The Project Gutenberg EBook of Apô-Apô (Zarzuela) at Kung Sinong Apô-Apô (Kasaysayan), by Pantaleón S. Lopez This eBook is for the use of anyone anywhere at no cost and with almost no restrictions whatsoever. You may copy it, give it away or re-use it under the terms of the Project Gutenberg License included with this eBook or online at www.gutenberg.org Title: Apô-Apô (Zarzuela) at Kung Sinong Apô-Apô (Kasaysayan) Author: Pantaleón S. Lopez Release Date: November 7, 2005 [EBook #17023] Language: Tagalog Character set encoding: ISO-8859-1 *** START OF THIS PROJECT GUTENBERG EBOOK APÔ-APÔ (ZARZUELA) AT KUNG *** Produced by Tamiko I. Camacho, Pilar Somoza and the Online Distributed Proofreading Team at https://www.pgdp.net. Special thanks to Matet Villanueva, and Ateneo Rizal Library-Filipiniana Section for helping to reconstruct some portions of this project. (This file was made using scans of public domain works from the University of Michigan Digital Libraries.) [Transcriber's note: Tilde g in old Tagalog which is no longer used is marked as ~g.] [Paalala ng nagsalin: May kilay ang mga salitang "ng, mga," at iba pa upang ipakita ang dating estilo sa pag-sulat ng Tagalog na sa ngayon ay hindi na ginagamit.] "APÔ-APÔ" (ZARZUELA) "Kung sinong Apô-Apô" (KASAYSAYAN.) Pantaleón S. Lopez MAYNILA Limbagan nina Fajardo at Kasama _Daang Carriedo Blg. 101, Sta. Cruz_ =1908.= Zarzuelang tagalog na may isang bahagi, ikatha ni P. S. Lopez, at tugtugin ni Mateo Varios na pinamagatang: "APÔ-APÔ" M~GA TAO SA OBRA.--M~GA ARTISTA. Soledad......G. Máxima Gonzales. María........Bb. Petrona Polintan. Ludovico.....G. P. S. Lopez. Tio Agong....» F. P. Ballecer. Bakokoy......» Juan Bernabe. Tio Pedro....» E. Peña. Totong.......» F. Peña. KAPISANAN N~G PANDAY. Tanging bahagi * * * * * _Pagbubukas n~g tabing mamamasid ang isang taller n~g pandayan si Ludovico at m~ga panday._ ESCENA I. MUSICA No. 1. Coros.--Itong ating kabuhayan ang mag panday gabi't araw siyang tan~ging kabuhayan n~g kapatid at magulang. Ludovico.--Kapalara'y sinakbibi kabuhayay kinandili at guinhawa'y humalili, palad n~ganing tantong apí. Coro.--Bawat palo n~ga sa bakal n~g martillong nasa kamay pawis nag tagtagastasan. sa katawang n~g lulumay. hot, hot, hot, SALITAAN. Agong.--Luduviko kapatid ko: dahil saiyo ay diko maikakailâ na ako'y guminhawâ sanhî sa mabuting iyong pamamanihala nitong aking kabuhayan. Vico.--Diko po itinuturing. Agong.--Sa gayon ay maraming salamat _aalis._ Pedro.--Kaibigan ayon sa kainaman mong ugali dika sukat mag tiwalâ n~g labis sa ating apô-apôan, sapagkat dinguín mong madalas asalin niyan: Iyan ay walang ugaling makisama sa di niya mauulól, at marunong gumalang sa matwid, siya,i, di mopa kilalá dahil sabago kapang nakakasama ¿gaano nabang panahon ang iyong pagkalagay dito? Vico.--Dalawang taon lamang. Pedro.