya ni Tandang̃ Sora at ni Tininténg̃ Polonio, na bagá mang̃ puklín ng̃ sandakót na «a» ay dî nilá mákikilala, gayón ma'y makapagmamalakí ng̃ gayón na lamang̃ at makapagsasabíng̃ nakapagling̃kod sa Tinubuang̃ Lupà.
Si Tininténg̃ Polonio ay sumilang̃ sa isáng̃ tagóng̃ Nayon na nákikilala sa tawag na Kang̃kóng̃, sakop ng̃ Balintawák, Kalookan, niyaóng̃ 1851 at isá sa mg̃a unang̃ katipunan na sa tawag ni Andrés Bonifacio ay tumugóng̃ agád ng̃ walang̃ anó máng̃ pasubalì.
May kauntî ring̃ kaya na náiliblib sa mahirap na pakikipamayani sa buhay, palibhasà ay tahás na mapagimpók, at ang̃ kanyáng̃ lahát nang̃ natitipon, bago pa si tandáng̃ Sora, ay kanyáng̃ ginugol ng̃ waláng̃ patumang̃gâ sa mg̃a káilang̃anin ng̃ mg̃a Katipunan. Dahilán itó na ikinamahál sa kanyá ng̃ gayón na lamáng̃ ng̃ «Supremo», na sa pagkilala sa kanyáng̃ maning̃ning̃ na pagliling̃kód ay inatasan siyá ng̃ tung̃kuling̃ Kapitán ng̃ mg̃a sandatahán.
Si Tininténg̃ Polonio ay isáng̃ bayaning̃ sa tapáng̃ ay waláng̃ ipang̃igimbulo sa ibá at ang̃ gayón ay sinikap niyáng̃ mamalagì at sanhî ng̃ ipinagmahál sa kanyá ng̃ kanyáng̃ mg̃a nákasama.
Isáng̃ pabulaáng̃ waláng̃ kabalíbalì na ang̃ tunay na pagibig sa Tinubuang̃ Lupà ay dî sa mg̃a lináng̃ na tao lamáng̃ namamahay, may mg̃a likás na kabaitang̃ talagáng̃ dináramdám ng̃ tao, nang̃ dî sa tulong̃ lamáng̃ ng̃ dunong̃ at itó'y ang̃ likás na pagibig sa sarili at sa mg̃a kapatíd sa Ináng̃ Bayan.
Ang̃ tawag na «kapatid» kung̃ sa mg̃a labì ni Tininténg̃ Polonio pumupulás ay kábabakasán ng̃ tunay na kahulugán noón, at ang̃ kanyáng̃ mg̃a tao na dî rin kákauntî ay pawang̃ nagíng̃ tapát sa kanyá.
Nang̃ magkalupitlupit sa dakong̃ wakás, na ang̃ ating̃ mg̃a marurunóng̃ ay madalá na sa kilusang̃ yaón na kinatakutan ng̃ marami at pinawaláng̃ saysáy sa mg̃a pahayag sa nagsisiakit, ay itiniwaláng̃ na lahát ang̃ mg̃a hang̃ál sa pamiminunò at ang̃ gayo'y pinagbuhatan ng̃ mahalagáng̃ salitâ ni Tininténg̃ Polonio na gayari: «Patakbuhín ninyó ang̃ mg̃a kastilà sa pamamagitan ng̃ tintero at pluma.»
Si Tininténg̃ Polonio, gaya ng̃ mg̃a limót na Bayani ay linapastang̃an ng̃ isáng̃ kamáy na pang̃ahás niyaóng̃ 1902 at ang̃ kanyáng̃ kamatayan ay kahanáy ng̃ pagkáwakawak Páhiná 70niná Rosendo Simón, Procopio at Ciriaco Bonifacio, Venancio Guevara at iba pa na pawang̃ sa dilím ng̃ gabí nang̃aiwan.
Magíng̃ pambawì ang̃ mg̃a talatang̃ itó sa kaniláng̃ mg̃a buhay na náwakawak, at harì nag̃ang̃ pagbuó ng̃ ating̃ kasaysayan ay pagukulan silá ng̃ mg̃a dahong̃ karapatdapat sa kaniláng̃ waláng̃ kahulilip na pagibig sa ating̃ Ináng̃ Pilipinas.
Anak ng̃ makasaysayang̃ lalawigan ng̃ Batang̃an, si Malvar ay námulat sa kapanahunang̃ ang̃ pang̃aapí ay naghaharì at ang̃ katuwiran ng̃ bayan ay kasalukuyang̃ tumátang̃is, kayá't ang̃ kanyáng̃ diwà ay nahikayat na magng̃alit ng̃ gayón na lamáng̃ sa pamamalakad na mapaniíl; at ang̃ gayóng̃ pagpupuyos ng̃ kalooban ay nagkaroón ng̃ pagbúbuntuhán, nang̃ ang̃ unang̃ hiyáw ng̃ layà ay pasimulán sa Balintawák ng̃ ating̃ Bayaning̃ si Gat Bonifacio, niyaóng̃ Agosto ng̃ taóng̃ 1896, kilusáng̃ karakaraka niyáng̃ inaniban ng̃ ubos kaya.
Ipinamalas ni Malvar sa Hímagsíkan ang̃ isáng̃ katang̃ítang̃ing̃ pakikibaka, at sa ulunán ng̃ isáng̃ pulutóng̃ na mg̃a piling̃ tagá Batang̃an ay linusob nilá ang̃ mg̃a himpilan ng̃ mg̃a kastilà sa Tanawan, at doó'y nakilala ang̃ kanyáng̃ isá sa malalakíng̃ pahayag at tutol sa larang̃án ng̃ digmaan, na pinasimulán sa g̃anáp na iká 9 ng̃ gabí at tumagál hang̃gáng̃ iká 6 ng̃ umaga ng̃ araw na kasunód, panahóng̃ ikinalipol ng̃ tanáng̃ nagtatang̃gól na kawal na mg̃a kastilà sa himpilang̃ yaón; at sa katapang̃an niyáng̃ ipinamalas ay minarapat siyáng̃ gawíng̃ Punò ng̃ kanyáng̃ mg̃a kasamahán.
Nang̃ idaos ang̃ «Pacto» sa Biyák na Bató, niyaóng̃ Disyembre ng̃ taóng̃ 1897, buhat sa Bulakán ay nanumbalik siyá sa sarilíng̃ lalawigan upáng̃ pagmasdán kung̃ ang̃ mg̃a dako ng̃ násabing̃ kásunduan ay magáganáp.
Hindî sumama si Malvar sa Lupon ng̃ Hímagsíkan na lumipat sa Hong̃kóng̃; ng̃uni't naparoón siyáng̃ kasama ang̃ tauáng̃ kaanak at tumulong̃ sa mg̃a punyagî ng̃ kanyáng̃ mg̃a kababayan sa ikalulusóg ng̃ Bayang̃ Tinubuan. Nang̃ makaraán ang̃ mang̃íisáng̃ taón na ipinanahanán niyá sa Hong̃kóng̃, niyaóng̃ Hunyo iká 15 ng̃ taóng̃ 1898, ay bumalík siyá sa Kapuluáng̃ Pilipinas, at noón na ng̃â siyá ginawáng̃ Henerál, upáng̃ pang̃asiwaan niyá ang̃ mg̃a kawal sa mg̃a lalawigan ng̃ Tayabas at Laguna, at sa panahón ng̃ kanyáng̃ ipinamunó ay Páhiná 72nagkaroón siyáng̃ lagi ng̃ mabuting̃ palad na magtagumpáy tuwî na at makábihag ng̃ maraming̃ kawal ng̃ mg̃a kastilà. Siyá'y isáng̃ Henerál na laging̃ pinatnubayan ng̃ Mabuting̃ Talà.
Niyaóng̃ Pebrero, iká 4 ng̃ taóng̃ 1899, ang̃ pagkákaibigan ng̃ mg̃a kawal ng̃ Pilipinas at ng̃ mg̃a kawal ng̃ Amerika ay nasira, at si Henerál Malvar ay náatasang̃ magíng̃ Pámunuán ng̃ mg̃a kawal ng̃ Maynilà at Laguna. Ang̃ Pagsanhan at Sta. Cruz sa Laguna ay ipinagtang̃gól ng̃ magkaayaw na Pang̃kát ni Ricarte, Malvar at Agueda Kahabagan, itóng̃ huli ay isáng̃ babaing̃ nagpakita ng̃ lalong̃ malalaking̃ kagiting̃an na ikinamang̃hâ ng̃ kanyáng̃ mg̃a nákasama. Ang̃ mg̃a bayang̃ binangít ay kung̃ makailang̃ lusubin ng̃ mg̃a amerikano, ng̃uni't tuwî na'y napipilan.
Si Henerál Malvar ay naglamay at nagpunyagî gabi at araw upáng̃ magtipon ng̃ tao, magsanay sa mg̃a itó sa pakikibaka at magpa siglá ng̃ mg̃a kalooban, upáng̃ ang̃ pagdidigmaan at pagtatang̃gól ng̃ ating̃ katuwiran at kalayaán ay magtagumpáy.
Sa masamáng̃ sandali niyaóng̃ Marso iká 23 ng̃ 1901, ang̃ Presidente Aguinaldo ay nahulog sa kamáy ng̃ mg̃a kalaban, sa Palanan, Isabela; gayón man si Henerál Malvar ay nagpatuloy pa rin sa pakikibaka at sa kanyáng̃ mg̃a nasásakupan ay nagpadalá siyá ng̃ gayaring̃ pahayag: «Ang̃ ating̃ sandata ay dapat na magpahayag na dî natin ginagamit upáng̃ ipuksá sa mg̃a kawal na amerikano, sapagká't gaya rin natin, sila ay may mg̃a iná, asawa, kapatid at mg̃a anák na tumátang̃is kung̃ silá'y mang̃ápatáy».
«Ng̃uni't tayó'y gumágamit ng̃ sandata upáng̃ ipagtang̃gól ang̃ katutubóng̃ katuwiran, katuwirang̃ magkaroón ng̃ sariling̃ Pámahalaán, Kalayaan at Kasarinlan.»
Sa bahaging̃ itó ng̃ pamahayag ni Malvar ay mákikilala ang̃ kanyáng̃ pagkalináng̃ na tao, mairugin sa Tinubuang̃ Lupà at mataróng̃ na Punong̃ kawal.
Sa pagkilala sa malalaking̃ sikap at mahalagáng̃ gawâ ni Henerál Malvar, ang̃ Lupon Pambansâ sa Hong̃kóng̃, niyaóng̃ unang̃ araw ng̃ Abril ng̃ taóng̃ 1901, ay nagpasyáng̃ iátas sa kanyá ang̃ Tung̃kuling̃ pagká Pang̃ulong̃ kawal sa Pilipinas, ng̃uni't sa kanyáng̃ mg̃a pamahayag na ilinagdâ ay ipinamalas niyáng̃ hindî lamáng̃ ang̃ sikap ng̃ mg̃a kawal ang̃ kanyáng̃ pinagbatayan, at ang̃ bulág na pagsunód sa mg̃a kautusáng̃ kawal, kundî lalò na ang̃ tulong̃ ng̃ mg̃a taong̃ bayan na siyáng̃ lalong̃ mabisà at mapakinabang̃ sa mg̃a mithiing̃ ipinakíkipaglaban.
Samantalang̃ si Henerál Malvar ay boóng̃ tapang̃ na nagtátang̃gól ng̃ ating̃ Kalayaan, ang̃ Lupon namán sa Kapayapaán ay kasalukuyang̃ nagháhandâ ng̃ isáng̃ mabutíng̃ paraán upáng̃ ang̃ digmaan ay maihatíd sa isáng̃ pagkakasundóng̃ kapuripuri, at niyaóng̃ Abril ng̃ taóng̃ 1901 ay nakipanayám kay Henerál Páhiná 73Malvar ang̃ isáng̃ Lupon tung̃kól sa bagay na itó, ng̃unit nabigô.
Nápansín ni Henerál Cailles, ang̃ pagkakátuwás ng̃ atíng̃ kalagayan, ang̃ kalakasán at kapang̃yaríhan sa dami ng̃ mg̃a kadigmâ at dahil dito, upáng̃ maampát ang̃ dugô na dumadaloy na walang̃ tarós ay hining̃î nitó kay Henerál Malvar na sumukò na; ang̃ kahiling̃an ng̃ kaibigan ay iginalang̃, ng̃uni't nagpatuloy din ng̃ pakikidigmà sa paniwalang̃ sa gayóng̃ paraán lamang̃ mapatútunayan ang̃ marubdób na pagnanasà ng̃ Kasarinlán.
Sa kanyáng̃ kublihan sa Bawang̃, ay kung̃ magkáiláng̃ lusubin siyá ng̃ mg̃a amerikano, ng̃uni't tuwî ná'y ipinagtang̃gol niyá ng̃ boóng̃ tapang̃ at kabayanihan, at tuwî na'y napipilan doón ang̃ kawal na kalaban.
Subali't ang̃ gutom ay isáng̃ kaaway na nápakalupit, at sa tulong̃ ng̃ pakikiusap ng̃ lubháng̃ maraming̃ kaibigan, sa talagáng̃ kadahupán ng̃ kaya na magpatuloy pa sa pakikidigmà, ay nakipanayám siyá kay Henerál Bell at bago niyá ginawà itó ay gumawâ muna siyá ng̃ gayaring̃ pamahayag:
«Patung̃o ako ng̃ayón upáng̃ dalawin si Henerál Bell, at anó man ang̃ kálabasán ng̃ pakikipanayám sa kanyá, ay hinihing̃î ko sa mg̃a kababayan, na huwág lamáng̃ akong̃ lilimutin. Tayó'y pawang̃ magkakapatíd. Kahit na nilá akó dalhin sa Estados Unidos ó sa alin máng̃ dako ng̃ Daigdigan, ay dî ko malilimutan ang̃ pinakaiibig kong̃ Tinubuang̃ Lupà».
«Isinasalong̃ ko ang̃ sandata, sapagká't ang̃ aking̃ mg̃a kaanak at mg̃a kaibigang̃ sumasama sa akin ay nang̃agkákasakít sa tinitiís na kagutuman. Ang̃ akíng̃ pitóng̃ anák at ang̃ aking̃ giliw na asawa ay lagíng̃ nasa piling̃ ko at tiniis nilá ang̃ lahát ng̃ kahirapan».
Niyaóng̃ iká 16 ng̃ Abril ng̃ taóng̃ 1902, ay natapos ang̃ mg̃a panayám ni Henerál Malvar, at dî siyá ipinadalá sa labas ng̃ Pilipinas. Nanirahan siyá sa Sto. Tomas, Batang̃an, at ang̃ pagsasaka ay siyá niyáng̃ hinará~p sa paniwalang̃ sa ganitóng̃ paraán lamáng̃ máitátatag ang̃ mg̃a kailang̃an ng̃ nasirang̃ bansâ.
Mataliimik siyáng̃ namuhay sa bukid hang̃gáng̃ sa napilitang̃ lumuwás ng̃ Maynilà dahilán sa sakit sa atáy na kanyáng̃ dinanas, at niyaóng̃ iká 13 ng̃ Oktubre ng̃ 1911, ng̃ kanyáng̃ hirap sa buhay na itó ay winakasán, upáng̃ masok sa buhay na waláng̃ hang̃gán ng̃ mg̃a Bayani na waláng̃ kamatayan.
Dinalá ang̃ kanyáng̃ bang̃káy sa Sto. Tomas at doón binigyán ng̃ kanyáng̃ sariling̃ pitak na pamamahing̃ahan ng̃ mg̃a labí ng̃ isáng̃ buhay na maúulirán sa katapang̃an at katapatang̃ loób sa Lupang̃ Tinubuan:
Sumalang̃it nawâ.
Si Emilio Jacinto, ang̃ kanang̃ kamay ni Gat Bonifacio ay sumilang̃ sa maliwanag, niyaóng̃ 1879, sa bayan ng̃ Trozo, sakop ng̃ Maynilà; anák dukhâ at waláng̃ karang̃alan kundî ang̃ likás na pagkatao, kayá't musmós pa'y nákita na sa kanyáng̃ paligid ang̃ pagkakátuwás ng̃ mg̃a palad.
Nagáral na mag-isá sa pamamagitan ng̃ mg̃a magulang̃ na nagturò sa kanyáng̃ kumilala ng̃ mg̃a titik at sa pamamagitan ng̃ katipiran at pagsasakit ay napapag-áral din ang̃ batang̃ si Emilio Jacinto hang̃gang̃ sa makasapit sa dambanà ng̃ karunung̃an sa «Universidad de Sto. Tomás».
Gáanong̃ pagsasakit ang̃ ginawâ ng̃ kanyáng̃ mg̃a magulang̃ upáng̃ ang̃ kanyáng̃ isip ay mámulat sa malawak na tahakin ng̃ karunung̃an.
Sa «Universidad» ay nagíng̃ kapanahón ni Emilio si G. Juan Sumulong, isá sa nagíng̃ mataás na tao at dalubhasang̃ nagtagláy ng̃ lalong̃ matataás na katung̃kulan sa Pámahalaán. Kápuwâ silá palibhasà anák dukhâ, kayá't ang̃ kaniláng̃ mg̃a simulaín ay nagkakátulad, at ang̃ pagmamalas sa mg̃a matataás na ang̃káng̃ kaniláng̃ nákasama sa pagáaral ay nakakilitî sa kaniláng̃ dalawá, kayá't pinasikap niláng̃ silá'y mápalayô sa kalipunan ng̃ mg̃a yaón, na kaniláng̃ kinasúsuklamán mandín.
Dahilán sa maagang̃ hiyáw ng̃ Hímagsikan na kanyáng̃ inaniban pagdaka ay dî nakatapos si Emilio Jacinto ng̃ kanyáng̃ pang̃áaral, baga mang̃ nagiwan siyá ng̃ isáng̃ mabutíng̃ tálaan ng̃ kanyáng̃ pag-áaral sa «Universidad de Santo Tomás».
Lagi siyáng̃ matigás at dî karakarakang̃ nagbabago sa bisà ng̃ mg̃a tagubilin; tuwî na'y ipinagtang̃gol niyá ng̃ ubos kaya ang̃ ináakalà niyáng̃ katuwiran. Ganito ang̃ kanyáng̃ pamamalakad sa sarili sa boóng̃ panahóng̃ siyá'y nabuhay.