--¿Gasino na ang dalawang taon? ako'y nakilala ko pati inunan niyan at sa katunayan, iyan ay pang-ulo n~g isang tungkos na inútil at walang ini-isip kung di ululín ang m~ga kaawa-awa, walang bigóng kilos na di pinagkakagasta; at ang bawat hindi umamin sa linsad niyang paraan ay tuturang walang pag-ibig sa lupang kinamulatan. Vico.--Katoto: masalág ko ang iyong pan~gun~gusap, si Tio Agong ay walang kasalanan, sapagkat sa bayang walang napakukutos, ay walang man~gun~gutos, tuturan mong siya'y pan~gulo n~g isang kapisanan. ¿Hindi mo ba natatalos yaong wika: Na sa bayan n~g ulol walang Hari kundi ang gungong? Kaya wala sa gunam-gunam ko ang ako'y kaniyang pagtaksilan. Pedro.--Ito'y sinabi ko lamang, huag mong lílimutin yaong wika: na ang mapagkatiwala madalas mapan~ganyaya iyong tatandaan _aalis._ _Lalabas si Soledad Malungkot._ ESCENA II. Soledad.--Guiliw kong asawa! bagaman,t, mahapdî, sa puso,t, panimdim ang isasangunî, pag iinutan ko, na maimungkahî sabahay naito'y huag mamalagui. Vico.--Ikaw'y asawa ko ano mang masapit ikaw lang ang tan~ging sa dib-dib naguhit nag papagal ako kasi ko at ibig sa iyo ang dahil.... Soledad.--Dinguin mo ang sulit: Ibig kong sa bihin n~gayong ipamalay sa iyong kasamá ikaw,i, humiwalay. Vico.--Ang lahat mong sabi aking hahadlan~gan pagkat diko ibig at di katuiran. Ako'y kilalá mong inanák sa pagod sapagtatrabaho'y nabuhos ang loob ang pandayang ito kung kaya lumusog ay dahil sa akin. Soledad.--¡Maawain kong Dios! Vico.--Talastas mong dati ang aking puhunan sa pandayang ito'y madlang kapaguran n~gayong sumapit na ang pakikinabang manghihikayat kang akoy humiwalay. Soledad.--Dinguin aking guiliw itong isasaad na sa pagkahimlay aking na pan~garap ang taksil na Agong magdarayat sukab at sa may asawa ay nan~gun~gulimbat. Tan~gi pasarito ang dulong himutok n~g nag bigay agam aking bun~gang tulog kahiman daw lan~gít ang iyong idulot kagantiha'y lason. Vico.--Bibig mo'y itiklok _aalis si Vico_ MUSICA No. 2. (2 ulit) (Anong sakláp na damdamin itong aming nararating ang asawang guiniguiliw walang tiguil sa pagdaing) (2 ulit.) (2 ulit) (¡Oh! Bathalang lubhang mataas asawa koy iyóng iligtas sa m~ga madláng bagabag malayô sa tanang hirap.) (2 ulit). SALITAAN. Soledad.--Hindi malan~gap ko ang m~ga insal n~g lilong si Agong may asal halimao hindi na nan~gimi pag sinta'y ialay ¿sa isang gayako? ESCENA III. _Lalabas si Pedro, may dalang sulat._ Pedro.--Soledad pag masdan. Soledad.--Tio Pedro, ikaw po,i, manain~ga: natatanto ko po na ikaw ay may dan~gal na taglay, kung ako po ba'y may ipag tapat sa iyo, ikubli mo po kaya. Pedro.--Ah, Soledad puputok sa lupa, n~gunit sa aking dila ay hindi; turan mo. Soledad.--¿Ano po ba ang pagkakilala mo kay tio Agong? Pedro.