Niyaóng̃ taóng̃ 1896, si Emilio Jacinto at nang̃una sa isáng̃ lupon na itinatag ni Gat Bonifacio upáng̃ Páhiná 75makipagkita sa Kinalawan ng̃ Bayang̃ Hapón dito sa Pilipinas, upáng̃ pasapitin sa Emperador ng̃ Hapón ang̃ isáng̃ Pahayag. Isá sa mg̃a bahagi ng̃ Pahayag ay itóng̃ sumúsunód:
«Ang̃ mg̃a sinag ng̃ liwanag na lumaganáp sa Bansáng̃ Hapón ay nakarating̃ din dito sa Pilipnas. Dapat kaming̃ makinabang̃ sa liwanag»:
Nang̃ taón ding̃ yaón ay nagsuót insík siyá upáng̃ makipagkita kay Dr. Rizal at yakagin itóng̃ makiisá sa kilusán sa paghihimagsík, ng̃uni't sa pagkakákilala ni Doctor Rizal, na nang̃ panahóng̃ yaón ay salát na salát tayo sa paghahandâ at malayò sa pananagumpáy ang̃ hímagsíkan, ay tinugón siyáng̃ «ang̃ gayó'y hindî pa dapat». At nang̃ simulán na ang̃ pakikibaka buhat sa Balintawák, at ang̃ kasarinlan ng̃ Pilipinas ay ipinahayag na sa pamamagitan ng̃ sandata, ay ginawang̃ Henerál si Emilio Jacinto, at ang̃ kanyáng̃ sakop ay ang̃ ng̃ayó'y lalawigan ng̃ Rizal dating̃ Morong̃, ang̃ Laguna, Bulakán at Bagong̃ Ecija.
Si Emilio Jacinto ay siyáng̃ unang̃ kasang̃guni ni Bonifacio, hang̃gá sa itó'y pinatáy ng̃ isáng̃ salang̃gapáng̃ niyaóng̃ 1897.
Sa isáng̃ tagpuan sa bayang̃ Mahayhay, Laguna, sa isáng̃ malaking̃ pulutóng̃ ng̃ Hukbóng̃ kastilà, si Emilio Jacinto ay nasugatan, at nábihag ng̃ mg̃a kaaway; ng̃uni't hindî naglaón sa kamay ng̃ mg̃a kastilà at niyaóng̃ Abril ng̃ 1899 ay binawian ng̃ buhay ang̃ dakilang̃ Henerál.
Ang̃ kanyáng̃ sagisag na isinatuntunin ng̃ katipunan ay itóng̃ mg̃a sumusunód:
(Liwanag at Ning̃ning̃; Kalayaan; Pagibig; Ang̃ Pámahalaán at bayan; Malíng̃ Pagsampalataya; Paggawâ;)
«Liwanag at Ningning: Ang̃ ning̃níng̃ ay nakasisirà ng̃ matá samantalang̃ ang̃ Liwanag ay tumatang̃law».
«Kalayaan: Ang̃ kalayaan ay ipinagkaloób sa lahát ng̃ tao buhat sa pagkápang̃anák at siyá'y dapat gamitin kailan man, hindî upáng̃ puminsalà sa kahit sino. Ang̃ kalayaan ay buhat sa lang̃it at hindî kaloób ng̃ anó mang̃ kapang̃yarihan sa ibabaw ng̃ lupà».
«Pagibig: Sa mg̃a karamdamang̃ tinátang̃láy ng̃ tao ay waláng̃ napakadakilà gaya ng̃ «Pagibig.» Kundî sa pagibig ang̃ mg̃a bayan ay napawi sa ibabaw ng̃ lupà, ang̃ mg̃a kapisanan ng̃ mg̃a tao ay nátulad disin sa lagás na dahon ng̃ kahoy na ipinagliliparan ng̃ isáng̃ buhawi, ng̃uni't dahil sa pagibig ay malalakíng̃ bagay ang̃ nayayarì».
«Ang Pamahalaan at Bayan: Ang̃ pagkasulong̃ ng̃ mg̃a Bayan ay nagbubuhat sa mg̃a mámamayán at ito'y isáng̃ dakilang̃ kapang̃yarihan».
«Maling Pagsampalataya: Kung̃ sino yaóng̃ nagsasabing̃ anák ng̃ Dios, ay dapat tumulad kay Kristo, marálità, mairugín at masintahin sa kawagasán.
«Paggawa: Ang̃ paggawâ ay Páhiná 76hindî Sumpâ ng̃ Dios na gaya ng̃ paniwalà ng̃ ilán».
Sa mg̃a banhay na itó ng̃ mg̃a kaisipán, ay makikilala si Emilio Jacinto na isáng̃ dakilang̃ tao, may matataás na símulain sa buhay, may matayog na pananampalataya, may paniwalang̃ hubog sa dakilang̃ gawî at karapatdapat na pasimunò sa alin mang̃ kilusán. Siyá ay isáng̃ tunay na Bayani, tilansik ng̃ diwà ng̃ mg̃a wagás na tao buhat sa Lang̃it.
Isang̃ dakilang̃ Henerál na pilipino gaya ng̃ nagíng̃ gawing̃ pamagát sa kanyá ng̃ mg̃a nakákilala sa kanyáng̃ dî matátawarang̃ katapang̃an. Anák ng̃ bayang̃ Maynilà at niyaóng̃ iká 29 ng̃ Oktubre ipinang̃anák ng̃ taóng̃ 1868.
Ang̃ kanyáng̃ amá ay si G. Joaquin Luna at ang̃ kanyáng̃ iná ay si Gng̃. Laureana Novicio, magasawang̃ Páhiná 78nagbigáy sa ating̃ bayan ng̃ mg̃a anák na lubháng̃ ikinarárang̃ál: Siná Juan Luna, ang̃ diwang̃ lumikhâ ng̃ «Spollarium»; Joaquin Luna, naging̃ Gobernador sa La Unión, José Luna, bantóg na mang̃gagamot, na pawang̃ mg̃a kapatid ng̃ aming̃ pinagúukulan nitóng̃ maigsíng̃ ulat.
Sa «Ateneo de Manila» siyá sibol, at gaya ng̃ lahát halos na aral sa mg̃a Hesuita ay lumabás siyáng̃ isáng̃ mabuting̃ batà. Tinang̃gáp niyá ang̃ katibayan ng̃ pagká «Bachiller en Artes» ng̃ taóng̃ 1883 at lumipat siyá sa Santo Tomás, upáng̃ magáral ng̃ «Farmacia», pagáaral na kanyáng̃ ipinagpatuloy sa Barcelona, Espanya, at doón niyá tinamó ang̃ katibayan ng̃ pagká «Licenciado». Nagtuloy pa rin ng̃ pagáaral sa «Universidad Central de Madrid» at doón namán niyá tinang̃gáp ang̃ katibayang̃ pagká «Doctor» sa násabing̃ karunung̃an.
Si Antonio Luna ay mahilig ding̃ umawit at ang̃ kányáng̃ kudyapî ay nápabantóg din at isá sa rito ang̃ kanyáng̃ ihinandóg sa mg̃a nagáaral sa «Concordia», Páaralán ng̃ mg̃a babai, na kanyáng̃ pinamagatang̃ «Mg̃a Bituin ng̃ Aking̃ Lahi».
Sa kanyáng̃ pagkakamanunulat ay nagpakatang̃i rin siyáng̃ lubós gaya ng̃ hang̃gá ng̃ayón ay masúsuysóy sa «La Solidaridad» sa Espanya niná Marcelo H. del Pilar, sa lilim ng̃ pamagát na Taga-Ilog. Naglathala siyá ng̃ isáng̃ aklát na kinalalarawanan ng̃ pagká tiwali ng̃ pamamalakad ng̃ mg̃a kastilà rito sa atíng̃ lupaín.
Nagáral din namán si Antonio Luna ng̃ «Ingeniería Química» sa Bélgika at pagkatapos ay lumipat siyá sa París upáng̃ magsanay sa «laboratorio» ng̃ magitíng̃ na si Dr. Latteux.
Ang̃ kanyáng̃ Las Impresiones ay kinamuhìan ng̃ gayón na lamáng̃ ng̃ mg̃a kaaway ng̃ ating̃ pagsasarilí, sanhing̃ ipinaghinalà sa kanyá na isá sa mg̃a tagapagtaguyód ng̃ Hímagsíkan at niyaóng̃ buwan ng̃ Pebrero ng̃ 1897 ay ipinadakíp siyá at ipinatapon sa Espanya at sa Carcel Modelo roón ay ipinalasáp sa kanyá ang̃ lalong̃ masasakláp na araw ng̃ isáng̃ taong̃ malayò sa tinubuang̃ lupà at tumatang̃is sa madilím na bilang̃guan, tulad sa isáng̃ sálarín.
Nang̃ siyá'y palayain ay lumipat siyá kapagkaraka sa Alemanya at nagpasimulâ na sa kanyáng̃ pusò ang̃ táhasang̃ pakikialít sa mg̃a Pang̃inoón ng̃ ating̃ bayan at kanyáng̃ pinagsanayang̃ basahin ang̃ mg̃a katang̃ian sa pagkamandidigmâ ni Napoleón, at sinikáp niyáng̃ mátuto ng̃ mg̃a mabubuting̃ paraan sa digmâ.
Nanumbalik siyáng̃ agád sa Pilipinas nang̃ itó'y maghímagsík na ng̃â at samantalang̃ ang̃ kanyáng̃ katalinuhan sa pagkamabuting̃ mandidigmâ ay hindî pa niyá naiháhandóg sa kanyáng̃ bayan ay itinatag muna ang̃ Pahayagang̃ «La Independencia» at ang̃ kanyáng̃ panitik ay kinákitaan ng̃ mg̃a tudlíng̃ ng̃ pambuhay na loób sa karang̃alan Páhiná 79ng̃ kilusáng̃ yaóng̃ tung̃o sa ganáp na ikalalayà ng̃ ating̃ bayan.
Nang̃ ang̃ dating̃ magkaibigang̃ amerikano at pilipino, na magkatulong na nagpasukò sa mg̃a kawal ng̃ kastilà, na dito, nang̃ mg̃a panahóng̃ yaón ay pang̃inoón at hari; nang̃ ang̃ dalawang̃ watawat ng̃ layà na magkasamang̃ nanagumpáy sa mg̃a kahang̃ahang̃ang̃ pagbabaka ay nagkákatitigán at mandí'y dî na magkawatasan; nang̃ ang̃ mg̃a bayaning̃ yaón ng̃ kilusan nang̃ isáng̃ bagong̃ anyô ng̃ kasaysayan ng̃ ating̃ kalahian ay pinaghaharian ng̃ pang̃igimbulo at nagkákabawasán na ng̃ pagtitiwalà ang̃ isá't at isá, ang̃ kababayan natíng̃ si Antonio Luna ay napá sa Kabite agád at pinaghanap ang̃ Pang̃ulong̃ Aguinaldo upáng̃ doó'y ihandóg ang̃ kanyáng̃ karunung̃an sa digmâ, at si Antonio Luna ay ihinalál pagdakang̃ Henerál ng̃ mg̃a kawal sa katihan, at pagkatapos ay inatasán siyáng̃ maging̃ Tagapatnugot ng̃ hukbóng̃ pilipino, katang̃iang̃ kanyáng̃ pinaunlakán ng̃ kagilagilalás na pakikibaka na lubháng̃ nagpahirap sa hukbóng̃ amerikano, magbuhat sa pamimiyapis na simulâ sa Tulyahan na kinalibing̃an halos ng̃ pinakamalaking̃ bahagí ng̃ ating̃ mg̃a kawal ng̃ Batalyóng̃ Maynilà, at hang̃gáng̃ sa ilog ng̃ Kalumpit na ipinagtang̃gól ng̃ ating̃ hukbó ng̃ isáng̃ pagtatang̃gól na gumuhit sa ating̃ kasaysayan ng̃ mg̃a tudling̃ na gintô sa kabayanihan at katapang̃an.
Niyaóng̃ taóng̃ 1899, nang̃ kasalukuyan siyáng̃ tumátahak ng̃ lupang̃ Kapampang̃an sa dî mapigilpigilang̃ paglusob ng̃ mg̃a kaaway, nákikinitá marahil ang̃ kanyáng̃ mg̃a hulíng̃ sandalî kayá't kagyát sumulat ng̃ kanyáng̃ «Hulíng̃ Pati», na anyá:
«Ipinagkaloób kong̃ lahát ang̃ aking̃ mg̃a ariarian sa aking̃ pinakaiirog na iná.»
«Sakaling̃ akó ay mápatáy sa labanáng̃ itó, ay ninánasà kong̃ ang̃ aking̃ bang̃káy ay balutin ng̃ isáng̃ watawat ng̃ Pilipinas at akó'y ilibíng̃ sa lupà ng̃ aking̃ sariling̃ lupà na sanhî ng̃ aking̃ pagkakasakit».
«Siyá kong̃ laging̃ mithî ang̃ akó'y mamatáy ng̃ boóng̃ kasiyahán ng̃ aking̃ bayan, sa pagtatang̃gól ng̃ kanyáng̃ lúbusang̃ kasarinlan».
Kagilágilalás na lubhâ kung̃ pagtutularin ang̃ dalawang̃ hukbóng̃ naglalamas noón sa kanikaniyáng̃ kakayahán, sandata at katalinuhan sa digmâ, sa kabayanihan ng̃ pagsásalasaan na animó'y mg̃a hukbóng̃ magkasukát ng̃ lakás bagá mang̃ sa katutohanan ay hindî pa anino ng̃ hukbóng̃ amerikano ang̃ atíng̃ mg̃a baguhang̃ kawal; gayón mán, sa katalinuhan ng̃ pamamatnugot ng̃ bayaning̃ si Henerál Luna ay nagpapanatili sa ating̃ mg̃a kawal ng̃ katapang̃an, at úbos kayang̃ panunupád sa mg̃a kautusáng̃ kawal na kanyáng̃ pinaiiral sa ibabaw ng̃ mg̃a sundalo natíng̃ pawang̃ panandaliang̃ tatag at dî mán nang̃akakákilala ng̃ mg̃a kautang̃án ng̃ mg̃a tunay na kawal ng̃ isáng̃ tunay na hukbó.
Sa kabang̃isán ng̃ kanyang̃ pagpapairal ng̃ mg̃a kautusáng̃ digmâ at sa nasang̃ ang̃ baguhan nating̃ mg̃a pinunò ay mápantáy sa isáng̃ Páhiná 80kalagayang̃ hindî mananaghilì sa mg̃a kawal na sanáy sa digmaan, ay nakátagpô siyá ng̃ maraming̃ «naghinanakit» sa kanyáng̃ kagahasan, at isáng̃ araw na ninasà niyáng̃ makipagkita at makipanayam sa Pang̃ulong̃ Aguinaldo, na noó'y na sa Kabanatuan, upáng̃ magmung̃kahì marahil ng̃ isáng̃ bagong̃ paraáng̃ ináakalà niyáng̃ isagawâ, ay hinadlang̃an ng̃ isáng̃ punlô ng̃ sarili ring Hukbó na niyaóng̃ iká 5 ng̃ Hunyo ng̃ taóng̃ 1899, at waláng̃ pang̃iming̃ tumudlà sa kanyá at ang̃ kanyáng̃ buhay ay tinampalasan.
Sa kanyáng̃ palad na yaó'y náparamay ang̃ kanyáng̃ «ayudante» na si Koronel Francisco Román, at buhat na noón ay nawalán ng̃ isáng̃ matalinong̃ ulo at waláng̃ pagál na bisig ang̃ atíng̃ hukbóng̃ pinagtamasahang̃ itabóy ng̃ mg̃a kaaway hang̃gáng̃ sa napipilan na nang̃ patuluyan.
Si Antonio Luna, gaya ng̃ mg̃a dakilang̃ Bayani, ay namatáy ng̃ walâ sa panahón; ng̃uni't sa kanyáng̃ kamatayan ay naìwan niyá ang̃ aral na lubháng̃ mapakinabang̃ sa mg̃a panahóng̃ hináharap natin.
Ang̃ kanyáng̃ kamatayan ay nagíng̃ sanhî ng̃ lubháng̃ maraming̃ mg̃a kurókurò, na ipinaghihinalang̃ yaó'y likhâ ng̃ kalupitan, ng̃uni't sa anó mán, talagáng̃ ang̃ mg̃a dakilang̃ tao ay nakatatagpô ng̃ isáng̃ kamatayang̃ dî karaniwan, upáng̃ magíng̃ sanhî ng̃ isáng̃ matamáng̃ paglilimì at magíng̃ batóng̃ urian ng̃ kanyáng̃ mg̃a kahang̃áhang̃ang̃ katang̃ian.
Mg̃a kamatayáng̃ gaya ng̃ kay Luna, sa dapat na ikápauwi sa walâ at magíng̃ sanhî ng̃ isáng̃ paglimon na waláng̃ hang̃gán, ay lalong̃ bumubuhay sa mg̃a diwà, nagpapatibók ng̃ pusò at gumígising̃ sa madlâ sa ikakíkilala ng̃ lubusan sa kanyáng̃ mg̃a pagliling̃kód na karapatdapat.
Nagpupugay akó sa libing̃an mo, dakilang̃ Henerál, at minsan pa'y úulitin dito ang̃ lúbusang̃ paghang̃à sa iyóng̃ kabayanihan.
Musmos pa'y namuhî nang̃ lubhâ sa masasamáng̃ palakad ng̃ mg̃a kastilà sa kaniláng̃ bayan; pamang̃kíng̃ buò palibhasà ni Gat Marcelo H. del Pilar, ay nagpasasà rito buhat sa kamusmusan ng̃ isáng̃ dalisay na aral ng̃ pagibig sa bayang̃ sarili, kaya't nang̃ kasalukuyang̃ ang̃ «Noli» ni Dr. Rizal, ay dî mabasa ng̃ hindî magíng̃ isáng̃ «malakíng̃ kasalanan» si Gregorio ay isá sa mg̃a lalong̃ masipag na tagalaganap noón.
Sa ganang̃ kay Gregorio ang̃ «Noli» ay siyáng̃ aklát ng̃ kaligtasan ng̃ lahì.
Nang̃ ang̃ hiyáw ng̃ layà ay lumaganap sa walong̃ lalawigang̃ Tagalog, si Gregorio, ay nahikayat na magsundalo at ang̃ gayón ay isinagawâ batà pa man siyáng̃ lubhâ, at buhay noón sa pamamagitan ng̃ mg̃a dî karaniwang̃ katapang̃ang̃ badhâ ng̃ kanyáng̃ mg̃a kilos, ay hinagdán niyáng̃ untiuntî ang̃ kabayanihan hang̃gáng̃ sa nang̃ lagdaán ang̃ «Pacto de Biak na Bato» ay nakaratíng̃ na siyá sa tung̃kuling̃ Koronel.
Námahál siyáng̃ lubhâ kay Aguinaldo at siyá ay ipinagsama sa Hong̃kóng̃ nang̃ malagdaán na ang̃ kásunduan, at silá'y tumulak niyaóng̃ iká 27 ng̃ Disyembe ng̃ taóng̃ 1897, gaya ng̃ nátulukoy sa násabing̃ kásunduan.
At nanatili si Gregorio del Pilar sa Hong̃kóng̃ samantalang̃ si Aguinaldo ay dóroón at sa parang̃ tiniyáp na pang̃yayari, ang̃ mg̃a kastilà at amerikano ay nagkaroón ng̃ sígalutan; at sanhî ng̃ pagpapadalá rito sa Pilipinas ng̃ isáng̃ Hukbóng̃ dagat sa ilalim ng̃ pamamahala ng̃ Almirante Dewey. Ang̃ Lupon Pilipino sa Hong̃kóng̃ ay inanyayahang̃ manumbalik na mulî at magpatuloy ng̃ paghihimagsík.
Ang̃ mg̃a pang̃yayari rito ay lubháng̃ maliwanag sa kasaysayan ng̃ dalawáng̃ digmaan, subalit hindî kalabisáng̃ bang̃gitín dito na si del Pilar ay dating̃ katulong̃ ng̃ mg̃a amerikano sa pagbaka sa mg̃a kastilà, sa paniwalang̃ ang̃ mg̃a kawal na yaón ay katulong̃ natin sa pagtuklás ng̃ kasarinlan.
Si del Pilar ay nagpatuloy ng̃ pakikibaka sa piling̃ ng̃ atíng̃ mg̃a kawal, laban sa manlulupig, baga mang̃ talós na ang̃ pakikibaka ay tahás na pagpapatiwakál yáyamang̃ ang̃ kaaway ay lubháng̃ malakás, marami at makapang̃yarihan.
At ang̃ hukbó natín ay nápatabóy ng̃ nápataboy hang̃gáng̃ sa kaitaasan, nang̃ dî humihiwalay si del Pilar sa pagtatang̃gól sa Kuartel Henerál na kinalalagyán ni Aguinaldo.
Páhiná 82Si Gregorio del Pilar ang̃ siyáng̃ náhirang̃ na magtang̃gól sa Pasong̃ Tilád na tang̃ing̃ pagdadaanan ng̃ sino mang̃ magnánasang̃ lumusob sa Kuartel Henerál at ang̃ kanyáng̃ limampuó't limáng̃ mg̃a piling̃ kawal sa katapang̃an at katápatang̃ loób, ay nagpamalas ng̃ dî karaniwang̃ kabayanihan.
Sa kung̃ anóng̃ pakanâ, ay nátaluntón ng̃ mg̃a amerikano ang̃ Pasong̃ Tilád, at silá ay linusob ng̃ waláng̃ patumang̃gâ hang̃gáng̃ sa ang̃ lahát ng̃ limampuó't limáng̃ kawal na doó'y nagbábantáy, gayón din si Henerál Gregorio del Pilar ay pinuksáng̃ lahát nang̃ walang̃ pítagang̃ kalupitán ng̃ mg̃a kawal na lumusob, na binubuô ng̃ mahigít na 300 katao na kabayuhang̃ pawà.
Sa lokbotan ni Gregorio del Pilar ay nátagpuán ang̃ isáng̃ araw-araw na talâ na kinábabasahan ng̃ gayari:
«Kung̃ isáng̃ malakíng̃ hukbó ang̃ lulusób sa akin at sa aking̃ mg̃a kawal, ay mapapasukò akó; ng̃uni't lalong̃ magigíng̃ kanaisnais sa ganáng̃ akin ang̃ ako'y mamatáy sa pagtatang̃gól sa aking̃ pinakaiirog na Ináng̃ Bayan».
Ganitó namatáy ang̃ isáng̃ matapang̃ na sundalo na sa katiyagaán at sa waláng̃ maliw na pakikibaka ay sumapit sa tung̃kuling̃ Henerál sa gulang̃ na dalawampuó't dalawang̃ taón lamang̃.
Siyá'y anák ng̃ mabulaklák na Bulakán at ipinagmamalakí siyá ng̃ tanáng̃ kababayan sa kanyáng̃ waláng̃ katulad na kabayanihan.
Isang̃ dakilang̃ bayani na sa pagtatang̃gól ng̃ katuwiran ng̃ bayan ay linisan ang̃ tanáng̃ kariwasaan at kaginhawahan sa sariling̃ lupà at tumiwaláng̃ sa mg̃a kapilas ng̃ buhay upáng̃ mahikap sa silong̃ ng̃ ibang̃ Lang̃it ang̃ ikatitimawà ng̃ ating̃ Ináng̃ Pilipinas.
Si Marcelo H. del Pilar ay sumilang̃ sa maliwanag niyaóng̃ iká 29 ng̃ Agosto ng̃ 1850, sa matikmáng̃ bayan ng̃ Bulakán. Bayan ng̃ magagandáng̃ diwatang̃ nakayáyayang̃ umawit sa may mg̃a hilig sa túlain.
Ang̃ kanyáng̃ amá ay si G. Juan H. del Pilar at ang̃ kanyáng̃ ina ay si Gng̃. Blasa Gatmaitan. Talagáng̃ lahì ng̃ mg̃a «Gat» ang̃ bayani natíng̃ itó at pagkápalibhasà ay may Páhiná 84mg̃a kaya rin namán ang̃ kanyáng̃ mg̃a magulang̃ at ang̃ kanyáng̃ amá ay máginoó sa bayan, kayá't námulat ng̃ ting̃alâ ang̃ noó may matataás na indayóg at maibigin sa katuwiran.
Pagkapagaral niyá ng̃ mg̃a unáng̃ titik sa sarìling̃ bahay ay nások siyá sa Páaralan ng̃ San José at pagkatapos dito ay lumipat siyá sa Páaralang̃-madlâ ni Sto. Tomás upáng̃ dito magtapós, at boóng̃ ning̃níng̃ niyáng̃ ipinakita ang̃ dî karaniwan niyáng̃ talino hang̃gang̃ sa ang̃ katibayan ng̃ pagká «Licenciado en Jurisprudencia» ay kanyáng̃ kamtín, noóng̃ taóng̃ 1888.
Ang̃ sigasig niyá sa pagibig sa lupang̃ sarili, na noó'y lubháng̃ sinísiíl ng̃ masamang̃ pamamalakad, ay palagì niyáng̃ ipinakilala sa kanyáng̃ mg̃a pamamahayag; na ang̃ pagkahilig niyá sa pagtiwaláng̃ at paglayà, ay lubós bagá mang̃ ang̃ gayón ay talagáng̃ kasalanang̃ pinag-uusig at ikinábibitay ng̃ panahóng̃ yaón ng̃ kalupitan.
At ang̃ talagáng̃ maáasahang̃ bung̃ang̃ hinóg ng̃ gayón gawî ay sumapit at niyaóng̃ 1888 na rin ay ipinagsakdal siyá sa kasalanang̃ «Filibusterismo»; nang̃ kanyáng̃ mátunugán, kapagkaraka at yáyamang̃ ang̃ kanyáng̃ ulo sa gayóng̃ kasalanan ay nagáamóy bang̃káy ay tumakás siyáng̃ agád at sa Espanya na rin nagtung̃o, upáng̃ doón pasimulán ng̃ ubos kaya ang̃ pakikibaka sa mg̃a kaaway ng̃ ating̃ pagtiwaláng̃ sa kapang̃yarihang̃ kastílà.
Asawa at dalawang̃ anák, kaginhawahan at ang̃kán ay linisán niyáng̃ waláng̃ balino at umasang̃ ang̃ kanyáng̃ háng̃arin ay banál sa gayóng̃ pagyao. Sa Espanya ay itinatag niyá ang̃ kanyáng̃ kapisanan ng̃ «Solidaridad Filipina» sa Barselona niyaóng̃ 1889. Ang̃ kapisanang̃ yaón ay magmimithî ng̃ mg̃a kabaguhan ng̃ pamamalakad dito sa Pilipinas.
Pinamatnugutan niyá ang̃ kapuripuring̃ pahayagang̃ «La Solidaridad» na itinatag doón ni G. Graciano López Jaena, at siyá'y kinatulong̃ niná Dominador Gómez, Fernando Canon, Antonio Luna, José Rizal, Mariano Ponce at iba pang̃ mg̃a bayaning̃ pilipino noón, na sa pamamagitan ng̃ utak at panitik ay bumuwag niyaóng̃ matandáng̃ kapang̃yarihan ng̃ mg̃a harì dito sa Pilipinas.
Ang̃ kalakhán ng̃ kanyáng̃ pusò, katapang̃ang̃ maglahad ng̃ katuwiran niyáng̃ ináakalang̃ apì, at ang̃ katayugan ng̃ kanyáng̃ paláisipán ay naging̃ sanhî ng̃ lúbusang̃ paghang̃à sa kanyá ng̃ kapanalig at kaaway man sa paghihimagsík na yaón na lubháng̃ kasakitsakit.
Ang̃ salapî ng̃ kanyáng̃ ang̃kán ay nahughóg, ang̃ kanyáng̃ mg̃a anák ay hindî na mulî pang̃ nákita at nagdanas ng̃ lalong̃ kakilákilabot na kahirapan sa silong̃ ng̃ ibang̃ lang̃it, upáng̃ ang̃ katuwiran ng̃ bayan ay pátuluyan at waláng̃ sagwíl na maipagtang̃gól.
Sumakabiláng̃ buhay si G. Marcelo H. del Pilar niyaóng̃ iká 4 ng̃ Hunyo ng̃ taóng̃ 1896 sa gitnâ ng̃ isáng̃ karálitaang̃ hindî madalumat.
Páhiná 85Biláng̃ pagkilala ng̃ Bayang̃ Pilipinas sa kanyáng̃ waláng̃ kamátayang̃ mg̃a gawâ, ay ipinasyá na ang̃ kanyáng̃ labí ay kunin sa líbing̃ang̃ kanyáng̃ pinagpapahing̃alayán ng̃ ganáp, at ng̃ayón ay nasa líbing̃an na ng̃ mg̃a Bayani dito sa Maynilà, upáng̃ ang̃ mabuting̃ alala noón ay maging̃ isáng̃ mabutíng̃ halimbawà sa ating̃ mg̃a bagong̃ sibol.
Kapuripuring̃ halimbawà na gaya ng̃ pamana ni Marcelo H. del Pilar ay hindî dapat maparam sa alin mang̃ pusong̃ Tagalog, yáyamang̃ ang̃ lahát niyáng̃ punyagi ay iniukol lamang̃ sa ikalálayà ng̃ Bayan at hindî sa kaginhawahang̃ sarili.
Talagáng̃ ang̃ mg̃a tunay na Bayani ay hindî naghíhintáy ng̃ ganting̃palà sa kanyang̃ mg̃a gawâ at sikáp, at sukat na yaóng̃ kasiyaháng̃ loób na dinadanas ng̃ taóng̃ gumágawâ ng̃ tunay na udyók ng̃ budhî ang̃ siyá niyáng̃ naging̃ katulong̃ sa mahabang̃ panahón niyáng̃ ipinakibaka; ng̃uni't ang̃ mg̃a taong̃ bihasa ay nasísiyahán namáng̃ magáral sa kaniláng̃ mg̃a kadakilaan, sapagká't ang̃ mg̃a diwang̃ gaya ng̃ kanilá ay talagáng̃ maliwanag na sulô na nagpapanuto sa mg̃a liping̃ sumisipót sa isáng̃ lalong̃ maginhawang̃ kabuhayan.
Mapalad ang̃ mg̃a bayan na bagá mang̃ waláng̃ gaanong̃ maipagmalakí sa kanyáng̃ likás na pagkabayan mátang̃ì sa kasikapan ng̃ kanyáng̃ mg̃a anák, ay sibulan ng̃ bayani ng̃ katauhan na nakagígimbál at nakapang̃guguhò ng̃ kalupitán at pang̃aaliping̃ nakapipigil sa táhasáng̃ ikaúunlád ng̃ mg̃a bayan at mg̃a tao.
At gaya ng̃ sabi ni Dr. Dominador Gómez, si Marcelo H. del Pilar—anyá—ay isáng̃ «mabuting̃ tao» at sa kanyáng̃ diwà ay dî nagkákapuwáng̃ ang̃ anó mang̃ masamáng̃ adhikâ, sapagká't sa kanyáng̃ pusò ay nagsísikíp ang̃ wagás na pag-ibig sa Tinubuang̃ Lupà.»
Niyaong̃ iká 22 ng̃ Marso ng̃ taóng̃ 1863, sa silong̃ ng̃ masayáng̃ Lang̃it ng̃ Baliwag, sa bayan ng̃ magagandá at mabibining̃ dalaga na nápabalità ng̃ gayon na lamang̃, ay doón nakákita ng̃ unang̃ liwanag ang̃ kababayang̃ Mariano Ponce, isá sa tatlóng̃ tung̃kô ng̃ mithíng̃ kalayaan nitóng̃ lupaíng̃ pinaggugulan nilá ng̃ lahát ng̃ punyagî at pagsasakit.
Ang̃ kabataan niyá ay maagang̃ iminulat sa pagaaral sa bayang̃ sarili at nang̃ makatapos siyá ng̃ mg̃a páng̃unahíng̃ pagáaral ay lumipát siyá sa San Juan de Letrán hang̃gá sa niyaóng̃ 1885, ay kanyáng̃ tinang̃gáp ang̃ katibayan ng̃ pagká «Bachiller en Artes»: Nagpatuloy siyá ng̃ pagáaral ng̃ pagká Mang̃gagamot sa Páaralang̃ madlâ ni Sto. Tomás sa loób ng̃ dalawáng̃ taón at sa «Universidad Central de Madrid» niyá tinapos ang̃ násabing̃ karunung̃an, kun saán niyá nátamó ang̃ katibayang̃ pagká «Doctor en Medicina».
Naging̃ maginhawa sana ang̃ kanyáng̃ buhay kung̃ ang̃ kanyang̃ pagká Mang̃gagamot ay iniukol niyá sa sarili ng̃uni't ang̃ gayón at hindî niyá ginawâ, at ang̃ hirap at sakít na kasalukuyan ng̃ bayan na nang̃áng̃ailang̃an ng̃ lalong̃ mabibisang̃ lunas ay siyáng̃ pinagubusan ng̃ punyagî.
Si Mariano Ponce ay náhilig ng̃ gayón na lamang̃ sa paglilináng̃ ng̃ mg̃a kabaguhang̃ hiníhing̃î ng̃ panahóng̃ yaón at siyá ay umánib sa mg̃a kababayang̃ nang̃anánahanan sa Madrid; upáng̃ doón ay himagsikín ang̃ Pámahalaán sa pusò ng̃ kanyáng̃ Pang̃ulong̃ Bayan, sa loób ng̃ kapisanang̃ kaniláng̃ bininyagáng̃ «Asociación Hispano-Filipino». Si Mariano Ponce ang̃ siyáng̃ nanúng̃kuláng̃ kuláng̃ kalihim noón hang̃gáng̃ sa sumapit ang̃ taóng̃ 1896, taón ng̃ malakíng̃ mg̃a pagbabago sa Kapuluang̃ Pilipinas at simulâ ng̃ mg̃a bagong̃ tudlíng̃ ng̃ kanyáng̃ kasaysayán sa pagkábansâ.
Naging̃ tagabanság ng̃ Kapisanang̃ Hispano-Filipino ang̃ «La Solidaridad» at si Ponce ang̃ naging̃ tagapang̃asiwà noón, samantaláng̃ si Graciano López Jaena ang̃ siyáng̃ Namatnugot. Ang̃ pamagát na «Naning̃» kanyáng̃ mg̃a tudlíng̃.
Nang̃ ang̃ Himagsikan ay mábunyág na sa atíng̃ Kapuluán, sapagká't si Ponce ay kilaláng̃ isáng̃ tanyág na pilipino at mahilig sa mg̃a kabaguhang̃ kaniláng̃ tuwî na'y linináng̃ ay dinakíp siyá pagdaka at ibinilang̃gô, ng̃uni't dî siyá nagtagál at pagkalipas ng̃ dalawáng̃ araw ay pinalayà siyá at ang̃ kanyáng̃ minainam ay ang̃ lumayóng̃ agád at lumipat na ng̃â sa Hong̃kóng̃. Pagdating̃ Páhiná 87niyá roón at iláng̃ araw pa lamang̃ ang̃ karáraán, ay nagtatag silá roón ng̃ isáng̃ Lupon na ang̃ layunin ay magsumikap ng̃ ikapagtatagumpáy ng̃ Hímagsikan; si Ponce ay naging̃ isáng̃ masugid na kagalawád noón.
Nang̃ ang̃ Presidente Aguinaldo ay sumapit sa Hong̃kóng̃ dahilán sa «Pacto de Biak na Bató» si Ponce ay siyáng̃ naging̃ Kalihim at ang̃ tung̃kuling̃ itó ay kanyáng̃ ginampanán hang̃gáng̃ sa si Aguinaldo ay muling̃ manumbalik sa Pilipinas niyaóng̃ 1898, upáng̃ ipagpatuloy ang̃ Paghíhimagsik.
Nang̃ mg̃a panahóng̃ yaón ay si Ponce rin ang̃ Kinatawang̃ panlabás magsikan sa Pilipinas.
Sa pagnanasang̃ mapagaralan ang̃ mg̃a kanugnóg na lupaín ay naglayág si Ponce at dinalaw ang̃ Indo-China, Cabodhe, Canton, Shanghai, at kanyáng̃ sinikap na mákilala ang̃ mg̃a kaugalian at ang̃ mg̃a katang̃ian ng̃ nang̃ásabing̃ bayan. Naging̃ kaibigan siyá ng̃ mg̃a litáw na tao roón at ng̃ mg̃a tanyág na kawaní ng̃ kanikaniyáng̃ Pámahalaán.