--ha, ha, ha. Isang tawong lasengo, ang sinabi sa umaga na lilimutan sa hapon, isang ugaling muy _ordinario_, baga man mauban, ang laman n~g utak ay kamangman~gan, isang tawong mapag-ulol sa kababayan, isang tawong madalas sangkalanin ang bayan, isang tawong mapag apôapôan, isang tawong hantik pa sa limatik, isang tawong mapagpasamba sa tanto niyang han~gal, isang tawong tumandâ sa pagkabusabos, at isang tawong.... Soledad.--Hintay ka po muna. Pedro.--Ah, hindi mona maa-awat, isang tawong kung hindi mo alintanahin ang kanyang.... Soledad.--Tapusin mo na po. Pedro.--Aba ay tapos na n~ga, ¿ano naman ang ipagtatapat mo sa akin? Soledad.--Marahil po'y tanto mo, na kung hindi dahil kay Ludovico, ay hindi uusbong ang kaniyang kabuhayan. Pedro.--Oo n~ga, tanto ko, kaya't ang pamarali ni tio Agong, si Ludovico daw ay _socio industrial_ sa pandayang ito. Soledad.--Madalumat mo po bang ialay sa akin ang kanyang pag-ibig, madalumat mo po bang nasain n~g Agong na iyan, na ihapay ang puri n~g kanyang pinakikinaban~gan. Pedro.--Ito'y hindi ko n~ga madadalumat at dapat ko namang dalumatin, na baka kaya naman ang ibig niyang mangyari, sapagka't si Ludovico ay _socio industrial_ niya sa pandayan, siya nama'y maging _socio industrial_ ni Ludovico sa iyo ha, ha, ha ... ito'y hindi natin masusukat. Soledad.--Kaya't yayamang sa aking asawa'y wala akong sukat magagawang paraan upang ipamalay sa kanya ang m~ga bagay na ito ikaw na po ang magsabi sa kanya. Pedro.--_No puede ser hija de Dios._ Soledad.--¿Hindi ka po ba nahahabag sa aking asawa? Pedro.--_No puede ser hija de Dios._ takot na takot ako sa basagulo, kung iyan ay sabihin ko kay Ludovico at paputukin naman ni Ludovico ang ulo niyan, di pati ako'y hila-hila sa _Juzgado_. Soledad.--¿Ano po itong sulat na ibinigay mo sa akin? Pedro.--Si tio Agong ang nagpapadala sa iyo niyan, huag ko daw pagpapahamakang buksan. Soledad.--N~g iyo pong matanto babasahin ko sa iyo _bubuksan ang sulat_. Guiliw kong Soledad: Gaáno kayang pagtataká ang tatamuhin n~g iyong mapayapang dibdib na kung sa kalatas kung ito'y matantô ang laki n~g aking pag-ibig. Pedro.--Samantalang binabasa mo, dadasalin ko naman ang sampung utos n~g Dios, _Luluhod_. Ang una ibigin ang Dios na lalô sa lahat. Soledad.--Ini-ibig kita hangang huling tibok n~g aking paghin~ga kahi't dios man ang humadlang. Pedro.--Ang ikalawa huag kang manumpa sa sa n~galan n~g Dios. Soledad.--Ikaw ang pan~gin~gilinan ko't igagalang. Pedro.--Ang ikatlo sa lahat lamang n~g lingo at pista ka man~gin~gilin. Soledad.--Soledad igagalang kita. Pedro.--Ang ikaapat igalang mo lamang ang ina mo't ama gayon din ang katwiran. Soledad.--Mamahalin kita n~g higit sa buhay. Pedro.--Ang ikalima huag pumatay n~g tawo. Soledad.--¡Ay Soledad! ikaw ang buhay ko. Pedro.--Ika anim huag kang makiapid sa di mo asáwa. Soledad.--Ikaw Soledad ang tan~ging numakaw n~g aking puso. Pedro.--Ang ikapito huag mong nanakawin ang ipinagkakatiwala sa iyo. Soledad.