At kahit siyá malayô sa sariling̃ lupa ay hindî niyá iwinalay kahit saglít man lamang̃ ang̃ marubdób niyáng̃ pagibig sa sariling̃ bayan, kayá't pagkaraán ng̃ mahigít na dalawampuó't anim na taóng̃ pagkakáwalay at pakikipamayan sa mg̃a ibá't ibang̃ lîpì at kaugaliang̃ tao ay mulî siyáng̃ umuwî sa sarili at sa kanyáng̃ pagbalik na itó ay naging̃ Patnugot siyá sa Páhayagáng̃ «El Renacimiento» at buhat sa mg̃a tudlíng̃ ng̃ násabing̃ páhayagán ay kanyáng̃ ipinagpatuloy ang̃ kanyáng̃ nasimulán nang̃ pagsisikap ng̃ ikaliligaya ng̃ kanyáng̃ iniibig na Pilipinas.
Niyaóng̃ 1909, ang̃ kanyáng̃ mg̃a kalalawigan sa Bulukán biláng̃ tumbás sa kanyáng̃ pagsasakit ay tulad pa íisáng̃ taong̃ tinang̃kilik ang̃ kanyáng̃ pagnánasang̃ magling̃kód sa tinubuang̃ lupà sa loób ng̃ Kapulung̃ang̃ Bayan at siyá'y ihinalál na Sugò roón upáng̃ kumatawan sa Lalawigang̃ Bulakán sa Gusalì ng̃ mg̃a Batás.
Nagíng̃ Kalihim na Pang̃kalahatán si Ponce ng̃ Pang̃kating̃ Nasiyonalista at kasang̃gunì ng̃ Lupon tagaganáp. Si Ponce ay isá sa mg̃a nagtatag ng̃ Páhayagáng̃ «El Ideal», na siyáng̃ tagapamanság ng̃ Lapian niyáng̃ kináaaniban.
Sa kabilâ ng̃ pakikipamiyapis na mahigit na limampuóng̃ taón at pagkatapos na maipakilala ang̃ lalong̃ malakíng̃ pagtatapát sa mg̃a mahahalagáng̃ símulain ng̃ pagkámang̃híhimagsík, ang̃ kaibigan at kinatukatulong̃ ni Dr. Rizal at ni Gat Marcelo H. del Pilar, niyaóng̃ Mayo ng̃ taóng̃ 1918, ay namatáy sa Hong̃kóng̃ ng̃uni't ang̃ kanyáng̃ bang̃káy ay itinawid dito sa Pilipinas at siyá'y ilinibíng̃ sa Libing̃ang̃ Hilagà.
Tang̃î sa lubhang̃ marami niyáng̃ nasulat sa mg̃a Páhayagán ay kumathâ rin naman siyá ng̃ isáng̃ aklát na pinamagatáng̃ «Sun Yat Sen», na kinápapalooban ng̃ kasaysayan ng̃ nagtatag ng̃ Pámahalaáng̃ Páhiná 88Republikano sa Kainsikán. Si Ponce ay isáng̃ matalik na kaibigan ni Dr. Sun Yat Sen, niyaóng̃ dakilang̃ insik na nagguhò ng̃ kapang̃yarihan ng̃ mg̃a Harî sa kaniláng̃ lupain.
Kung̃ isáng̃ araw áy mápasa Baliwag kayó at makáisip magmalas ng̃ mg̃a katagítang̃ing̃ tikmâ ng̃ mg̃a tagaroón, na nagbabadhâ ng̃ sipang̃, tiyagâ at punyagî, na tuwî na'y kaniláng̃ ikinatang̃î sa mg̃a ibang̃ lalawigan, ay gunamgunamin ninyóng̃ sa lupaing̃ yaón ay doón sumilang̃ ang̃ isá sa tatlóng̃ tung̃kô na kinasasaligan ng̃ lahát ng̃ biyayang̃ ating̃ tinátamasa ng̃ayón.
Si Ponce ay tunay na kabilang̃ sa mg̃a kawal ng̃ sandaigdigan.
Ang̃ pagúukulan natin ng̃ayón nitóng̃ iláng̃ katagâ ay anák ng̃ makasaysayang̃ Naic, lalawigan ng̃ Kabite, niyáng̃ lalawigang̃ nagiing̃at ng̃ mg̃a kilusáng̃ pawang̃ tung̃o sa ikaúunlád at ikatitimawà ng̃ bayan natin sa kapang̃yarihang̃ banyagang̃ nakasásakop.
Ipinang̃anák si mang̃ Pascual, gaya ng̃ karaniwang̃ tawag sa kanyá, niyaóng̃ iká 17 ng̃ Mayo ng̃ taóng̃ 1857. Buan ng̃ mg̃a bulaklák palibhasà ang̃ kanyáng̃ isinilang̃, kayá't ang̃ kanyáng̃ diwà ay namúmulaklák din namán sa saganang̃ mg̃a likhâ na pawang̃ ng̃ayó'y pinakíkinabang̃an na ng̃ kanyáng̃ mg̃a kababayan.
«Walâ ng̃ taong̃ gaya niyá marahil—anáng̃ Taliba niyaóng̃ iká 7 ng̃ Pebrero ng̃ 1921—saganang̃saganà sa isip ng̃ sarisaring̃ akalà at balak. Ang̃ Monumento kay Rizal sa Luneta, ang̃ pagtatatag ng̃ pang̃kating̃ independista, ang̃ pagkakaroón ng̃ sariling̃ Bang̃ko, ang̃ pagpapadalá ng̃ mg̃a pensionado sa América at marami pang̃ balak diyáng̃ ng̃ayó'y isá nang̃ katotohanan, patí na nitóng̃ «Pagdiriwang̃ sa ikaapat na raáng̃ taóng̃ pagkakátuklás sa Pilipinas» ay pawang̃ galing̃ sa kanyáng̃ utak. At waláng̃ kilusáng̃ nábabago nang̃ dî siyá kahalò.»
Isáng̃ katotohanang̃ hindî matátawaran na ang̃ lahát halos ng̃ malalakíng̃ kilusán sa pagunlád ng̃ Pilipinas ay may kinálaman ang̃ ating̃ si mang̃ Pascual, maging̃ sa mg̃a kilusán sa kapamayanán at magíng̃ sa náuukol sa sariling̃ wikà, lalò na sa atíng̃ Pámahayagán na máituturing̃ na si Poblete ay amá nitó sa paglalaganap rito sa ating̃ lupían.
Ang̃ kanyáng̃ unang̃ tudlíng̃ na pambukás sa pusò ng̃ ating̃ bayan ay ilinathalà niyá sa «La Oceanià Española» niyaóng̃ taóng̃ 1879 nang̃ kasalukuyan pa lamang̃ siyáng̃ tumátahak sa gulang̃ na 22 taón, at sa Páhayagáng̃ itó ay nagling̃kód siyá hang̃gang̃ sumapit ang̃ taóng̃ 1889; sampuóng̃ taóng̃ sinkád.
Buhat sa Páhayagáng̃ yaón niyá binukò ang̃ pagkakaroón dito sa Pilipinas ng̃ isáng̃ Páhayagáng̃ dalawang̃ wikà: Kastilà at Tagalog at salamat sa pasisimunò ng̃ dakilang̃ Marcelo H. del Pilar ay itinatag ang̃ Páhayagáng̃ «Diariong̃ Tagalog» niyaóng̃ 1882, iká 2 ng̃ Mayo, na kung̃ saán nagpasimulâ ng̃ paghahasík ng̃ mg̃a binhíng̃ mapapakinabang̃ na bagá mang̃ dî kinálugdán ng̃ mg̃a kastilà ng̃ panahóng̃ yaón ay nagtamó namán ng̃ pagkakaligà ng̃ mg̃a kababayan natin.
Ang̃ «Diariong̃ Tagalog» ay siyáng̃ tang̃ing̃ tagapamanság ng̃ mg̃a mithiin sa isáng̃ bagong̃ páng̃araping̃ kahilihili Páhiná 91at sa Páhayagáng̃ itó ilinathalà ng̃ Dakilang̃ Tagalog, si Gat Rizal, ang̃ kanyáng̃ «Amor Patrio», at dito rin namán nang̃agsilapì ng̃ pagtataguyod ng̃ dakilang̃ adhikâ, ang̃ pinakamaraming̃ mairugin sa sariling̃ kalayaan, at sa dahong̃ Tagalog nitó sumulat at naglaganap ng̃ mg̃a bagong̃ tánawin sa ating̃ bukas noón, na ng̃ayó'y tinatamasa na, ang̃ marilág na si Pascual H. Poblete.
Nagíng̃ tagapang̃asiwà ng̃ «Revista Popular» at mánunulat din namán dito, na kanyáng̃ pinaglathalaan ng̃ lalò niyáng̃ mapapakinabang̃ na mg̃a tudlíng̃ tung̃kól sa mg̃a karaniwang̃ karunung̃an na dagliang̃ naisásagawa sa bahay, at sa katotohanan, ang̃ Páhayagáng̃ yaón ay munakalà niyá, kayá't ang̃ ating̃ Plaridel ay kinatulong̃ din namán niyá rito sa paglalathalà ng̃ mg̃a tudling̃ na may kinálaman sa mg̃a babae at sa mg̃a Páaraláng̃ bayan.
Nagíng̃ mánunulat at tagapaghulog sa ibáng̃ wikà ng̃ Páhayagáng̃ «Revista Católica de Filipinas» at ng̃ «Patnubay ng̃ Católico» at isá rin sa nang̃agtatag nitó at masugid na tagapaglaganap ng̃ mg̃a karunung̃an, siníng̃ at hanap buhay.
At pinápalad mandín sa anyayang̃ yaón ng̃ mabuting̃ Talà, kayá't sa kauntíng̃ naíimpók na salapî sa kanyáng̃ mg̃a Páhayagán ay panibago na namang̃ minunakalà ang̃ isáng̃ malayang̃ Páhayagán na pinamagatang̃ «El Resumen», sa Páhayagáng̃ itó náipakilala ni Poblete ang̃ kanyáng̃ katusuhang̃ manlinláng̃ sa mg̃a nakaabáng̃ na talibà ng̃ «Censura», sapagká't nagawâ niyáng̃ makapaghandóg ng̃ mg̃a kalugódlugód na tudlíng̃ na tumátawag sa pintuan ng̃ diwà ng̃ kanyáng̃ mg̃a kalahì, nang̃ dî mán siyá nápansín ng̃ mg̃a kaaway ng̃ ating̃ kasarinlán.
Waláng̃ alinlang̃ang̃ matítiyák na ang̃ «El Resumen» ay siyáng̃ naglagáy ng̃ matibay na sáligan ng̃ ating̃ paghíhimagsík, gaya ng̃ pinatútunayan ng̃ mg̃a katagáng̃ itó na kanyáng̃ ilinathalà niyóng̃ iká 12 ng̃ Hunyo ng̃ 1892: «Magáng̃lalapì tayóng̃ nagang̃kakaisá sa usapíng̃ sarili at bakahin natin ang̃ mg̃a kabalbalán at paghihinalà niyaóng̃ mg̃a nagnánasang̃ ang̃ lalawigang̃ kastilang̃ itó ay «maging̃ kutang̃ lumà ng̃ matandáng̃ kaugalian», at dî man nilá nágugunitâ na ang̃ dî mapigilang̃ pagunlád, sa kanyáng̃ banayad na kilos ay nagbúbukás ng̃ landás sa lahát ng̃ dako at ginigipò ang̃ sino mang̃ sa kanyáng̃ paglakad ay sumagabal.»
Itinatag din namán niyá ang̃ «El Bello Sexo» niyaóng̃ Enero ng̃ 1891, at niyaóng̃ iká 11 ng̃ gayón ding̃ buan ng̃ 1893 ay lumuwál sa maliwanag ang̃ isá pang̃ Páhayagáng̃ kanyá ring̃ likhâ na pinamagatáng̃ «El Hogar» at nagíng̃ katulong̃ ng̃ balitang̃ «Pliegong Tagalog» na nagbábanság ng̃ lalong̃ maháhalagáng̃ pagbaka sa ating̃ mg̃a kaaway.
Nang̃ siyá ay ipatapon sa Espanya, ay nagíng̃ mánunulat ng̃ «El Progreso» nagíng̃ katulong̃ sa «El Pais» at sa Páhayagáng̃ pilipino roón na may pamagát na «Revista de Ultramar» na ilinathalà sa kakastilaan Páhiná 92ng̃ kilalang̃ «bibliógrafo» na si G. Manuel Artigas y Cuerva.
Nápakamahimalâ ang̃ pagunlád ng̃ ating̃ bayan ng̃ mg̃a panahóng̃ ito na sa isáng̃ igláp lamang̃ halos, ay nagipò ang̃ tatlóng̃ dáanang̃ taóng̃ kaalipinán at niyaóng̃ 1889 na mulíng̃ magbalík sa lupang̃ sarili, si mang̃ Pascual, ay naglathalà ng̃ isáng̃ bagong̃ Pahayagáng̃ pinamagatáng̃ «El Grito del Pueblo» at «Ang̃ Kapatid ng̃ Bayan» na tumagál hang̃gáng̃ taóng̃ 1907 at sunódsunód na itinatag ang̃ «Rizal», «Aurora» at «Filipinas» mg̃a ling̃guhang̃ nápabanság din, at pagkatapos ay ang̃ revista «Cervantes».
Sa pagkámandudulá, si mang̃ Pascual ay naging̃ isáng̃ talà na lubháng̃ maning̃níng̃, siyá ang̃ may akdâ ng̃ Dr. Jose Rizal—El Concejo de los Dioses, na kanyáng̃ ipinalimbág at linagdaán ng̃ pamagát na López Blás Hucapte (Pascual H. Poblete); at sa pagtatang̃hál ng̃ kanyáng̃ Ang Pagibig sa Tinubuang Lupa (El amor Patrio) ay sinagasà sa tang̃halan ng̃ nasirang̃ si kapitáng̃ Lara ng̃ Policía dito sa Maynilà ang̃ tagpô na pinagtátang̃halán ng̃ ating̃ kaakitakit at pinagpalang̃ watawat, at hinandulong̃ ang̃ máning̃ning̃ (artista) na may hawak noón, at sinambilat na waláng̃ patumang̃gâ ang̃ tatlóng̃ kulay na kumatawán sa atíng̃ kabansaán, at si mang̃ Pascual ay dinakíp na gaya ng̃ isáng̃ sálarín dahilán sa kanyáng̃ «Pagibig sa Tinubuang̃ Lupà» na itinátang̃hál at kinagiliwan ng̃ madlâ.
Talagáng̃ ang̃ magigiting̃ ay dî nátatahimik at kayakap na lagì ng̃ mg̃a katiisan; niyaóng̃ gabíng̃ yaón ay tinahak na naglálakád ang̃ mg̃a lansang̃an dito sa Maynilà, na naáakibatan ng̃ mg̃a pulís at ihinaráp siyá sa tang̃gapan ng̃ Henerál Otis.
Kinákailang̃an ang̃ isáng̃ katigasán ng̃ loób na di karaniwan upáng̃ ang̃ mabuting̃ gawà ay máipatuloy nang̃ mg̃a panahóng̃ yaón, at si Poblete ay dî nabalino muntík man, laging̃ patuloy na animo ay waláng̃ pang̃anib.
Hindî pa mandín nang̃hihinawà ang̃ diwang̃ yaón na mapaglikhà at niyaóng̃ iká 30 ng̃ Disyembre ng̃ taóng̃ 1913 ay pinaluwál sa maliwanag ang̃ «Día Filipino» na kung̃ saán nápalathalà ang̃ mg̃a waláng̃ kamatayang̃ bung̃a ng̃ panitik ng̃ ating̃ dakilang̃ Rizal. At dî pa sukat ang̃ lahát ng̃ nábang̃gít, ay ilinathalà pa rin ng̃ kanyáng̃ mayamang̃ diwà ang̃ «La Exposición Oriental de Filipinas», ang̃ «Crédito Agricola» at «El Oriente» mg̃a Páhayagáng̃ kinálulanan ng̃ kanyáng̃ mg̃a waláng̃ pagál na pagwawarì hang̃gáng̃ sa ang̃ kamatayan na dî man nágugunitâ ay dumalaw sa kanyáng̃ táhanan upáng̃ ulilahin ang̃ labing̃dalawáng̃ anák at isáng̃ banyagang̃ aliw at kasayahan.
Itó'y nang̃yari isáng̃ tang̃haling̃ mainit ng̃ Pebrero, ikalimáng̃ araw ng̃ taóng̃ 1921, sanhíng̃ ang̃ lahát halos ng̃ Páhayagán ay parang̃ ginimbál sa dî ináantabayanang̃ pang̃yayari, nang̃agputós ng̃ luksâ ang̃ boóng̃ bayanang̃ matalino at sampuô ng̃ mg̃a kastilang̃ dating̃ mg̃a kaaway ay Páhiná 93nang̃agsiluhà rin gaya ng̃ lathalà ng̃ «El Mercantil» na—anyá: «Era un gran talento y un enorme trabajador, y ha hecho por su Patria obra fecunda con el pensamiento y con la pluma, con la voluntad y con la acción. Si la justicia fuese moneda corriente en el mundo esta desgracia promovería un duelo nacional».
Sa lubháng̃ maraming̃ Páhayagáng̃ kanyáng̃ linikhâ, itinatag at pinaglaganapan ng̃ kanyáng̃ mg̃a kaisipán ay máidaragdág ang̃ mg̃a katháng̃ sumusunód:
«Pagsisiyam sa Nuestra Señora de Loreto», «Buhay ni San Vicente de Ferrer» (hang̃o sa Flos sanctorum ni P. Rivadeneira) «Uliran ng̃ Kabaitan» ó Buhay ni Patricio Horacio, «Buhay ni San Isidro Labrador»; tinagalog ang̃ «Noli Me tangere» at «Filibusterismo» ni Dr. Rizal; sinulat ang̃ «Patnubay ng̃ Pagsintá» ... «Lucrecia Triciptino» at ibá pang̃ lubháng̃ maraming̃ mátutukoy.
Gaya ng̃ dapat mang̃yari si Poblete ay hindî tumakwíl sa pagnanasang̃ magsarilí ang̃ ating̃ bayan gaya ng̃ pinatútunayan ng̃ lahát niyáng̃ lathalà, kayá't dî rin namán náligtaán ng̃ mg̃a kaaway natin, nang̃ ang̃ unang̃ hiyáw ng̃ layà ay saliwán na ng̃ mg̃a hagunót ng̃ pung̃lô sa Balintawák, at si Poblete ay kagyát ipinadakíp at ilinulan sa bapor «Manila» upáng̃ ibilang̃gô sa Seuta, hang̃gáng̃ sa mg̃a unang̃ araw ng̃ Enero ng̃ 1897.
Sa kanyáng̃ pang̃arawaraw na talâ ay nábabasa ang̃ gayari: «Sa loób ng̃ 37 araw na aming̃ ipinaglayág ay natátalian akó ng̃ abot siko».
Pinagúukulan ng̃â namin ng̃ munting̃ ulat na itó ang̃ amá ng̃ Pahayagan sa Pilipinas, ang̃ waláng̃ pagál na manlilikhâ at diwang̃ waláng̃ sawà sa pagmumunukalà ng̃ ágarang̃ ikatutubós ng̃ Bayang̃ Tinubuan.
Náriyan ang̃ isáng̃ maning̃níng̃ na huwaran ng̃ mg̃a nagsísisiból.
Kung̃ isáng̃ araw ay makasapit kayo sa Libing̃an sa Hilagà at ang̃ bantayog kay Poblete ay inyóng̃ mákita, ay alalahaning̃ ang̃ mg̃a labíng̃ doó'y nálilibíng̃ ay ang̃ labí ng̃ isáng̃ tapát na anák ng̃ Tinubuang̃ Lupà.
Sa kanyáng̃ alabók nawâ, na mulíng̃ nanúnumbalik sa pinang̃galing̃an, ay sumibol ang̃ lalong̃ kawiliwiling̃ simoy na makayayakag sa inyó na siyá ay uliranín tuwî na.
Siyá ay isáng̃ mabuting̃ amá, tapát na asawa at mabuting̃ anák, at higít sa lahát ng̃ itó, siyá ay isáng̃ mámamayáng̃ kahilihili.
Iuulat namin ng̃ayón ang̃ buhay ng̃ isáng̃ anák Pilipinas na kaipalà ay siyáng̃ lalong̃ dapat na ipagmalakí ng̃ ating̃ bayan sapagká't siyá'y buhat sa amá at ináng̃ mg̃a kastilà, at waláng̃ pinang̃háhawakan ang̃ kanyáng̃ pagká pilipino kundî ang̃ siyá ay pinalad na dito sumilang̃ niyaóng̃ iká 17 ng̃ Hunyo ng̃ taóng̃ 1863, sa loób ng̃ Maynilà, Pang̃ulong̃ bayan nitóng̃ kapuluán.
Ang̃ una niyáng̃ pagáaral ay ginanáp sa ilalim ng̃ pamamatnugot ng̃ mg̃a Hesuitas, ng̃uni't sa iláng̃ taón pa lamang̃ ng̃ pagáaral ay nagkasakít na at sa tagubilin ng̃ mg̃a mang̃gagamot ay napilitang̃ ilayag sa kabiláng̃ dagat at sa Barselona na nagtapós ng̃ mg̃a símulaing̃ pagáaral.
Niyaó'y magwáwalóng̃ taón pa lamang̃ ang̃ gulang̃ ng̃ batang̃ si Del Pan, at musmós pa ay námulat Páhiná 95sa Espanya na kung̃ saan nákita ang̃ mg̃a tiwalíng̃ palagáy sa mg̃a, pilipino na kanyáng̃ kababayan, sapagká't sa Pilipinas siyá nakákita ng̃ unang̃ liwanag.
Kailán man ay dî niyá tinulutan ang̃ sino man na siyá ay tawaging̃ kastilà at lubos niyáng̃ ipinagmalakí ang̃ bayang̃ itó ng̃ mg̃a Lakán at bayaning̃ mairugín tuwî na sa alin mang̃ bagay na makabubuti sa kaniláng̃ bayan at lipì.
Nagbalík sa Pilipinas upáng̃ dito ganapín ang̃ pang̃alawáng̃ bugsô ng̃ pagáaral at sa «Colegio de San Juan de Letran» tinang̃gáp ang̃ katibayang̃ «Bachiller en Artes». Lumipat sa Páaralang̃-madlâ ni Santo Tomás at dito nagáral ng̃ «Derecho» at sa ikaapat na taón pa lamang̃ ay napilitan na namáng̃ bumalík sa Espanya niyaóng̃ 1884, at sa «Universidad Central» sa Madrid tinapos ang̃ nálalabí pang̃ pagáaralan upáng̃ tamuhin ang̃ katibayang̃ «Licenciado en Jurisprudencia» na ilinagdâ niyaóng̃ buwan ng̃ Hunyo ng̃ taóng̃ 1885.
Pagkalipas ng̃ isáng̃ taón at kalahatì, at alang̃alang̃ sa kanyang̃ katháng̃ «Los efectos Jurídicos de la ignorancia del Derecho» ay tinang̃gáp niyá ang̃ katibayang̃ «Doctor». Niyaóng̃ panahóng̃ yaón ay kasalukuyan siyáng̃ kalihim ng̃ «Ateneo de Madrid» kung̃ saan siyá laging̃ nakipagtung̃galian at nagtang̃gól sa ikapagtátamó ng̃ mg̃a kabaguhan tung̃o sa paglayà sa kapakinabang̃an ng̃ Pilipinas, dî lamang̃ sa salitâ kundî sa pamamagitan man namán ng̃ mg̃a maháhalagáng̃ tudling̃ sa tanáng̃ Páhayagáng̃ kanyáng̃ pagláthalaan ng̃ kanyáng̃ kurókuró tung̃kól sa bagay na yaón na sa ganáng̃ kanyá ay lubháng̃ kailang̃an.
Tunay ng̃â at nang̃ mg̃a panahóng̃ yaón, ang̃ mg̃a Rizal natin, Lopez Jaena, Govantes, Aguirre, Regidor, Lorente at ibá pang̃ maririlág na mg̃a pilipino ay nang̃agsísikap na rin ng̃ ikapagtátagumpay ng̃ ating̃ dakilang̃ mithî, ng̃uni't itó'y dî nakababawas sa kanyáng̃ pamumukôd, sa pang̃yayaring̃ siyá ay anák ng̃ amá at ináng̃ pawang̃ mg̃a kastilà, kaya't ang̃ kanyáng̃ mg̃a palagáy sa súliranin ng̃ bayang̃ Pilipinas ay lagì nang̃ nakababaklá sa mg̃a may hawak ng̃ ugit ng̃ ating̃ Pámahalaán.
Nanumbalik na mulî sa ating̃ sariling̃ lupà niyaóng̃ 1887 upáng̃ harapín ng̃ lúbusan ang̃ pagkáabogado, at gayon din namán ng̃ pagkamánunulat at sa «Oceania Española» na pinamatnugutan ng̃ kanyáng̃ amá, ang̃ kanyáng̃ pinaglathalaan ng̃ mahahalagá niyáng̃ tudlíng̃ na pawang̃ nakagimbal din sa mg̃a Páhayagáng̃ kampí sa Pámahalaán.
Nang̃ tawagin sa sinapupunan ni Bathalà ang̃ kagalang̃galang̃ niyáng̃ amá, si Rafael Del Pan ang̃ humalili sa pamamatnugot ng̃ «Oceania Española», at niyaóng̃ Hulyo ng̃ 1892, ay naglathalà ng̃ kung̃ ilang̃ tudlìng̃ na pinamagatan «Hay que irlo pensando» na kung̃ saan niyá ipinagtang̃gól ang̃ pagkakaroón natin ng̃ mg̃a Sugò sa Batasán, na naging̃ sanhî ng̃ mg̃a pasaríng̃ ng̃ «Diario de Manila», «La Voz Española», Páhiná 96at «El Comercio», mg̃a Páhayagáng̃ kalaban ng̃ mithî, at waláng̃ tang̃ing̃ nákatulong̃ sa sigasig na yaón, matang̃i sa «El Resumen» ng̃ ating̃ kababayang̃ si G. Pascual H. Poblete.
Nang̃ ang̃ ating̃ Dakilang̃ Bayani, si Gat Rizal, ay ipinatapon sa Dapitan, ang̃ tang̃ing̃ Páhayagáng̃ dî nagsuób ng̃ kamanyáng̃ sa Pámahalaán, ay ang̃ «Oceania Española» na naging̃ sanhî ng̃ mg̃a «ing̃os» ng̃ tanáng̃ nagbábanság na tapát sa Espanya, ng̃ mg̃a lalong̃ mabibigat na paratang̃ kay Del Pan na ikinasapang̃anib ng̃ kanyáng̃ pagkatao, ng̃uni't boóng̃ tigas na tinang̃gáp na lahát ang̃ mg̃a upasalà na sa pamamagitan ng̃ mg̃a Páhayagán ay sunódsunód na sa kanyá'y itinudlâ.
Sa kapanahunan ding̃ yaón binalak ang̃ pagtatatag ng̃ «Colegío de abogados», na kináhalalan niyáng̃ Pang̃alawang̃ Pang̃ulo, at pagkalipas ng̃ iláng̃ panahón ay náhalál siyáng̃ Pang̃ulo, niyaóng̃ bantóg na kalipunan.
Ang̃ waláng̃ sasál niyáng̃ pagbaka sa mg̃a maling̃ pamalakad ng̃ mg̃a kastilà dito sa atin, ay nakayakag ng̃ lubháng̃ maraming̃ kaaway ng̃ kanyáng̃ mithî, lalong̃ lalò na ng̃ kapisanan ng̃ mg̃a kastilà rito sa atin, anó pa't laging̃ dinaliri si Del Pan at mandin ay ipinaghihintáy lamang̃ ng̃ isang̃ kátaóng̃ ikapagbubuntó sa kanyá ng̃ poót, kayá't niyaóng̃ bagong̃ datíng̃ dito ang̃ Henerál Primo de Rivera, ay naglayág si Del Pan at tumung̃o sa Espanya, at nakipisan doón sa mg̃a punyagî ng̃ ating̃ mg̃a Arejola, Ilustre, Gabladon, Artigas, at ibá pang̃ kababayang̃ pawang̃ «naglalamay» sa ikapagtátamó ng̃ mg̃a kaluwagan ng̃ ating̃ Ináng̃ Pilipinas.
Nang̃ ang̃ Espanya at Amérika, ay magpáhayagan na ng̃ digmâ, at sa Espanya ay itatag ang̃ isáng̃ Lupon na pinamagatang̃ «Comité Filipino», siyá ang̃ nápiling̃ Pang̃ulo ng̃ násabing̃ kapisanan na binúbuô ng̃ mg̃a batikáng̃ mang̃hihimagsík. Niyaóng̃ 1899 ay lumipat sa Hong̃kóng̃ upáng̃ pumisan sa «Comité Central» at dî nalaunan at isinugò sa Amérika, na kunsaan nagpasikat na lalò ng̃ pagsasakit sa ikapagtátagumpáy ng̃ dakilang̃ mithî ng̃ bayan.
Nanumbalik sa Pilipinas niyaóng̃ 1903 upáng̃ mabuhay ng̃ tahimik sa panunung̃kulang̃ abogado, ng̃uni't hinihing̃i sa kanyáng̃ muling̃ magsulit ng̃ «Corte Suprema», at ang̃ gayó'y ginampanán niyá at nakakuha ng̃ isang̃daáng̃ punto, kátaástaasang̃ bilang̃ sa pagsusulit na mátatamó sa gayóng̃ pagsukat ng̃ kakayahán. Ang̃ kanyáng̃ pang̃alan sa pagkáabogado ay nagsikíp sa Pilipinas at siyá ay naging̃ kapisan ng̃ bupeteng̃ lalong̃ bansáng̃ na nákilala sa tawag na «Del Pan, Ortigas, Pischer». Siyá ay isá sa pinagsang̃guniang̃ lagi ng̃ Pámahalaán sa pagbili ng̃ mg̃a lupaing̃ praile.
Hindî nasiyahán nang̃ maging̃ siyá ang̃ sanhî ng̃ pagkakatatag ng̃ «Colegio de Abogados» at ninais na dagdagán pa ng̃ isáng̃ lalong̃ malaking̃ likhâ, at kanyáng̃ sinikap na magkaroón tayo ng̃ «Cámara de Páhiná 97Comercio de Filipinas» at ang̃ gayó,y nagíng̃ isáng̃ pang̃yayari.
Bilang̃ kinatawán ng̃ Lapiang̃ «Unión Nacionalista», ay linagdaán niyá niyaóng̃ iká 12 ng̃ Marso ng̃ 1907 ang̃ katibayan ng̃ pagiisá ng̃ mg̃a Lapiang̃ «Unión Nacionalista» at ng̃ «Independista» upáng̃ mákilala na lamang̃ sa tawag na «Partido Nacionalista», at ang̃ sáligan ng̃ násabing̃ bagong̃ Lapian ay masásabing̃ halos nagbuhay sa kanyáng̃ bantóg na panitik.
Ang̃ pagkákaisá ng̃ mg̃a kapisanan sa Pilipinas, magíng̃ sa kalakal, kapamayanan at Polítika, ay siyáng̃ lagíng̃ pang̃arap ni Del Pan.
Bilang̃ pagkilala sa mg̃a katang̃ian ni Del Pan ay ihinalál siyá niyaóng̃ Septiyembre ng̃ 1909 upáng̃ magíng̃ kasang̃gunì ng̃ «Comité de Coodificación» na pinang̃ung̃uluhan ng̃ Mng̃l. na Manuel Araullo, ng̃ayó'y kasalukuyang̃ Pang̃ulo ng̃ Pinakamataás na Húkuman dito sa Pilipinas. Sa Lupon ng̃ pagsisinóp na itó ay kanyáng̃ ibinunyág ang̃ mg̃a lalong̃ maselang̃ na pagáaral tung̃kól sa «Derecho Penal» at nang̃ailang̃an siyáng̃ maglakbáy sa boóng̃ daigdig upáng̃ pagtuladtularin ang̃ mg̃a batás na náuukol sa bagay na yaón. Ang̃ kanyáng̃ mg̃a palagáy at hinuhà tung̃kól sa «Derecho Penal» ay pinapurihan ng̃ bantóg na Pang̃ulo noón ng̃ Mataás na Húkuman, ang̃ Mng̃l. na Cayetano Arellano.
Sa ibabaw ng̃ lahát ng̃ tagumpáy na itó ni Del Pan, ay lumasáp din namán ng̃ mg̃a lalong̃ masasakláp na upasalà ng̃ mg̃a maing̃gítin, at siyá ang̃ nagíng̃ tudláan nang̃ mg̃a may likhâ ng̃ paghahating̃ «Filipino de Cara y Corazón» na puminsalà ng̃ gayón na lamang̃ sa mabuting̃ lakad ng̃ ating̃ mg̃a pagkating̃ polítiko.
Náriyán ang̃ isáng̃ tao, na bagá mang̃ sa kanyáng̃ mg̃a ugát ay malinaw na dugong̃ kastilà ang̃ nanánalaytáy, at bahid ma'y waláng̃ pagkapilipino matang̃ì sa kapalarang̃ dito makákita ng̃ unang̃ liwanag, ay ubos kayang̃ nagpunyagî, sa ikaúunlád ng̃ kanyáng̃ Bayang̃ Tinubuan, sa ibabaw ng̃ mg̃a upasalà ng̃ mg̃a karugô, at mg̃a kalupaín man.
Mg̃a taong̃ gaya ni Del Pan ay dî dapat mahimbíng̃ sa limot. Karapatdapat sa pagturing̃ ng̃ mg̃a kalupain sa Pilipinas na kanyáng̃ ipinagmámalakí; nitóng̃ Tinubuang̃ Lupà na pinagubusan niyá ng̃ utak at sikap, upáng̃ makasapit sa isáng̃ tunay na pagkakáisá sa pagtuklás ng̃ mg̃a mararang̃ál na mithî. Magíng̃ pagturing̃ ang̃ mg̃a talatang̃ itó sa kanyáng̃ kapuripuring̃ halimbawà.
Ang̃ káhulihulihang̃ Bantayog na iniwan ni Rafael Del Pan sa Tinubuang̃ Lupà at ang̃ «Código Correccional» na kumakaling̃à sa mg̃a katuwiran ng̃ mg̃a kulang̃ palad na nagdurusa.
Hindi maáaring̃ sulatin ang̃ kasaysayan ng̃ Pilipinas nang̃ dî mábabang̃gít ang̃ pinagpalang̃ pang̃alan ng̃ Paring̃ Tagalog na itó, yayamáng̃ sapól pa ng̃ hímagsikan tung̃kól sa mg̃a lupain niyaóng̃ taóng̃ 1822, ang̃ pang̃alan niyá ay sinambisambitlâ at nagíng̃ parang̃ ugat ng̃ sasakyáng̃ nagpápanuto sa mabuting̃ landasin.
Páhiná 99Sa kanyá utang̃ ang̃ pagkalutas ng̃ hímagsíkang̃ yaón na kaniláng̃ linagdaán ni Luis Parang̃, at ang̃ malakíng̃ usapin ng̃ mg̃a paring̃ Tagalog, na kanyáng̃ ipinagtang̃gól ng̃ ubos kaya at pinaggugulan ng̃ dî kákauntíng̃ salapî upáng̃ ipagtagumpáy sa Espanya, yáyamang̃ sa mg̃a Húkuman dito sa Pilipinas nang̃ mg̃a panahóng̃ yaón, ang̃ katuwiran ay isáng̃ balità lamang̃ na dî tinatamasa ng̃ mg̃a tubò sa sinawing̃ lupaín natin.