--Soledad n~g aking buhay ang ninasâ kong ito'y hindi mahahadlan~gan kahit ang Dios. Pedro.--Ikawalo, huag kang mapagbintang sa kapua mo, bago bago ikaw ang lilo. Soledad.--Soledad ko, ikaw ang pinagnasaang pagkamatayan n~g aking pag-ibig. Pedro.--Ikasiam huag pagnasaan ang asawa n~g kapua mo. Soledad.--Guiliw kong Soledad ikaw ang aariin kong kaisang puso. Pedro.--Ikasampu huag mong pagnasaan ang ari n~g iba, lalo na kung iguinagalang ka. Soledad.--Hahanganan kona ang takbo nang pluma sapagka't ikaw din ang iibiguin ko kahit anong karatnan. Pedro.--Ang sampung utos n~g Dios dalawa ang kinauuwian: ibiguin mong iyong kapua gayon din ang Dios, at bayaan mong mamili sila kung alin ang kanilang ibig _titindig_. Pues iha ikaw ang makapamimili n~g iyong ibig. Soledad.--Kaya n~ga po tio Pedro, gawan mo po n~g paraan walin sa kanyang loob ang kanyang nina-nais sa kayo din po ang kaututang dila niyan. Pedro.--Bueno, pabayaan mo,t, akong bahala. Soledad.--Siya diyan napo kayo _aalis_. Pedro.--Saragating tawo itong si Agong Maria, Maria _lalabas si Maria_. ESCENA IV. Maria.--Ano. Pedro.--Natatanto mo itong si Tio Agong; ibig palang lumigaw dito kay Soledad, Jesus mariosep bakit ko ba naipagtapat dito. Maria.--¿Si Soledad na asawa n~g kanyang kasamá? Pedro.--Oo. Maria.--Maniwala kana sasinasabi kona sa iyo,t, ang sinalibad n~g isang laksang iyan e. Pedro.--Ako pang guinawang taga dala nang sulat. Maria.--Sinasabi ko sa iyo,t, iyang pagka meketrepe mo á ¿Hindi kaba na hihiâ sa tawo na iyang tandâ mong iyan ay pumasok kang ...ow _aambaan n~g suntok_ pag hindi ko pinaaguasa ang ilong mo á ¿Bakit ba sunod ka n~g sunod sa hayop na iyan? Pedro.--Mangyari ako'y natatakot baka akoy maturang hindi mabuting kababayan. Maria.--Naku.....pag hindi ko binalibol ang bun~gan~ga mo á, ang sukat mong akalain itong aking sasabihin: kung ang tawo bang iyan ay mabuting cristiano, dapat bang pag nasaan ang asawa n~g kanyang kasamá. LALABAS SI BAKOKO'Y ESCENA V. Bokokoy.--Magandang araw po. Pedro.--¿Sino? Bokokoy.--¿Sino puba ang amo dito? Pedro.--¿Bakit? Bokokoy.--Ibig ko pu sanang manilbihan. Maria.--¿Baka hindi ka makatatagal dito? Bokokoy.--Tatagal po. Pedro.--N~g akoy maligtas sa m~ga basagulo ipasok ko ito, hoy ¿ano ang pan~galan mo? Bokokoy.--Bokokoy po. Pedro.--Dito'y talagang nan~gan~gailan~gan n~g alilà, datapua't isang alilang pipe, dahil sa ikaw ay hindi pipe tuturuan kitang maging pipe, pagka't ang amo dito ay ayaw makikisama kung hindi sa pipe, bulag, at kimaw na gaya ko; ako man ay hindi rin kimaw nagkikimawkimawan lamang ako, o tignan mo. _Biglang hahampasin sa tiyan si Bakokoy._ Bokokoy.--Aray, ha ha ha..... Pedro.--¿Bueno, ibig mo? iyan man hindi rin bulag. Bokokoy.--Opo. Pedro.--Pag sinabi sa iyong ganito _ikukumpas ang kumay sa mukha_ babayi ang kailan~gan _kukumpas uli_ pag ganito lalaki. Bokokoy.--Opo. Maria.