Tunay at ipinagtang̃gól niyá at ipinagtagumpáy sa Pang̃ulong̃ bayang̃ nakasásakop sa atin, ang̃ usapin ng̃ mg̃a paring̃ Tagalog; subalít gaya ng̃ lahát ng̃ tagumpáy ng̃ mg̃a bayang̃ nasásakupan, ay nagíng̃ tagumpáy na panandalian na dî man lamang̃ nasamantala, ang̃ panunumbalik ni Henerál García Camba at ni Matías Vizmanos, sapagká't sa loób lamang̃ ng̃ isáng̃ taón at kalahatì na itinigil dito sa Pilipinas ni Henerál Camba, ay nagawâ na ng̃ mg̃a kaaway ng̃ «Clero» na yaón ay palitán ni Henerál Ora, na may mg̃a símulaíng̃ tiwalî at dî makapagtútulot na ang̃ pagunlád ay manatili sa Pilipinas. Buhat noón magíng̃ si Vizmanos at magíng̃ si Parî Mariano Gómez, na pinagúukulan namin nitóng̃ ulat, ay nang̃apilitang̃ manumbalik sa pagpapahing̃á muna, yáyamang̃ ang̃ «lupà ay hindî handâ» sa mg̃a mithî ng̃ báyan.
Buhat sa isáng̃ mariwasáng̃ ang̃kán, si Parî Gómez ay kumita ng̃ unang̃ liwanag sa bayang̃ Sta Cruz, Maynilà, at umanó ay buhatan sa isáng̃ ang̃káng̃ Hapón na napilitang̃ pumanaw sa Pilipinas at dito ay naiwan ang̃ kaniláng̃ asaasawa at mg̃a anák niyaóng̃ dáanang̃ taóng̃ XVII.
Sa pagká Pari, si Gómez ay napabantóg ng̃ gayón na lamang̃ sa pagkámabuting̃ magpasunód, at anáng̃ mg̃a pinagsang̃gunian namin, umanó ay nang̃ siyá'y dakpin sa Bakoód at ilulan sa isáng̃ palang̃kin, ay ninasà ng̃ kanyáng̃ mg̃a kapanalig na siyá ay agawin sa mg̃a kawal, ng̃uni't nápakalaki ang̃ kanyáng̃ kapang̃yarihan sa kanyáng̃ mg̃a tao, kayá't sukat ang̃ kanyáng̃ pagkakasung̃aw sa sasakyán at sabihing̃ «Babalik akó agád sa inyóng̃ piling̃» ay mapayapang̃ nang̃agihimpil ang̃ talagáng̃ mang̃agsisiagaw sa kanyá sa kukó niyaóng̃ mg̃a ganid.
Sa imbakan ng̃ mg̃a mung̃kahi sa Katedral, ay naiing̃atan pa hang̃gá ng̃ayón ang̃ kanyáng̃ mg̃a bung̃ang̃ isip sa kanyáng̃ mg̃a pasyá, na pinakapuri ng̃ lubháng̃ maraming̃ dalubhasang̃ kapanahón at anáng̃ ibá, ay sa tatlóng̃ binitay niyaóng̃ Pebrero ng̃ 1872, ay si P. Gómez ang̃ pinaká pahám.
Tung̃kól sa katampalasanan ng̃ sa kanilá ay pagkakábitay ang̃ ating̃ Kahang̃ahang̃ang̃ Lumpó ay nagukol sa kanilá ng̃ gayaring̃ katagâ: «Ang̃ bayang̃ itó na náhimbing̃ na dáanang̃ taóng̃ at dî man lamang̃ nagpapamalay na may buhay, at lubháng̃ marami ang̃ naniwaláng̃ patáy na ng̃â, ay sinugatan ng̃ sugat na pampatáy; at sa pagdamdám ng̃ sugat na itó ay nágulang̃táng̃, nágising̃, at natahóng̃ siyá ay buháy pa palá ay may karamdaman. Bakit siyá Páhiná 100buháy, paanó nabubuhay at sa anó nabubuhay?»
«Mg̃a súliraníng̃ hininóg at boóng̃ kataimtimáng̃ ginunamgunam nang̃ dî natiyak na tugunin, ng̃uni't ang̃ mg̃a bayan ay dî lumulutas ng̃ mg̃a súliranín nang̃ ágaran, at ang̃ sandalî ng̃ paglutas ay sumapit, ang̃ paghihímagsík ay sumuplíng̃; sapagká't ang̃ binhing̃ kaniláng̃ dinilíg ng̃ kaniláng̃ mahalagáng̃ dugô ay nahulog sa mabuting̃ lupà, ang̃ marubdób na pagsambá sa kalayaan ay mulíng̃ dinamdam ng̃ bayan natin».
Bilang̃ parang̃ál sa Tatlóng̃ Pareng̃ binitay niyaóng̃ 1872 ang̃ mg̃a Katipunan, niyaóng̃ 1896, sa kaniláng̃ pagpapákilalanan ay binábang̃gît ng̃ mg̃a tagá ikalawáng̃ hanáy ang̃ gayari: «Gom-Bur-Za», banal na pálitang̃ salitâ na nagpápaning̃as ng̃ pusò, na nagbabanság ng̃ mg̃a unang̃ pantig ng̃ tatlóng̃ dakilang̃ pang̃alan.
Isáng̃ Bantayog ang̃ nitóng̃ mg̃a huling̃ kilusán ay itinayô sa bayan ng̃ Bakoód, bilang̃ parang̃ál sa kanyáng̃ pang̃alang̃ dî nalilimot ng̃ kanyáng̃ mg̃a kababayan.
Magìng̃ diwà nawâ ng̃ bayan nating̃ pinagsusung̃îtán ng̃ palad ang̃ tilamsík ng̃ iyóng̃ diwá ¡oh dakilang̃ Martir ng̃ mg̃a usaping̃ bayan!
Tátapusin namin ang̃ ulat na itó sa iláng̃ katagâ ni Dr. Rizal sa «Filibusterismo» na anya:
«Ang̃ pananampalataya sa pagtang̃ging̃ kayó'y dustaín, ay naglagáy sa áling̃lang̃an ng̃ kabuhung̃áng̃ sa inyo'y ibinubuhat.»
«Ang̃ Pámahalaán sa pang̃sisikap na ligirin ng̃ himalâ ang̃ inyóng̃ usapín, ay nagpápatunay ng̃ anó mang̃ kamaliang̃ kaniláng̃ nágawâ sa usapíng̃ yaon sa mapang̃anib na sandalî, at ang̃ boóng̃ bayanang̃ Pilipinas, sa pagting̃kalâ sa inyóng̃ alaala at pagtawag sa inyóng̃ Martir, ay táhasang̃ dî naniniwalà na kayo'y may bahid mang̃ kasalanan.»
Sinong̃ anák ng̃ Pilipinas ang̃ dî nakákikilala kay Bonifacio?
Si Andrés Bonifacio ay anák ng̃ paggawâ at dî pinalad na makápaglináng̃ ng̃ munî na gaya ng̃ mg̃a mapalad na iniwi sa duyan ng̃ kariwasaan. Anák dukhâ at sa kabataan ay naulila sa mg̃a magulang̃ na nagpapalà kayá't maagang̃ nakitalád sa buhay upáng̃ sa palihán ng̃ pang̃ang̃ailang̃àn ay makayarî ng̃ isáng̃ kálolwáng̃ nápákalakí, isáng̃ diwang̃ dî karaniwan, at isáng̃ pang̃halinang̃ katutubò na linináng̃ at pinamaibabaw sa kanyáng̃ pang̃katao.
Siyá'y tubò sa makasaysayang̃ bayan ng̃ Tundó, Maynilà, at anák ni G. Santiago Bonifacio at Gng̃. Catalina Castro. Ang̃ unang̃ liwanag ay nákita niyá noong̃ iká 30 ng̃ Nobyembre ng̃ taóng̃ 1863.
Ulila palibhasà sa gulang̃ lamang̃ na labíng̃apat na taón at may apat pang̃ kapatíd na nang̃áng̃ailang̃an ng̃ kanyáng̃ pang̃ang̃alagà ay napilitang̃ ang̃ kabuhayan ay kitain sa alín mang̃ paraán at ang̃ gayón ay kanyáng̃ tinuklás sa paghahanap buhay sa isáng̃ bahay kalakal, kina Fressel & Co., na kanyáng̃ pinaglakuan ng̃ kanyáng̃ pagliling̃kód.
Sa kahirapang̃ kanyáng̃ tinatawíd ay lalong̃ tuming̃kád sa kanyá ang̃ pagkakátuwás ng̃ mg̃a kalagayan ng̃ tao, ang̃ kaibhán ng̃ bayang̃ sakop at ng̃ nakasasakop; ang̃ kakayahán ng̃ mg̃a pinalad na nang̃agsidunong̃ sa tulong̃ ng̃ salapî, at ang̃ kaabaán ng̃ mg̃a sawî na dî makaratíng̃ sa likmuan ni Minerva sa kakulang̃án ng̃ kaya na makapaglináng̃ ng̃ munî; at sa dapat na ikáligáw ng̃ landás, ay lalong̃ nápanuto at magisáng̃ nagsamantalá ng̃ kanyáng̃ mg̃a labis na panahón sa paggawâ, at magisáng̃ ipinagaral; samantalang̃ nabúbuksán untiuntî ang̃ kanyáng̃ baít sa tang̃láw ng̃ mg̃a dakilang̃ aral na nátataluntón niyá sa malawak na kahârian ng̃ karunung̃an, ay lalò namang̃ tumíting̃kád ang̃ kanyáng̃ pagibig sa kulang̃ palad niyáng̃ Tinubuang̃ Lupà.
Páhiná 102Isáng̃ sulat na sumapit sa kamáy ni Gat Bonifacio ang̃ sa ibá't ibáng̃ bagay na sinasabí, ay natatapos sa ganitó.
«Tunay na ang̃ Bayang̃ itó (Ang̃ Pilipinas) ay apíng̃ apí at supil ng̃ isáng̃ Pámunuáng̃ tagá ibang̃ lupà; ng̃uni't mahirap at mapang̃anib na totoó ang̃ tayó'y magakalá ng̃ isáng̃ pagbabang̃on; baká pa ang̃ mang̃yari ay lalò tayong̃ mápahamak. Bayaan muna nating̃ silá ay magtamasa sa kaginhawahan».
Sa ibabâ ng̃ sulat na itó ay tinitikan ni Gat Bonifacio ng̃ gayari:
Sa pagkamánunulat si Gat Bonifacio ay nápabantóg sa mg̃a tudlíng̃ niyáng̃ linagdaan ng̃ «May Pagaasa» at «Agapito Bagumbayan».
Sísipiin namin dito ang̃ bahagi ng̃ isáng̃ tulâ niya na iniing̃atan ng̃ isang̃ mapagmahál sa kanyáng̃ mg̃a lathalà.
[1] Sa tiklop ng papel na sinipian namin ng mga talatang nasaitaas ay dî na mabasa ang hinalinhan namin ng malalaking titik P ang K.
Nagbasá ng̃ mg̃a aklát na «La Triste Italia», «Historia de la Revolución Francesa», «Ciencias Políticas» (Karunung̃an sa Pamamahalà) «Derecho Internacional», «Historia Universal» ni Cesar Cantú, at «Las Memorias de un Soldado» (Mg̃a talâ ng̃ isáng̃ sundalo). May isá siyáng̃ aklatan saganà sa mabubuting̃ aklát, ng̃uni't kinain mandín ng̃ lahò nang̃ siyá'y mamatáy.
Si Mabini at si Rizal ay nagíng̃ lagî niyáng̃ kasang̃gunî sa mg̃a kilusáng̃ náuukol sa Bayan, at sa pagkákita niyáng̃ ang̃ «Liga Filipina» na itinatag ni Gat Rizal, ay laging̃ nabubulabog ay inakalà niyáng̃ ihalili roón ang̃ pinagpalang̃ «K. K. K.» na siyáng̃ bumigkis na tulad sa iisang̃ taó sa tanang̃ pilipino na nagbagong̃ buhat sa pagkakahimbing̃ upáng̃ pawiin sa Kapuluan ang̃ taták ng̃ kaalipinan.
Unang̃ bung̃a ng̃ kanyáng̃ dî karaniwang̃ kisláp ng̃ diwâ ay ang̃ pagtatátag ng̃ dakilang̃ «K. K. K.» (Kataástaasán, Kagalang̃galang̃, Katipunan) ng̃ mg̃a anák ng̃ Bayan. Katipunang̃ unang̃unang̃ nagtaním sa pusò ng̃ mg̃a tagarito ng̃ isáng̃ marubdób na pagibig sa Tinubuang̃ Lupà. Kapisanan ng̃ mg̃a magiliwing̃ anák sa Ináng̃ Bayan palibhasà ang̃ nang̃agsisibuò ng̃ Katipunang̃ yaón na itinatag ni Andrés Bonifacio, ay pawang̃ may likás na pagibig sa Tinubuang̃ Lupà, isáng̃ kapatirang̃ kahilihilî; kayá't minamarapat naming̃ sipiin ang̃ kanyáng̃ dakilang̃ arál upáng̃ uliranín ng̃ atíng̃ mg̃a hulíng̃ sibol ang̃ simulâ at binhî ng̃ mg̃a kalayaan nating̃ sa ng̃ayó'y tinatamasà.
«Ang̃ kabuhayang̃ hindî ginugugol sa isáng̃ malakí at banal na kadahilanan ay kahoy na waláng̃ lilim kundî damóng̃ makamandág».
Páhiná 104«Ang̃ gawáng̃ magaling̃ na nagbubuhat sa pagpipita sa sarili, at hindî sa talagáng̃ nasang̃ gumawâ ng̃ kagaling̃an, ay hindî kabaitan».
«Ang̃ tunay na kabanalan ay ang̃ pagkakawang̃gawâ; ang̃ pang̃ibig sa kapuwà, ay ang̃ isukat ang̃ bawa't kilos, gawâ at pang̃ung̃usap sa talagang̃ katuwiran».
«Maitím man at maputî ang̃ kulay ng̃ balat, ang̃ lahát ng̃ tao ay magkakapantáy; mang̃yayaring̃ ang̃ isá'y higtán sa dunong̃, sa yaman, sa gandá; ng̃uni't dî mahíhigtán sa nagkatao».
«Ang̃ may mahál na kalooban ay iuuna ang̃ puri kay sa pagpipita sa sarili; ang̃ may hamak na kalooban ay iuuna ang̃ pagpipita sa sarili kay sa puri».
«Sa taóng̃ may hiyâ ang̃ salitá ay panunumpâ».
«Huwag mong̃ sayang̃in ang̃ panahón: ang̃ yamang̃ nawawalà ay mang̃yayaring̃ magbalik; ng̃uni't ang̃ panahóng̃ nagdaán na ay dî na muli pang̃ dadaán».
«Ipagtang̃gól mo ang̃ ináapí at kabakahin ang̃ umáapí».
«Ang̃ taóng̃ matalino ay ang̃ may pagiing̃at sa bawa't sásabihin, at mátutong̃ ipaglihim ang̃ dapat na ipaglihim».
«Sa daáng̃ matiník ng̃ kabuhayan, ang̃ lalaki ay siyáng̃ patnugot ng̃ mg̃a anák; kung̃ ang̃ umaakay ay patung̃o sa kasamaán, ang̃ inaakay ay sa kasamaán din».
«Ang̃ babai ay huwag mong̃ tignáng̃ isáng̃ líbang̃an lamang̃ kundî isáng̃ katuwang̃ at karamay sa mg̃a kahirapan nitóng̃ kabuhayan; gamitan mo ng̃ boóng̃ pagpipitagan ang̃ kanyáng̃ kahinaan, at alalahanin ang̃ iná na pinagbuhatan at nagiwi sa iyóng̃ kasang̃gulan».
«Ang̃ di mo ibig gawín sa iyóng̃ asawa, anák at kapatid ay huwag mong̃ gágawín sa asawa, anák at kapatid ng̃ ibá».
«Ang̃ kamahalan ng̃ tao ay walâ sa pagkáhari, walâ sa pagpapatang̃os ng̃ ilong̃ at puti ng̃ mukhà, walà sa pagkápari na kahalili (raw) ng̃ Dios, walâ sa mataás na kalagayan sa balat ng̃ lupà; wagás at tunay na mahál na tao, kahit lakíng̃ gubat at waláng̃ nabábatid kundî ang̃ sariling̃ wikà, yaóng̃ may mágandáng̃ asal, may isáng̃ pang̃ung̃usap, may dang̃al at puri, dî umáapí, yaóng̃ marunong̃ magdamdám at marunong̃ luming̃ap sa Bayang̃ Tinubuan».
Lumaganap ng̃ gayón na lamáng̃ ang̃ mg̃a dakilang̃ aral ng̃ Katipunan sa lahát halos ng̃ nasasakupan ng̃ Walong̃ Lalawigang̃ Tagalog; at kahit na nakasapit sa kaalamán ng̃ Marang̃ál na henerál ng̃ Hukbóng̃ kastilà na si Don Ramón Blanco, palibhasà ay isáng̃ dalubhasàng̃ Pámunuán na dî kaayon sa kagahasaan ay dî napadalá sa mg̃a bulóng̃ na paghihímagsík ng̃ kanyáng̃ mg̃a nasasakupan. Ang̃ unang̃ balitang̃ itó na boóng̃ katahimikang̃ lumaganap sa matataás na kagawaran ng̃ Pámunuáng̃ Páng̃lahát nitóng̃ Kapuluaán, ay nang̃yari niyaóng̃ iká 9 ng̃ Agosto ng̃ taóng̃ 1896 sa sumbóng̃ ng̃ Kura sa Tundó na Fr. Mariano Gil, at sapagká't dî pinansín at di pinahalagahán ng̃ Marang̃ál Páhiná 105na si Henerál Blanco, ay nagkaroón ng̃ mg̃a lihim na kilusán at pakanâ na nagpasapit sa Pámahalaán sa Madrid ng̃ pang̃agailang̃ang̃ magpadalá rito ng̃ isáng̃ «waláng̃ paulikulik» na Henerál, upáng̃ máiligtás ang̃ kapang̃yarihan ng̃ Espanya sa isáng̃ dî maiiwasang̃ Hímagsíkan. At si Henerál Polavieja, ay kagyát dumating̃ upáng̃ humalili sa dating̃ Henerál Don Ramón Blanco.
Unang̃ binang̃sakán ng̃ kalupitán ng̃ bagong̃ Henerál ay si G. Pío Valenzuela at Aguedo del Rosario at sa isáng̃ maigsing̃ bugsô ng̃ kapusukán ng̃ pikit matáng̃ panúnupád ng̃ kabang̃isang̃ waláng̃ kahulilip, ay mahigit sa tatlóng̃ daáng̃ magitan ng̃ pagpapadakip ng̃ waláng̃ anó mang̃ abogabóg sa bawa't mátamaán ng̃ malas ng̃ kaniláng̃ mg̃a tiktík na gumágaláw sa lilim ng̃ kapang̃yarihan ng̃ mg̃a kaaway ng̃ ating̃ paglayà.
Halos araw araw ay may binábaríl na kulang̃ palad, at kabilang̃ sa mg̃a itó, ang̃ nang̃yari niyaóng̃ iká 30 ng̃ Disyembre ng̃ taóng̃ 1896, ang̃ lalong̃ kálakílakihang̃ upasalà sa Bayang̃ Pilipinas, ang̃ kálakílakihang̃ kabuhung̃án, na sa pang̃alan ng̃ Espanya ay ginanáp ng̃ banyagang̃ Pámunuán dito sa Kapuluan na pagpapabaríl sa lalong̃ pinaká dakilang̃ Tagalog, sa Bayani ng̃ mg̃a Bayani, na si Gat José Rizal at Mercado.
Ang̃ Himagsíkan ay lumaganap nang̃ gayón na lamáng̃ sa lahát ng̃ pusong̃ may bahagyáng̃ hinanakít sa Pámahalaáng̃ nápakabigát na at dî na ibig na talimahin, at buhat sa Hiyáw ng̃ Layà sa Balintawák niyaóng̃ iká 20 ng̃ Agosto ng̃ taóng̃ 1896, hang̃gang̃ Abril ng̃ taóng̃ 1897 ay itinaguyód ng̃ «amá» ng̃ Katipunan ang̃ Hímang̃síkang̃ nápasimulán ng̃ walâ sa panahón sa kapusukán ng̃ mg̃a masasamáng̃ Pámunuán ng̃ kastilà rito sa Pilipinas.
At lumaganap ang̃ lakás ng̃ mg̃a Katipunan sa lahát ng̃ dako, subalit sa Kawit, ang̃ lakás ni Aguinaldo ay kahang̃áhang̃à.
Dî kawasà ay kinilala si Aguinaldo na Pang̃ulong̃ Hukbó, sanhî ng̃ ipinagkahatî ng̃ mg̃a «katipunan» sa dalawáng̃ malakíng̃ pang̃kát, na: Aguinaldista at Bonifacista.
Nang̃ panahóng̃ yaón si Bonifacio ay nása Kawit, ng̃uni't sa pagilag sa mg̃a dî maiiwasang̃ pagbubung̃guan ng̃ dalawáng̃ pang̃kat ay linisan ni Bonifacio ang̃ Kawit at tutung̃o sana sa Batangas, ng̃uni't sa Limbóng̃, isáng̃ Nayóng̃ sakop ng̃ Indáng̃, ay kanyáng̃ násagupà ang̃ mg̃a kawal ni Pawa, at ang̃ inilagang̃ pagbubung̃gô ay sumapit; si Bonifacio ay nasugatan at ang̃ kanyáng̃ dalawáng̃ kapatíd, si Ciriaco at si Procopio ay nang̃asawíng̃ nápatáy.
Binihag si Bonifacio ng̃ kanyáng̃ mg̃a kaaway at ihinaráp sa Húkumang̃ digmâ na naglagdâ sa kanyá ng̃ hatol na kamatayan, ng̃uni't hindî isinagawâ ni Aguinaldo, at bagkús pinatawad, ng̃uni't itinagubiling̃ siyá'y papanawin.
Dinuyan si Bonifacio upáng̃ ihatíd sa poók na kanyáng̃ pagdúrusahan, ng̃uni't siyá'y ibinulíd ng̃ Páhiná 106nang̃aguusong̃, sa isáng̃ bang̃ing̃ malalim sa Marigondon, na kanyang̃ kinálibing̃án ng̃ buháy. Itó'y nang̃yari niyaóng̃ iká 26 ng̃ Abril ng̃ taóng̃ 1897.
Kalunoslunos na wakás na itinalagá ng̃ kalupitán sa amá ng̃ dakilang̃ kilusáng̃ tung̃o sa paglayà.
Ang̃ araw na itó ay ipinagluluksà hang̃gá ng̃ayón ng̃ mg̃a tunay na «Katipunan» ang̃ kaing̃gitan ay nagtagumpáy, ang̃ isáng̃ pulutóng̃ na kawal ng̃ ating̃ ding̃ Hukbóng̃ naghíhímagsík ay nagpatunay minsan pa ng̃ isáng̃ dî na mababawing̃ kamálian at ang̃ buhay ni Gat Andrés Bonifacio ay linapastang̃an ng̃ walâ sa panahón, tinampalasan ng̃ isáng̃ kahatuláng̃ nápakalupít na tang̃ing̃ ang̃ kasaysayan ang̃ makatúturól ng̃ táhasan kung̃ sino ang̃ dapat managót ng̃ gayóng̃ nakalulunós na wakás. Ani Bonifacio sa kanyáng̃ mg̃a salaysay: «Hindî tayo dapat matakot kang̃ino man kundî sa kasaysayan.»
Talagáng̃ ang̃ isáng̃ bayang̃ bagong̃ umúunlád sa pagtatang̃gól ng̃ kanyáng̃ katuwirang̃ naáapí ay nagháhandóg ng̃ lalong̃ dakilang̃ buhay. Sa kalupitan ni Polavieja ay pinatigís ang̃ dugô ng̃ diwà ng̃ Hímagsíkan: Si Gat José Rizal y Mercado; at sa kabilisán ng̃ isáng̃ hatol na ágaran ay pinadanak ang̃ mahalagáng̃ dugô ni Gat Andrés Bonifacio, na siyáng̃ tunay na bisig ng̃ Hímagsíkan natin.
Nang̃ si Gat Andrés Bonifacio ay isakdál sa kasalanang̃ «Taksíl sa Tinubuang̃ Lupà» ay boóng̃ lung̃kót na nagsabi ng̃ ganitó:
«Taksíl akó pagkatapos na kayóng̃ lahát ay akíng̃ matipon at maiparuto sa landasing̃ itó na patung̃o sa isáng̃ ganáp na kalayaan? Taksíl akó? ... ¡Salamat!»
At ang̃ kanyáng̃ kamatayan ay nagíng̃ pasimulà ng̃ kanyáng̃ buhay na waláng̃ hang̃gán sa bayang̃ Pilipinas, na sa kanyáng̃ karáng̃alan ay nagpúpuri namímintuhò at lubós na gumágalang̃; at ang̃ isáng̃ pagkawaláng̃ kamatayan na gaya ng̃ sa lahát ng̃ dakilang̃ Bayani na nagpakatang̃î sa pagliling̃kód sa kanyáng̃ Tinubuang̃ Lupà, ay kanyáng̃ kinamtán.
Isáng̃ Páaraláng̃ bayan sa Tayumán ang̃ itinayo upáng̃ papurihan siyáng̃ lagî ng̃ mg̃a sisipót na ang̃kán; upáng̃ doón ay pagáralan ang̃ mg̃a dakilang̃ aral na isinulat niyá ng̃ kanyáng̃ malinis na dugô; upáng̃ ubos kayang̃ pabulaanan ang̃ paratang̃ na «taksíl» na ibig ibabaw sa kanyá ng̃ mg̃a nagsiusig na manánagót sa kasaysayan ng̃ ating̃ bayan.
Isáng̃ araw na pang̃ilin sa loób ng̃ isáng̃ taón, ang̃ putong̃ na pambawî ng̃ kalapastang̃anan sa kanyá, ang̃ iginawad sa kanyáng̃ karang̃alan ng̃ Pámahalaáng̃ kasalukuyan.
«Minsán santaón, ay binábawî ng̃ bayang̃ Pilipinas ang̃ kalaitlait na paratang̃ na nagíng̃ halagá ng̃ buhay ni Gat Bonifacio. Siyá'y may matuwíd ng̃ kanyáng̃ sabihing̃: «Upáng̃ ipagtang̃gól ang̃ usapin ng̃ bayan ay dî lamang̃ ang̃ lakás ng̃ loób at tapang̃ ang̃ kailang̃an.»
«Isáng̃ malakás ang̃ loób at matapang̃ na pinagagalaw ng̃ diwang̃ dî nasasalig sa katarung̃an at katuwiran, ay maáaring̃ makabawî ng̃ upasalâ, makapinsalâ, makagunaw at pumatáy, ng̃uni't kaylán ma'y dî makapagtatatag ng̃ isáng̃ bayang̃ may ganap na kalayaan».
Niyaong̃ Agosto iká 14 ng̃ taóng̃ 1835, sa kalapit na bayan ng̃ Pandakan, Maynilà, ay sumiláng̃ sa Maliwanag ang̃ isáng̃ sang̃gól na tinawag na Jacinto Zamora.
Sa kabataan pa ay nagpakita na ng̃ kabaitan at pagsisigasig sa pagáaral, hang̃gáng̃ sa nagíng̃ Parè.
Hindî magágawâ ng̃ sino mang̃ pilipino ang̃ sumambit ng̃ mg̃a biyayà ng̃ Hímagsíkan, nang̃ dî mákikita sa pagsuysóy ng̃ sanhî noón ang̃ dakilang̃ binhî na dinilig ng̃ sariling̃ dugô niyaóng̃ 1872 ng̃ tatlóng̃ banál na paring̃ Tagalog, si Pari Burgos, si Pari Gómez at si Pari Zamora.
Iká 15 ng̃ Pebrero ng̃ taóng̃ 1872 ng̃ basahin ang̃ kalaitlait na hatol kiná José Burgos, Mariano Gómez Jacinto Zamora (mg̃a Parè) at siná Máximo Inocencio, Crisanto de los Reyes, Francisco Saldua at Enrique Paraiso, na nagásakdál na mang̃uupat at mg̃a may kinálaman sa aklasang̃ kawal na nang̃yari sa Liwasan ng̃ Kabite niyaóng̃ iká 20 ng̃ Enero ng̃ 1872.
At iká 18 ng̃ Pebrero ng̃ nasabing̃ taón ay nakyát sa bibitayán ang̃ nang̃áhatulan, upáng̃ pagpalain ng̃ kaniláng̃ malilinis na buhay ang̃ kamatayang̃ kalaitlait.
Sa karang̃alan ng̃ Tatlóng̃ Pari ay ihinandóg ni Rizal ang̃ pang̃alawáng̃ bahagi ng̃ «Noli» na pinamagatáng̃ «El Filibusterismo».
Ang̃ pagaani sa punlâ na ihinasik ng̃ Tatlóng̃ Párè ay kasalukuyang̃ tinatamasa ng̃ kaniláng̃ mg̃a kabarò sa Pilipinas.
Niyaón, ay hindî man lamang̃ makapamahalà ng̃ isáng̃ Simbahan ang̃ mg̃a Paring̃ Tagalog, at ng̃ayón ay hindî lamang̃ nakapamamahalà ng̃ simbahan ó nagiging̃ Kura, kundî marami pa ring̃ sumapit na sa mataás na katung̃kulang̃ Obispo, at anó ang̃ malay natin kung̃ sa hináharáp ay makapág Arsobispo na rin at Kardenal ang̃ mg̃a Paring̃ Tagalog.
Isá sa mg̃a waláng̃ patawad na kamaliang̃ nágawâ ng̃ iginuhong̃ Pámahalaán ng̃ mg̃a kastilà, ang̃ pagkakápabitay sa marilág na si Pari Jacinto Zamora.
Anáng̃ mg̃a kasulatang̃ náuukol sa bagay na itó, na may kinálaman sa aklasang̃ kawal niyaóng̃ 1872, ang̃ utos na pagpapadakip ay hindî sa Paring̃ itóng̃ binitay nálalagdâ, kundî sa isáng̃ nagng̃ang̃alang̃ José Zamora, Parì rin, ng̃uni't hindî ng̃â lamang̃ nákatulong̃ sa hindî malílimot na kilusáng̃ ginampanán ng̃ tatlóng̃ dakilang̃ Paring̃ Tagalog na siná Burgos, Gómez at Zamora, at dahil sa bagay na itó ang̃ kautusán sa pagdakíp ay nabago sa pamamagitan ng̃ mahiwagang̃ pakanâ ng̃ Páhiná 108mg̃a kaaway ng̃ tatlóng̃ kawaní sa Lupon ng Pagbabago (Comité Reformador) at si Pari Jacinto ang̃ ipinadakip, at nang̃ halung̃katin ang̃ kanyáng̃ sulatán ay nátuklás ang̃ isáng̃ liham na ipinadalá sa kanyá ni Pari Duran, Kura sa San Anton, na nagsasabi ng̃ gayari:
«Dakilang̃ pagkakatipon. Dumaló kayó nang̃ waláng̃ pagkukulang̃. Ang̃ mg̃a kaibigan ay pawang̃ may tagláy na maraming̃ pulburá at pung̃lô.»
Ang̃ sulat na itó ang̃ tang̃ing̃ pinang̃hawakan, upáng̃ igawad sa kanyá ang̃ kalaítlait na hatol na bitayin.
Nang̃ panahóng̃ yaón na ang̃ mg̃a konbento ay siyang̃ pinagtitipunan ng̃ mg̃a mánunugal kung̃ pintakasi, ang̃ «pulbura» at «pung̃lô» ay nang̃ang̃ahulugáng̃ «salapi», at ang̃ panyayang̃ itó kay Pari Zamora ng̃ Kura sa San Anton ay sa isáng̃ pagtitipon ng̃ magkakaibigan.
Kung̃ si Pari Jacinto Zamora ay di kinatulong̃ ng̃ pagtatang̃gól sa usapin ng̃ «Clero Filipino» disin di nabitay ang̃ kababayang̃ itó.
Nang̃ panahóng̃ yaón ang̃ pagibig sa Tinubuang̃ Lupà ay daáng̃ patung̃o sa mg̃a balaho at kamatayan, samantalang̃ sa kapanahunan natin gayón, ang̃ mg̃a tagapagtaguyod ng̃ gayón ding̃ simulain ay tumatahak sa mg̃a sampaga, sinusuób ng̃ kamanyang̃ na nagbabang̃uhan, nagsisihimláy sa malúlundóg hihigán at pawang̃ awit ng̃ papuri ang̃ naring̃ig.
Mápanuto kayà tayo sa ganitong̃ kiyás ng̃ kapanahunan?
Ang̃ panahón na siyáng̃ saksí ng̃ lahát ng̃ pang̃yayari, ay siyáng̃ magúulat sa araw ng̃ bukas ng̃ ipamámana sa atín ng̃ waláng̃ tutong̃ katuturán ng̃ mg̃a ng̃ayó'y «nagsisiibig at nagliling̃kód sa ating̃ Tinubuang̃ Lupà».
May isáng̃ kasabihán dito sa atin, na: «ang̃ mg̃a una raw tao rito sa Kapuluan ay pinamámahalaan ng̃ mg̃a patáy» sa malinaw na sabi, ang̃ mg̃a halimbawà ng̃ nang̃agsiyao, ay siyáng̃ pinapatnubay iginagalang̃ at linálandás.
Subalit sa ng̃ayón, na, «ang̃ mg̃a patáy ay pinamamahalaan ng̃ mg̃a buháy na tao» ang̃ pagkámakabayan ay napakaginhawa, ang̃ waldasan ay naging̃ isáng̃ karaniwang̃ bagay, ang̃ pagibig sa bayan ay ipinagtitimpalakan sa apat na sulok ng̃ daigdig, ng̃uni't ang̃ katotohanan ay dí mababago, at ang̃ tanikaláng̃ gintô na ibinibigtí sa ating̃ kalayaan bilang̃ bung̃a ng̃ «maginhawang̃ pagibig sa bayan» ay sumisiból; ang̃ agos ng̃ kayamanan na lumulunod sa ating̃ kalayaan ay bumabalong̃, bumúbukál, bumbabahâ, at..... oh! kung̃ magkalupitlupit, bigyán man tayo ng̃ layà, ang̃ layang̃ iyon marahil ay magiging̃ isáng̃ sagabal sa atin, sa pagká't di tayo makagigitaw sa nakatabong̃ gintò na winaldás na ng̃ mg̃a walang̃ patumang̃gang̃ «umibig sa bayan, ng̃ boóng̃ ginhawa.»
Lahat ng̃ sásabihin tung̃kól sa dakilang̃ Bayaning̃ itó ay nasabi na ng̃ mg̃a lalong̃ Pantás at mg̃a Dalubhasang̃ tao ng̃ sansinukuban, pagkápalibhasà ay nápatang̃i siyá ng̃ gayón na lamang̃ sa lahát ng̃ Bayaning̃ sumipót dito sa Pilipinas at siyá'y nápabilang̃ sa mg̃a dakilang̃ Bayani ng̃ sang̃katauhan.
Lahát ng̃ paraán ay sinikap ng̃ kanyáng̃ mg̃a kapanahón upáng̃ siyá'y manatili sa pusò ng̃ madlâ.
Sa lalong̃ mababang̃ halagáng̃ selyo, ang̃ kanyáng̃ larawan ay nároroón upáng̃ ang̃ kanyáng̃ aláala ay huwag máliblib sa lalong̃ katagutaguang̃ nayon at kaabáabaang̃ buhay na dî makapaging̃at ng̃ isáng̃ larawan niyáng̃ nakapagbibigay siglá Páhiná 111sa mg̃a pusong̃ lumálamlám sa pagibig sa Tinubuang̃ Lupà.
Si Gat Rizal ay pinarang̃alán din ng̃ Pámahalaán natin na taglayin ng̃ salaping̃ papel na dadalawahing̃ piso ang̃ kanyáng̃ larawan, upáng̃ magpalipatlipat sa mg̃a kamáy ng̃ lahát ng̃ naninirahan dito sa ating̃ lupain at sa labás man, na makapaging̃at ng̃ salaping̃ yaón na nákikilala sa tawag na «isáng̃ Rizal».
Mg̃a aklát na násusulat halos sa lahát ng̃ wikà ang̃ iniukol sa kanyang̃ karang̃alan. Isáng̃ malaking̃ bantayog na pinaggugulan ng̃ salapî ng̃ ating̃ Pámahalaán ang̃ sa gitnâ ng̃ Luneta ay nagpápaalala ng̃ kanyáng̃ kagiting̃an. Ang̃ kanyáng̃ pang̃alan ay kilalá ng̃ lahát ng̃ pilipino, pinipintuhò at pinarárang̃alan sa ating̃ Kapuluán ng̃ banyagà at kababayan man, ng̃ batà at ng̃ matandâ, ng̃ Pantás at ng̃ hang̃ál; ng̃ puhunan at ng̃ paggawâ; at sa ibang̃ lupaín ay pinaúunlakán din ng̃ lahát ng̃ pilipino sa kanyáng̃ dakilang̃ araw, sa araw na ang̃ kanyáng̃ buhay ay kinitil ng̃ kalupitan.