--Mabuti, insayuhin mong mabuti iyan at papasok ako dito sa loob _aalis_. ESCENA VI. Pedro.--¿Magkanong sueldo ang ibig mo? Bokokoy.--Kahi't na po magkano _uubo sa loob si Agong._ Pedro.--Humanda ka at nandito na. _Lalabas si Agong._ Agong.--Pedro, aha? sino iyan? Pedro.--Ibig pumasok na alila pinapag-antay ko dahil sa pipe, baka wika ko maibigan mo. Agong.--Aha, oo kung pipe ay ibig ko n~ga magkano an~g sueldo tanun~gin mo. Pedro.--Bokokoy. Agong.--Anong n~galan? Pedro.--Bokokoy, ayon sa recomendación na aking tinangap. Hoy, _kukumpasan kung magkano ang ibig sahurin_ magkano ang ibig mong sueldo. Bokokoy.--_Ikukumpas na limang piso._ Pedro.--Límang piso daw. Agong.--Comforme ako, hoy _tatampalin sa balikat kukumpasan n~g kahit anong makita huag sasabihin_ huag mong sasabihin ¿ha? Bokokoy.--Ong.... _tatan~gotan~go_. Agong.--Tio Pedro, anong sagot ni Soledad? Pedro.--Tio Agong, pillo ka pala naghain ka pala n~g pag-ibig kay Soledad. Agong.--He, he, he.... Saragate ka tio Pedro, marahil binuksan mo ang sulat. _Sa tuina't magtatawanan ang dalawa makikitawa si Bokokoy._ Pedro.--Hindi ko binubuksan kung di binasa sa akin ni Soledad, dahil sa kilala ni Soledad na marunong akong magkubli n~g lihim, samantalang kanyang binabasa dinadasal ko naman ang sampung utos n~g Dios, n~g marinig niyang ang ika anim na utos n~g Dios na huag makiapid sa may asawa namun~gay ang mata, saka tumawa n~g lihim kaya't tila tinatangap na ang iyong pag-ibig _magtatawanan maquiquitawa si Bakokoy._ Agong.--Hoy, ¿bakit ka tumatawa? Pedro.--Talagang ganyan iyan, pagnakakita n~g tumatawa nakikitawa din ha, ha, ha ... _Tatawa si Pedro makikitawa si Bokokoy_ nakita mo na di nakikitawa naman. Agong.--Aba sien~ga a, dahil sa ang aking pagkaalam, ay tungkol pipe, siempre bin~gi. Pedro.--Oo n~ga bin~gi n~ga iyan sa iyon ang kanyang ugali, pag nakakita n~g tumatawa nakikitawa, anong magagawa natin: tawanan mo; pag hindi ka tinawanan talo ako. Agong.--Hoy, _n~gin~giti si Agong n~gin~giti din si Bokokoy, hahalakhak si Agong hahalakhak din si Bokokoy._ Pedro.--Kaya wala tayong dapat katulun~gin sa pagligaw mo kay Soledad kung hindi iyan. Agong.--¿Saan naroroon si Soledad? _lilin~gon si Pedro masusuliapan si Soledad na lumalabas._ ESCENA VII. Pedro.--Naito siya't dumarating _Patakbong aalis._ Agong.--Ay! Soledad! Soledad.--Aba bastos na tawo ito, hindi na kayo nahihiya, kahit may tawo. Agong.--Diyan ay huag kayong mag-alaala, pagka't tan~gi sa iyan ay pipe, bin~gi pa ¡Ay Soledad! Soledad.--Di ka na nan~gimi sa aki'y maghain ¿n~g iyong pagsinta? ¡may lahi kang taksil! Agong.--¿Maging sala kaya ang gawang gumiliw? Soledad.--Sukat na, sukat na, may dilang matabil. Dapat mong lin~gapin ang aking asawa marunong mag tapat sa pakikisama, maguing araw gabi, tanghali't umaga trabaho ang ibig upang guminhawa. Bagá man sakali iyong namamálas sa ibang babae ang ugaling judas ako naman sana'y huag mong itulad tatampalin kita.... Bakokoy.