Sumilang̃ si Gat José Rizal niyaóng̃ iká 19 ng̃ Hunyo ng̃ taóng̃ 1861, sa bayan ng̃ Kalambâ, Laguna, at siyá'y anák ni G. Francisco at ni Gng̃. Teodora Alonso.
Anák sa bayang̃ Tagalog at liping̃ Tagalog na tunay, kayá't ang̃ pagibig sa Tinubuang̃ Lupà ay kalang̃káp ng̃ kanyáng̃ pagkátao. Aral sa táhanan, sa pagtuturò ng̃ mg̃a magulang̃ na nagnasang̃ magmulat ng̃ kanyáng̃ bait sapól sa pagkámusmós, ay nagawâ sa kanyáng̃ murang̃ bait ang̃ gulang̃ na siyam na taón pa lamáng̃ ay makalikhâ na ng̃ isáng̃ dulà na kinagiliwan ng̃ Kápitan sa bayan.
Sa kanugnóg na bayan ng̃ Binyáng̃ ay nagáral siyá kay G. Justiniano Aquino at Cruz at sa loób lamang̃ ng̃ iláng̃ buwan ay walâ nang̃ máiturò sa kanyá ang̃ Gurong̃ Bayan, yamang̃ nátutuhan na niyáng̃ lahát ang̃ nálalaman noón kayá't nang̃ Hunyo, ng̃ taón 1872 ay lumipat siyá sa San Juan de Letrán, ng̃uni't dî siyá náwili rito, kayá't lumipat agád sa Páaralán ng̃ mg̃a Hesuita hang̃gáng̃ sa tinamó niyá ang̃ katibayan ng̃ pagká «Bachiller en Artes».
Lumipat siyá sa Universidad de Sto. Tomás, upáng̃ magáral ng̃ «Filosofia» «Medicina» at «Agrimensura» at yamang̃ nápansín niyáng̃ hindî mabuti ang̃ ting̃ín sa kanyá ng̃ mg̃a Guró doón, at sa payo ng̃ kanyáng̃ mg̃a kaibigan, niyaóng̃ Mayo ng̃ taóng̃ 1882 ay lumayag siyáng̃ patung̃o sa Europa, pagkatapos niyáng̃ tamuhín ang̃ katibayang̃ pagká «Agrimensor».
Dumáan siyá sa Singapur, Kanal ng̃ Sues, at sa Marselya siyá lumunsád, at buhat doón ay napatung̃o sa Barselona na kinakilalanan niyá sa mg̃a kalupaíng̃ dóroón. Tumung̃o siyá sa Madrid at sa «Universidad Central» doón, ay nagpatuloy siyá ng̃ pagáaral ng̃ «Medicina», «Literatura» at «Filosofia»; kasaliw ng̃ pagáaral niyá ng̃ mg̃a karunung̃ang̃ nábangít ay dî niyá napaglabanan ang̃ hilig ng̃ kanyáng̃ diwà sa sining̃, kayá't nagáral din siyá ng̃ Paglililok (escultura) Páhiná 112at ng̃ pagkuha ng̃ larawan sa pamamagitan ng̃ lápis at ng̃ kulay na lubhâ niyáng̃ ikinatang̃î.
Pagkátapos niyáng̃ tamuhin ang̃ mg̃a katibayan sa «Medicina», «Filosofia» at «Literatura» niyaóng̃ taóng̃ 1885 ay lumipat siyá sa Paris na kanyáng̃ kinátagpuán sa mg̃a kalupaing̃ Antonio at José Luna, at Pardo de Tavera; buhat sa Fransiya ay lumipat siyá sa Alemanya upáng̃ makinyíg ng̃ mg̃a bantóg na Panayám sa «Universidad de Heidelberg»: lumipat siyá sa Berlin at sa bayang̃ itó niyá tinapos ang̃ waláng̃ kamatayang̃ «Noli».
Si Dr. Jagor sa Berlin na masikháy na sumuysóy ng̃ mg̃a kapakanán sa Pilipinas ay nakátagpô sa ating̃ Rizal, ng̃ isáng̃ mabutíng̃ kaibigan. Buhat sa Berlin ay lumipat si Rizal sa Austria at dito niyá nakaniíg si Prof. Blumentritt; mulâ sa bayang̃ itó ay napatung̃o siyá sa Italya. Dito niya isinalin sa Tagalog ang̃ «Wilhem Tell» at saká umwî dito sa Pilipinas.
Si Rizal ay mawilihin sa pagáaral ng̃ wikà, at itó ang̃ sanhî ng̃ kanyáng̃ pagliklík sa lahát halos ng̃ mg̃a Pang̃ulong̃ bayan sa Europa, at nang̃ siyá'y dumatíng̃ dito sa ating̃ lupaín, upáng̃ harapín ang̃ pang̃gagamót ay nagsásalitâ na siyá ng̃ halos lahát ng̃ wikáng̃ lináng̃ sa Europa at Asia.
Noóng̃ 1888 ay ninasang̃ mulíng̃ maglakbáy sa mg̃a ibáng̃ dako ng̃ sansinukob at siyá'y dumaán sa Hong̃kóng̃ na kanyáng̃ kinátagpuán sa dakilang̃ Tagalog doón na si Ginoóng̃ José Basa; pagdaán sa Hapón, upáng̃ pagáralan sa sariling̃ lupà ang̃ wikang̃ Hapón, dumaán sa Amérika, bago nagtulóy sa Inglaterra at sa bayang̃ itò nákaniíg si G. Antonio Ma. Regidor. Sa Londres at sa bahay ni G. Regidor niyá isinalin at tinuligsà ang̃ Kasaysayan ng̃ Pilipinas na sinulat ni Pari Morga, na lubhà niyáng̃ ikinabantóg sa panitikan.
Iká 9 ng̃ Nobyembre ng̃ taóng̃ 1887 nang̃ sulatin ni Profesor Blumentritt ang̃ páunang̃ salitâ sa «Morga» ni Dr. Rizal.
Sa pánitikan ay may isá siyáng̃ mainam na bakás na naiiwan sa bawa't panahón. Bilang̃ páuná ng̃ kanyáng̃ panunulat ay násabi na namin na siyam na taón pa lamang̃ ang̃ kanyáng̃ gulang̃ nang̃ sumulat ng̃ isáng̃ dulà na noón pa ma'y kinábakasán na ng̃ dì karaniwang̃ indayog ng̃ kanyáng̃ diwà. Niyaóng̃ 1887 na magdaos ng̃ isáng̃ Timpalák ang̃ «Licco Artístico Literario» dito sa Maynilà na sinalihan ng̃ lubháng̃ maraming̃ mánunulat ay nápili at nagtagumpáy ang̃ kanyáng̃ tulà na may pamagat na «A la Juventud Filipina». Sa kapanahunang̃ si Rizal ay nagáaral pa sa Ateneo sa pagpaparang̃ál sa Mahal na Birhen ay sumulat siyá ng̃ isáng̃ dulà na pinamagatán niyáng̃ «Junto Al Pasig», na lubháng̃ kinágiliwan ng̃ nang̃agsipanoód na pawang̃ dalubhasá. Sa Timpalák na idinaos sa pagpaparang̃ál sa ikáapat na raang̃ taóng̃ ikinamatáy ni Cervantes, ay nagtagumpáy ang̃ titik ni Rizal na may pamagát na El Concejo de Páhiná 113Los Dioses. Sa Madrid ay nagkaroón ng̃ ibáng̃ himíg ang̃ kanyáng̃ mg̃a sulat at dito na ng̃â nábunyáng̃ ang̃ tunay na pagibig sa Tinubuang̃ Lupà.
Ang̃ kanyáng̃ «Noli» ay sinimulán niyáng̃ sulatin sa Madrid at natapos sa Austria, ang̃ «Filibusterismo» ay sinulat niya sa Ghert Olanda, noóng̃ 1891.
Hulyo iká 3 ng̃ taóng̃ 1892 nang̃ nagpulong̃ sa bahay ni G. Doroteo Ongjungco sa daang̃ Ilaya blg. 176 Tundó tung̃kól sa «Liga Filipina» at iká 6 ng̃ Hulyo ng̃ 1892 nang̃ ipinadakíp ni Henerál Eulogio. Páhiná 114Despujol at ipapiit sa Fuerza Santiago.
Niyaóng̃ iká 11 ng̃ Pebrero ng̃ 1893 ay itinatag ni Dr. Rizal ang̃ «Liga Filipina» isáng̃ kapisanang̃ pilipino na pinagukulan ni Mabini ng̃ gayaríng̃ katagâ: «Nang̃ makitang̃ ang̃ lahát ng̃ sikáp ay waláng̃ tarós at salát sa kaayusan, at di nagbibigay ng̃ katampatang̃ wakasin, ay linikhâ ni Rizal ang̃ Liga Filipina».
Nang̃ si Rizal ay ipatapon sa Dapitan siyá'y nagsaka doón at nagtayô ng̃ Páaralán sa mg̃a tagaroón; kahit iisang̃ igláp ay hindî siyá nátahimik at pawáng̃ iniukol sa kabutihan ang̃ kanyáng̃ mg̃a gawâ. Ang̃ mg̃a maysakit doón ay nakatagpò sa kanyá ng̃ isáng̃ waláng̃ bayad na Mang̃gamot.
Samantaláng̃ siyá'y nároroón ay isáng̃ amerikanong̃ nagng̃ang̃alang̃ Taufer na kasama ng̃ isáng̃ anakanakan na nagng̃ang̃alang̃ Josefina Bracken ay dumalaw sa kanyá, upáng̃ ipagamót ang̃ mg̃a matáng̃ hindî makákita at pinasiyahán na ng̃ mg̃a ibang̃ Mang̃gagamot ng̃ waláng̃ lunas, ang̃ Josefinang̃ itó ay siyáng̃ naging̃ kapalad ni Dr. Rizal at nákasama niyá sa buhay na yaón sa tapunan.
Ang̃ mg̃a kahiling̃an ni Dr. Rizal upáng̃ siyá ay patawarin ay hindî dining̃ig ng̃ mg̃a makapang̃yarihan, ng̃uni't kailán ma'y dî nanawi sa kanyá ang̃ pagasa, at sa gayóng̃ kalagayan ay tumang̃gáp siyá ng̃ isáng̃ sulat ng̃ matalik niyáng̃ kaibigang̃ austriako na si Prof. Blumentritt, na kanyáng̃ hiling̃íng̃ sa Pamahalaáng̃ siyá'y makaparoón sa Kuba bilang̃ Mang̃gagamot ng̃ mg̃a kawal na kastilà doón, at ang̃ gayóng̃ kahiling̃an ay pinaking̃gan ni Henerál Blanco, kayá't siyá, sa paniniwâláng̃ siyá'y waláng̃ masamáng̃ nágawâ kang̃ino man na titigatig sa sariling̃ budhî, kasama ni Josefina at ng̃ kanyáng̃ pamang̃king̃ si Maria Luisa, ay agád napa Maynilà at sa kasamaáng̃ palad, nang̃ silá'y dumaóng̃ sa luók ng̃ Maynilà ang̃ sasakyáng̃ patung̃o sa Espanya ay nakáalis na, kayá't sila ay nang̃apilitang̃ maghintáy ng̃ panibagong̃ sasakyáng̃ lálayag, na dî iba't ang̃ «Castilla». At si Rizal ay tumulak na ng̃â, ng̃uni't ang̃ Hímagsíkang̃ pinang̃ung̃uluhan ni Gat Bonifacio ay nabunsód ng̃ walâ sa panahón at isáng̃ pahatid kawad na buhat kay Gobernador Polavieja ang̃ tinang̃gap, nang̃ ang̃ «Castilla» ay dumaóg sa Kanal ng̃ Sues, hatid kawad na naguutos na dakpin si Dr. Rizal, at sinalubong̃ sa Barselona ang̃ ating̃ kababayan upáng̃ ipiit doón.
Pagkaran ng̃ iláng̃ araw ay ilinulan siyáng̃ mulî upáng̃ ihatid sa Pilipinas. Nang̃ idaán sa Hong̃kóng̃ ay sinikap ni Dr. Regidor na siyá'y palayain sa pamamagitan ng̃ «Habeas Corpus» ng̃uni't hindî ipinagtagumpáy ni G. Regidor, ang̃ kanyáng̃ banál na nais na mapalayà si Dr. Rizal.
Siyá'y inusig dahil sa pagkakátatag ng̃ «Liga Filipina» at pagtataguyod ng̃ Himagsikan, at hindî siyá pinahintulutang̃ makapagtang̃gól máliban sa siyá'y pinapamili sa mg̃a Pámunuáng̃ doón ay nátitipon. Páhiná 115Napili niyá si G. Luis Taviel Andrade, isáng̃ marang̃ál na kastilang̃ nagtang̃gól sa kanyá ng̃ ubos kaya, ng̃uni't hindî dining̃ig at hinatulan siyáng̃ barilín sa Liwasan ng̃ Bagumbayan.
Sa pagkamánunulat ni Rizal ay walâ nang̃ máitatawad. Masasabi nang̃ waláng̃ alinlang̃an, na ang̃ kanyáng̃ panitik ang̃ siyáng̃ lumikhâ ng̃ mg̃a kabaguhan sa kapamayanan, na kasalukuyan nating̃ tinatamasa at siyáng̃ nagpayanig ng̃ matibay na Pámahalaán ng̃ kastilà na mahigit ng̃ tatlóng̃ daang̃ taóng̃ sa atin ay naghari.
Ang̃ dakilang̃ Bayaning̃ itó na pinagúukulan namin ng̃ ulat ng̃ayón, ay siniíl ng̃ kalupitán nang̃ dî malilimutang̃ Henerál Polavieja at niyaóng̃ iká 30 ng̃ Disyembre ng̃ taóng̃ 1896 sa lawak ng̃ Bagumbayan ay pinapagdanak ang̃ kalinislinisáng̃ dugô ng̃ isáng̃ banál na anák ng̃ Pilipinas.
Ang̃ hagunót na hálakhakan ng̃ kanyáng̃ mg̃a kaaway ay nariring̃ig pa halos nang̃ dumating̃ ang̃ hatol ng̃ tadhanang̃ matapos ang̃ kalupitán ng̃ mg̃a kastilà rito sa atíng̃ lupaín at niyaóng̃ Mayo ng̃ 1898 ang̃ makapang̃yarihang̃ bayang̃ amerikano, sa likhà ng̃ mg̃a pang̃yayari ay nagpadalá rito ng̃ kanyáng̃ mg̃a sasakyáng̃ pandigmâ, upáng̃ sa pamamagitan ng̃ mg̃a pung̃lóng̃ ibinúbuga ng̃ mg̃a kanyón sa Hukbó ng̃ dating̃ Pang̃inoón at Harì ay mábabâ at mahalinhán ang̃ watawat na «gintô at dugô» na sumaksí rito sa ating̃ lupaing̃ mapagkaling̃à ng̃ mg̃a dî mahulilip nakalupitán.
At buhat noón ang̃ mg̃a unáng̃ banaag ng̃ Bagóng̃ Araw ng̃ Pilipinas ay namiták sa silang̃anan ng̃ kanyáng̃ pagasa.
Bilang̃ pagwakás sa ulat na itó ay ilalakip namin dito ang̃ huling̃ bung̃a ng̃ panitik ng̃ Bayaning̃ Tagalog na pinamagatán niyá ng̃ Mi Ultimo Adios.
C. N. VALDEZA | Great Filipinos | |
P. A. DE PAZOS | Heroes Filipinos | |
M. ARTIGAS | Historiografia Filipina | |
" | La Primera Imprenta en Filipina | |
" | Los Sucesos de 1872 | |
JOSUE SUNCUYA | Historia Prehispana de Filipinas | |
I. DE. LOS REYES | La Religión del Katipunan | |
P. A. PATERNO | Historia de Filipinas | |
G. DE SAN AGUSTIN | Conquista de Filipinas | |
J. MA. RIVERA | Conferencias Literarias | |
L. K. SANTOS | Discursos Públicos | |
D. RIVERA | Informaciones varias | |
H. CRUZ | Kung̃ sino ang̃ kumathá ng̃ Florante | |
E. DE LOS SANTOS | Florante (Versión Castellana) | |
" | Proceso del Dr. José Rizal | |
" | Emilio Jacinto | |
A. CRAIG | Lineage, Life and Labor of Dr. Rizal | |
J. PARDO DE TAVERA | Biblioteca Filipina | |
" | The Character of Dr. Rizal | |
S. CALDERON | Patnubay ng̃ Bayan (articulos varios) | |
P. H. POBLETE | Día Filipino | |
W. RETANA | Vida y Escritos del Dr. José Rizal | |
M. M. NORTTON | Builder of the Nation | |
M. PONCE | Sun Yat Sen | |
D. C. VELARDE | Ecos (Homenaje a Da. Susana Revilla) | |
C. SALA | Cultura Social " " | |
MANILO | Notas Biográficas | |
R. L. SEVILLA | Informaciones varias | |
A. GUEVARA | " | |
D. GOMEZ | M. H. del Pilar (La Vanguardia) |
Philippine Review |
El Renacimento Filipino |
Filipinas ante Europa |
The Philippine People |
La Solidaridad |
The Independent |
La Ilustración Filipina |
The Orient |
Cultura Filipina |
Patnubay ng̃ Bayan |
Ecos |
Cultura Social |
Día Filipino |
Buhat dito ay pinasasapit namin ang pasasalamat sa mga pinagsangguniang naghandóg ng mahalagang tulong na ikinayari ng:
"SA LANGIT NG BAYANG PILIPINAS."
Gayon din sa balo ni Poblete at sa katotong Sofronio G. Calderón, alangalang sa mga "clise" na sa kanilang kagandahang loob ay ginamit namin sa aklát na ito.
Sa kanilang lahat ang aming boong pusong pagturing.
Sa aming mga mambabasa ay ihinihingi ng pagumanhin ang isang di naiwasang kapinsalaan ng pagkaligáw ng larawang na sa iká 88 dahon, na napalitan ng ibá.