--Frefeta Jeremias. Agong.-- Huag maguing tampal sukdang maging suntok titiisin ko rin taglay n~g pag-irog kahit sa n~gayon din buhay ko'y matapos iibiguin kita. Bokokoy.--Santo Nicodemus. Agong.--Ako'y kilanlin mo sa bayan ay tanyag bawa't nasain ko'y nasusunod agad. Soledad.--Kung magkaganito matwid ay baligtad, n~guni't huag gawin sa nan~gadidilat. Agong.--Pag-ibig ko'y tuloy, hindi magagatol pagka't akong apô.... Bokokoy.--Malapit lumindol. Agong.--Ang kahit bumaha n~gayon din n~g apoy, ini-ibig kita _yayakapin._ Soledad.--_Iilag_ Ah, lahing Faraon. Dika na nahiya n~g asal mong iyan isang may asawa iyong pan~gahasan bulok ang puso mo, may lahing halimaw di ka na natutong magbigay pitagan. Agong.--Itong pagsinta kong nakintal sa dibdib hindi maaampat ano mang masapit ang yakap kong ito, hulog na n~g lan~git hahagkan pa kita.... Soledad.--Halimaw, balawis. Wala kang damdamin tawong walang wasto: marun~gis ang dibdib maitim ang puso: darating ang araw noong pagka pugto n~g gaya mong sakim mapag apô-apô. _Tatampalin pagkatampal aalis patakbo._ Bokokoy.--Aray.... Agong.--¿Nakita mo ang guinawa sa akin? _Pakumpas_. Bokokoy.--Ong ... _pailing-iling_. Agong.--Huag kang magsasabi kanino man _pakumpas aalis si Agong sapolsapol ang mukha biglang tatawa si Bokokoy pagkaalis._ Bokokoy.--Walang hiya pala itong apô-pô namin dito. _Darating si Lodovico lalabas sa fondo at si Soledad sa kaliwa._ ESCENA VIII. Vico.--Oh Soledad kailan man ikaw ay na sa aking piling, hindi ko nakikilala ang kamatayan. Soledad.--¡Ó Asaua ko! kailan mang oras di kita masilayan, tanto akong nalulumbay. Vico.--Tunay kaya? Soledad.--Tunay. Vico.--Kung gayon ay dínguin. MUSICA No. 3 Vico.--Kung totoong iyong tinuran iabót ang iyong kamáy Soledad.--Naito aking hirang at huag ang kamay lamang kung di pa sampúng katawán Vico.--Oh laking kaligayahan Tantoin mo aking guiliw ikaw ang sasalaminin, buhay ko man ay mairing dito magpahangang libing. Soledad.--Sa oras na masanghayâ nag bulaklak yaring tuâ at naparam ang dalita sa ligaya'y sumagana. Sol. at Lvo.--Itong ating kaligayahan waring araw na sumilang ligaya'y ating kamtan dito sa pag-iibigan Anong sarap anong tamis, ang linamnam n~g pag-ibig di mandin maiwawan~gis sa ligaya n~g angeles Lalo na n~ga't kung kaulayaw ang sintang minamahal wari man din tinanglawan n~g m~ga bitui't buan. SALITAAN. Vico.--Asawa ko, kahit ang pagod ko'y halos makaputol n~g hinin~ga kapag ikaw ay nasa piling naiisbang walang liban. Soledad.--Kaawa-awa kang tunay sa iyong kasamá, iyo ang pag-luhâ, iyo ang pagdaing, iyo ang pagtaghoy, at iyo pa ang damdamin. Vico.--Hindi magkakagayon at sino ang tawong iyan hoy, ¿Sino ka? Bakokoy.--Sino naman kaya ito. _Kukumpas n~g pagalang._ Soledad.--Iyan ay bagong pasok lamang dito. Vico.